Chapter 34

146 17 2
                                    

Drunk

-

Nathalia's POV

After exams ay nagkayayaan ang kaibigan ko at kaibigan ni Adrian na lumabas at mag-celebrate.

Hindi ko alam kung bakit nadalian ako mag-exam ngayon. Masyado yata akong nag enjoy at na-inspired magreview kahapon nang kasama ko si Adrian.

After ng exam ay break naman ng klase. May one week break kaming lahat bilang pahinga before ulit magsimula ng lesson.

At kahit na hindi pa man kami sure kung papasa ba kami sa exams ay magcecelebrate parin kami.

"So, saan niyo gusto?" Vergil asked us.

"Kayo, bahala." sagot ko naman.

Kasalukuyan kaming nasa waiting shed area sa labas ng University at nag-uusap kung saan nga ba kami pupunta.

Hindi ko alam kung anong naisip ng kaibigan ni Adrian at bigla bigla nalang silang nag-aaya na magcelebrate. Hindi namin kaklase si Daryl at Vergil, pero sabay ang exams ng lahat ng estudyante dito sa University.

"Kami bahala? Sigurado ka d'yan?" nakangising tanong namam ni Daryl.

"Oo." sagot ko agad.

"Oo, payag din kami kahit saan. Basta makakapag enjoy tayo at celebrate." si Margo.

"How about bar, ganon?" si Daryl.

"I'm not allowed to drink liquor." sabi ko naman. Bawal naman talaga, and I am minor. Palibhasa mga nasa legal age na sila eh. Kami lang ni Angela ang hindi pa.

"Edi huwag kang uminom, sama ka lang, as simple as that." pagbara naman sakin ni Daryl kaya inirapan ko siya.

"Nakakatawa 'yon? Edi hindi ko rin na enjoy!" masungit na sabi ko.

"Why? Nagsasabi lang ako ng pwede mong gawin para makasama ka." sabi rin niya.

"Shut your fcking mouth, Daryl!" sabat naman ni Adrian kaya tumahimik naman si Daryl. Dumila naman ako kay Daryl bilang pang-asar.

"Doon nalang sa bar. Magpaalam kayo, tapos update nalang natin ang isa't isa mamaya kapag pinayagan kayo." si Vergil.

"Deal. Tsaka okay lang sa akin sa bar, papayagan naman ako." sabi naman ni Margo.

"Ako rin." si Daryl.

"So kami lang ni Nathalia ang hindi pa sure?" tanong ni Angela.

"Ano pa nga ba? Mga minor nga naman, minor moments." humagalpak ng tawa si Daryl, sinamaan lang namin siya ng tingin bago kami naghiwalay hiwalay at umuwi sa kanya kanya naming mga bahay.

Hinatid naman ako ni Adrian pa-uwi.

"It's okay if hindi ka makakapunta." napalingon ako kay Adrian nang magsalita siya. Nasa harap na kami ng bahay.

"Bakit? Ayaw mo ako sumama?" taas kilay na tanong ko.

"Gusto! I won't go if you will not go." mabilis na sagot niya.

"Kapag pinayagan ako pupunta ako."

"I'm sure 'di ka papayagan." siya.

"Bakit naman? Hindi naman ako iinom eh." ako.

"Nathalia, walang maniniwala kapag sinabi mo 'yan. It's a bar, impossibleng hindi ka makaka-inom kahit na kunti. Pipilitin ka nila uminom at matutukso ka rin." paliwanag naman niya.

In My BloodWhere stories live. Discover now