Oreo 09

601 20 2
                                    

🌼💮🌼

NAGULAT SI OREO NANG makita niya ang lalake sa tindahan kinabukasan. Hindi pa sila nag-bubukas peru nandito na kaagad ito. Hindi niya pinansin ang lalake. At binuksan ang tindahan nila. Nasa gilid naman ang lalake kaya hindi niya maaabala.

Nang matapos sa pagbukas ng tindahan ay inasikaso naman niya ang mga paninda. Dahil abala at hindi pinapansin ang lalake ay ang kanyang ina ang umasikaso sa lalake.

" Anong sayo Jiho?" Tanong ng kanyang ina sa lalake.

Jiho?

Hindi na lang siya kumibo. At nakinig lang sa dalawa habang inaayus ang mga paninda. Kunyare ay hindi siya nakikinig. Hindi naman siya mapapansin ng dalawa eh. Nasa likod siya ng ina at bulag naman ang lalake.

" Mayroon ba kayong saging na saba?"

Narinig niyang tanong ng lalake sa Ina.

" Mayroon. Ilan ba ang bibilihin mo?"

" Isang piling po sana. Magkano po?"

Napataas ng kilay si Oreo ng marinig niyang nag Po ang lalake. Marunong pala gumalang? Akala niya ay lahat ng tao ay susungitan nito.

" Taltong peso ang isa." Kapagkuwan ay narinig niyang tinawag siya ng ina. " Oreo anak. Ikaw nga dito." Utos ng ina.

Mabilis siyang lumapit sa gilid ng ina. At iniwan ang ginagawa, baka magalit si Mama kapag hindi niya sinunod.

" Bakit po. Ma?" Tanong niya sa ina ng makalapit.

" Ikaw nga mag-kwenta 'nak." Binigay nito sa kanya ang isang piling na saging. At iniwan na siya ng Ina. Napabaling siya sa lalake habang tahimik na naghihintay. Napabuntong hininga muna siya. Naiinis parin siya rito, pagkatapos siyang akusahan.

Binilang niya ang saging na saba saka sinabi sa lalake.

" 60 pesos. Bariya lang huh. Baka mamaya ay 1k na naman ibigay mo." Mataray niyang wika. At binalot ang saging sa plastik.

" Galit ka?"

Nagulat si Oreo sa tanong ng lalake. At napatitig sa mukha nito, hindi naman mukhang galit ang lalake.

" Hindi. Bakit naman ako magagalit? Custumer ka namin." Katwiran niya sa lalake. At humalukipkip pa. Matapos mabalot ang saging na saba

" Hi Sexy." Bati ni Aaron sa kanya ng makalapit. Tumabi pa ito sa lalake.

" Bolero." Nakangiti niyang ani kay Aaron.

Tumawa ito. " Hindi ah! Totoo kaya. Bukod sa mabait kana ay maganda at sexy kapa. Kaya nga maraming nanliligaw sayo eh."

Sinaway niya si Aaron. Nakakahiya naman kay Bulag. Baka sabihin ay nag-mamalaki siya.

Wow! Kelan kapa nahiya kay Bulag?

Puna ng kanyang isip ngunit hindi niya pinansin iyon.

" Umalis kana nga. Panira ka sa umaga ko eh." Pagtataboy niya kay Aaron. Peru kunyare lang naman.

" Okey. Bye sexy. Mamaya ulet." Aniya at kinindatan pa siya bago umalis.

MR.SUNGITWhere stories live. Discover now