Oreo 19

577 18 2
                                    

🌼💮🌼

PAG UWE NI OREO SA BAHAY naabutan niyang abala ang kambal sa salas habang nakabukas ang tv. Kakauwe niya lang galing sa palengke.

Si Hansel naglalaro ng ML. Paano niya nalaman? Ang lakas kaya ng sound. Si Waffer naman ay abala rin sa cellphone nito. Hindi niya alam kung anong ginagawa.

Hindi siya napansin ng dalawa dahil subrang abala sa ginagawa. Napailing na lamang siya, samantalang dati ay sinasalubong siya ng mga ito. Dumeretso na lamang siya sa kusina para ilagay ang mga dalahin. Naabutan niyang nagluluto na ang Ina sa kusina.

" Hi Ma." Bati niya sa Ina saka nag manong sa kamay.

" Kaawaan ka ng diyos." Anito sabay baling sa kanya. " Kamusta sa palengke?"

" Ayus naman po Ma." Tugon niya sa Ina saka nag paalam kaagad rito.

Tatawagan niya si Kit Raikko dahil hindi siya nakatawag kanina dahil abala siya sa palengke. After niya kasing umalis sa bahay nito ay hindi na siya nakatawag. Naging busy na kasi siya sa dami ng custumer.

Nang makapasok sa kwarto kaagad niyang tinawagan si Kit Raikko.

Ilang ring bago sinagot nito. " Hello."

" Hi. Kamusta?" Simula ng binigyan niya ito ng phone lagi na niya kinaka-musta si KR. Lagi niya sinisiguro na maayus ito. Para na nga siyang nobya kung mag alala.

" Okey naman ako baby. I miss you." Ani KR sa kabilang linya.

Napipilan naman si Oreo. Shit! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kalma lang heart.

" Wag mo nga akong tawaging baby! hindi ako baby." Naiirita niyang wika ng makalma niya ang puso. Mabuti na lang ay wala siyang kasama sa kwarto.

Natawa naman ang nasa kabilang linya. Simula ng maamoy nito ang hininga niya ay inaasar na siya nito. May pagkamakulet pala si Kit Raikko, iyon ang napansin niya. Sa bawat araw na dumaan ay nakikilala niya ang lalake. Makulet, malambing, masayahin at sweet. Kaya minsan ay hindi niya maiwasan titigan ito. At mahulog ang loob niya rito. Kahit lagi siya nito inaasar. Hindi niya alam kung lambing lang ba yun ng lalake o hindi. Magkaganon man ay kinikilig si Oreo kay KR.

" Bakit baby naman kita ah? Diba nililigawan nga kita?"

Oo nga pala, nanliligaw na si Kit Raikko. Kaya pala laging ganito ang lalake.

" So? Paki ko naman? Basta wag mo akong tawaging baby." Kasi kinikilig ako. Sabi niya sa isip sabay ngiti.

" I miss you baby." Malambing nitong wika kapagkuwan. Napapikit naman siya ng mga mata saka napakagat ng labi. Napaka-lambing ng pagkakasabi ni KR gosh!

" I miss you too." Wala sa sariling bulong niya.

Natauhan lang si Oreo ng may kumatok sa pinto. Nabitawan niya tuloy ang cellphone sa subrang gulat. Mabuti na lang ay nasa kama siya.

Umalis siya sa kama saka pumunta sa pinto ng silid. Pagbukas niya ng pinto nakita niya ang kapatid na si Hansel.

Nakangiti ito. " Nakakain na daw ate."

Napatango siya saka sinabing mauna na ito sa baba. " Mauna kana."

" Okey Ate." Bumaba na nga ang kapatid.

MR.SUNGITWhere stories live. Discover now