Chapter 35

201 19 6
                                    

In a relationship

-

Nathalia's POV

"Oh, gising na pala ang pasaway mong anak."

Pagbaba ko palang sa living room ay ito ang bumungad sa akin. Ito na si Dad and Mom, pagagalitan na ako. Mas lalo tuloy sumasakit ang ulo ko.

"Kamusta ang celebration? Masaya ba?" sarcastic pang tanong ni Mom.

'Ito na nga ba ang sinasabi ko. Na demonyo kasi ako ng mga kaibigan ko kahapon eh!'

"I'm sorry, Mom and Dad, hindi na po mauulit."

"Talagang hindi na mauulit, Nathalia." masungit pang sabi ni Mom.

"Tsaka, Mom and Dad, college naman na ako pwede na ako uminom inom." sabi ko kahit na ayoko na d
rin namang uliting uminom, dahil sa mapapagalitan ako at dahil na rin sa hang over gaya ng nararanasan ko ngayon.

"At saan mo natutunan iyang mga ganyan, Nathalia? Hindi porket college ka na ay iinom inom ka na ng mga alak. A little reminder, Nathalia, you were just seventeen years old." Daglared at me. 'Okay, wrong move.'

"Sino ang nagpilit sayo uminom? Si Adrian?" tanong naman ni Mom na mabilis kong inilingan.

"No, Mom." sa katunayan nga ayaw pa akong payagan ni Adrian na uminom eh. And speaking of Adrian. Ano nang nangyari don?

Mom was about to speak when our doorbell suddenly rang. Dad stood up to open the door.

At mukang nananadya yata ang tadhana dahil biglang dumating si Adrian na may dala pang bulaklak.

"Good morning po." bati ni Adrian sa mga magulang ko.

'Anong ginagawa niya dito?'

"Oh, anong sadya mo, Ijo?" tanong ni Mom kay Adrian.

"I want to visit my girlfriend at gusto ko po na pormal po naming masabi sa inyo na kami na po." malaki ang ngiti nito.

"What?!" gulat na sigaw ni Dad. Maski ako ay nagulat sa mga sinasabi ni Adrian.

"Huh? Anong sinasabi mo, Adrian?"

"Did you forgot? You made me your boyfriend last night."

'Jusko ano ba 'to?'

"Nako, Nathalia hindi ako makapaniwala sa nalalaman ko ngayon! Sumasakit ang ulo ko sayong bata ka!" galit na sabi pa ni Mom habang hinihilot ang kanyang sintido.

"Mom!" gulat na sigaw ko nang bigla na lamang siyang nawalan ng malay.

'Shet, anong nagawa ko?'

"Ano?"

"Nathalia, ilang ulit na. You said last night, you want me to be your boyfriend."

"My gosh, Adrian! Alam mong lasing ako kagab--."

"Yun na nga eh. Lasing ka kaya pinilit mo ako. Sabi ko hindi pero makulit ka."

"Eh kasi nga lasing ako! Tsaka hindi ka dapat basta basta pumunta rito na ganyan ang sinasabi mo! Tignan mo nangyari kay Mom!" naiinis akong napakamot sa ulo. "Mas lalong sumasakit ang ulo ko eh!" naiirita pang dagdag ko.

"I'm sorry." mahinahon pang sabi niya.

"Hayst." napabuntong hininga pa ako. " Sorry din. May kasalanan din ako." dagdag ko. "Pero, Adrian bakit kasi pabigla bigla ka. Pwede namang ako muna ang kausapin mo eh bago iyong ganito." 'di ko parin mapigilang mainis.

"Sorry na nga."

Mabuti nalang at wala ang mga kapatid ko. Maaga silang umalis at hindi ko alam kung asaan sila.

"Paano na ngayon 'to?" tanong ko. Tiyak pag nagising si Mom, tuloy parin ang sermon non. Naiisip ko palang naiiyak na ako.

Baka sabihin na disappoint ko sila. Na hindi ako sumunod sa rules namin. Na pasaway talaga ako.

"Ituloy nalang natin, total andito na." sabi niya. "But if you don't want, it's fine with me. I can wait." dagdag pa niya.

"Pwede naman siguro nating sabihin na joke lang diba?" tanong ko. "Pero pag sasabihin nating joke lang, magagalit din sila kasi nahimatay si Mom sa joke natin." bawi ko rin.

"See? So ituloy natin. Payag naman ako eh." he said smiling before he bite his lower lips. Animal din ang lalake na 'to eh! Nagagawa pang gumanon!

"Hayst bahala na." suko ko. "Pero sigurado ka sinabi ko kagabi 'yon?"

"I'm one hundred percent sure. You also said 'baby na kita ah?' , 'basta baby na kita. Sa akin ka ha?' at bago ka nga natulog sabi mo pa 'Basta girlfriend mo na ako ah! 'Wag kang maarte. Period!'" ginaya niya pa ang boses ko.

Animal talaga!

"Ngayon ipaliwanag niyo sa amin lahat."

Mom was still glaring at me, habang tahimik naman si Dad na nakaalalay sa kanya. Sinadya siguro nilang hindi pumasok sa trabaho nila para pagalitan ako.

Magsasalita na sana ako ngunit nagsalita si Mom.

"Ayusin niyong magpaliwanag."

"K-kami na po talaga, Mommy. I'm sorry kung pasaway po ako." nakayuko pang sabi ko.

'Taena nahihiya na ako ng sobra huhu.'

"Jusko po, Nathalia. Pasalamat ka at kilala namin itong lalakeng ito, dahil kung hindi mapapalayas talaga kita." mukang stress pang sabi ni Mom.

"Uhm... Kung ayaw niyo pa po siya mag boyfriend. Mag aantay nalang po ako." sabi naman ni Adrian.

"Ngayon pa?!" halos mapatalon kami ni Adrian sa gulat ng sumigaw si Dad. "Nasabi niyo na babawiin pa? Masama 'yon. Kaya ituloy niyo na. Basta huwag mong sasaktan si, Nathalia. Kahit mas malakas kayo kesa sa akin lalabanan ko kayo." Napangiti naman si Adrian sa huling sinabi ni Dad. Hindi ko alam kung seryoso ba si Dad o hindi, at talaga namang nay naisingit pang pamahiin.

"Makakaasa po kayo, hinding hindi ko po sasaktan si Nathalia." nakangiti pang sabi ni Adrian.

"Mabuti naman at nagkalinawan." si Dad. "Basta alam niyo na ang tama at mali, matatanda na kayo. Lalong lalo ka na Adrian, iingatan mo itong anak ko ha? Ayoko pang magka apo sa bunso ko." paalala ni Daddy.

'Ano ba 'yang mga sinasabi ni Daddy. Nakakahiya! Hello, I'm just seventeen years old, at wala pa sa isip ko ang magkaanak ngayon.'

"Opo." sagot ni Adrian.

"Wala na rin akong magagawa kundi pumayag." si Mom.

Natawa nalang kami kasi mukang na stress talaga si Mom sa nalaman niya ngayong araw.

Maski ako hindi ko akalain na ganito ang mangyayari sa araw na ito.

'I can't believe we're officially in a relationship.'

Hello. Sana magustuhan niyo po itong maiksing update ko. Salamat.

In My BloodWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu