Chapter 33

157 11 0
                                    

He lied

-

Nathalia's POV

"Okay na kayo?"

I smiled and nodded in response to Angela's question.

"Sabi naman kasi sayo eh, usap lang ang kailangan niyo." sabat naman ni Margo.

Ngiti nalang ang tanging isinagot ko saka ko itinuloy ang pagre-review ko dahil exam na namin ng third quarter the day after tomorrow ngayong second semester.

Binigyan kami ng mga instructors namin ng dalawang araw bago ang exam para magreview at ngayong araw ang first day kaya naman inabala ko ang sarili ko sa pagbabasa. Sabay sabay na kasi ang exam namin sa araw na iyon, kaya malalang review talaga ang kailangang gawin.

I just realized it was lunch time when Adrian texted me and said why he doesn't see me in the canteen today.

Hindi ko alam kung saan siya nanggaling. Wala naman siyang paalam sa akin kung bakit hindi siya pumasok ngayon. Nahihiya naman akong magtanong sa kanya dahil baka isipin niyang nagfe-feeling girlfriend ako.

To Adrian:
I'm in the room.

May mga kasama rin ako rito sa room na kaklase, at nagrereview din sila.

Sina Margo at Angela naman ay nagpaalam sa akin na sa library muna sila dahil may mga kailangan silang hanapin about sa nirereview nila.

I didn't go with them anymore because I was too lazy to walk, at sayang pa ang oras ko pag punta ko doon, kaya yung oras sa paglalakad ko ay gagamitin ko nalang sa pagrereview.

Self review kami ngayon, hindi tulad dati na yung mga instructor ay tinutulungan kami by recalling topics we have tackled before.

Nang makita ko ang ibang kaklase ko na kumakain na habang nagrereview ay bigla rin akong nagutom. 'I should have brought lunch, so I don't need to go outside, but what can I do, I forgot.'

Napagpasyahan kong kumain muna kaya naman iniligpit ko na ang mga gamit ko at ikinarga ang mga ito sa bag ko kasama ng cellphone ko.

Pagkalabas ko palang ng pintuan ay nakasalubong ko na si Adrian na mukang papasok ng room.

"Hi." bati niya saka siya humalik sa pisngi ko.

Agad naman akong napatingin sa paligid kung may nakakita sa ginawa niya, at nakahinga ako ng maluwag nang makitang walang ibang tao ang nakakita. Masyado yatang busy ang mga estudyante ngayon at wala nang time para sa chismis. Mabuti naman!

"What?" he asked when he noticed me wandering my eyes around the hallway.

"Tinignan ko lang baka may nakakita. Ma-issue pa tayo eh." sagot ko. He chuckled.

"Kumain ka na?"

"Hindi pa eh. Ikaw ba?" sagot ko.

"At bakit hindi ka pa kumakain?" taas kilay na tanong niya at hindi pa sinagot ang tanong ko.

"Hindi ko namalayan yung oras eh." napakagat labi pa ako.

He scratched his nape then he placed his hands on my shoulders and led me somewhere.

"S-saan ka pala nanggaling? Bakit hindi ka pumasok?"

Maya't maya'y tanong ko nang hindi ko na mapigilan ang sarili kong itanong ang kanina pang nasa isip ko.

"N-nasa bahay lang a-ako."

"Oh, why did you stuttered?" natatawang tanong ko.

Is he lying? Ganyan din kasi ako magsinungaling, nauutal.

In My BloodWhere stories live. Discover now