Chapter 52

112 10 0
                                    

A/n: Ang paniniwala rito ay paniniwala lamang ng mga bida, may nabasa kasi ako na ganoong paniniwala rin at hindi ko naman nilalahat na dapat ay paniwalaan ito ng lahat, nasa sainyo na po iyon, I respect all beliefs, besides fiction lang naman ito so kung totoo man o hindi ay walang magagalit HAHA.

Down the aisle

Nathalia's POV

"Look, our little angel. Your Mom and Dad are getting married in a month from now..."

Pinunasan ko ang luhang lumandas sa aking pisngi dahil sa sinabi ni Adrian habang nakatingin kami sa puntod ng baby namin.

We named her Celestia, which is a variant of Celeste, and which means "heavenly" or "of the sky" in Latin. Everytime we will look up into the sky or heaven we will remember her, our little angel.

Kung nabuhay lamang sana siya ay malaki na siya ngayon, at tuwing naiisip ko iyon ay nalulungkot parin ako. We sacrificed our own baby just for the peace of our country.

Pagkatapos na pagkatapos nagpropose sa akin ni Adrian kanina ay dito na kami dumeretso. May dala kaming bulaklak para sa kanya.

"You're supposed to be our little bride's maid, but heaven held you so early. Watch us in our wedding day, okay?" parang tangang kausap ko ang puntod niya.

Ilang minuto pa ang tinagal namin dito hanggang sa napagpasyahan na naming umuwi.

["I think I'm gonna die..."] kasabay nito ang malalim nitong pagbuntong hininga mula sa kabilang linya.

"What the hell are you saying?" natatawa kong sagot sa kanya.

["It's been six days since the last I saw you, and it's torture. F*ck that wedding beliefs!"]

Humagalpak ako nang malakas na tawa dahil sa kanyang pagrereklamo. Hindi pa kasi kami nagkikita o nagkakasama six days ago na. Paniniwala kasi ng parents ko na kailangan one week before the wedding eh hindi dapat kami nagkakasama.

Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nang hingiin niya ang aking kamay, and up until now ay kinikilig parin ako kapag naaalala ko iyon, at habang papalapit nang papalapit ang araw ng kasal namin ay para akong na-eexcite na kinakabahan.

The wedding will be the day after tomorrow, at mukang hindi na aabot ang lalakeng ito dahil mamamatay na raw yata siya gaya ng kanyang sinasabi. Diba napaka-OA? Akala mo naman! Eh samantalang mahigit isang taon kaming hindi nagkita noon nang kunin ako ng hayop na David na iyon. Anyways, nevermind about that, tapos na iyon at hindi na dapat balikan, ayokong ma-stress sa mga nangyare na noon.

"Calm down will you? Isang araw nalang din naman at magkikita na tayo, at magsasama na rin tayo sa iisang bahay." I answered.

["Isang araw, matagal na iyon. Sneaking is not problem with me, sabihan mo lang ako kung gusto mo na rin akong makita."]

"Gusto, pero 'wag ngayon. Masama ang sumuway sa mga pamahiin."

["We don't have that kind of beliefs in Vampires world, and you're now a vampire, hindi ka na dapat naniniwala sa mga ganyan."] naiiritang sagot niya.

In My BloodWhere stories live. Discover now