Chapter 45

85 9 0
                                    

She's back

-

Nathalia's POV

It's been a lot of months and David still don't have a plan to return me. Talaga nga yatang gusto na niya akong ma-stuck sa kanya habang buhay.

This jerk even enrolled me to the other University and I am taking online class. I admit he treated me well this past months, but still, I can't be stay still knowing that he has a bad plan in our city.

Hindi ko alam kung kidnapped pa ba ito o inampon na niya ako. I wanted to escape but I have no chance to do it. Palagi siyang nandyan, palaging naka-secure ang lahat. Ni hindi ko na alam kung anong nangyayare sa labas.

My loneliness is killing me everyday, I missed my parents so bad, I missed Adrian so much, and I missed my old life.

Pasalamat nalang ako dahil kahit papaano ay hindi ako sinasaktan ni David, I can say he's kind but blinded with his feelings, his anger and his revenge. Ngunit kahit na ganyan ang ipinapakita niya sa akin ay malaki na ang galit ko sa kanya. He imprisoned me in a life that I never wanted, he imprisoned me with him, alone.

Isang buwan nalang at matatapos na naman ang school year, ganoon niya ako katagal ikinulong, ilang buwan niya akong kinulong, at hindi ako papayag na tutungtong ako ng fourth year college sa susunod na school year na siya ang kasama ko. I wanted to be with my family, my friends and with Adrian.

Walang nakakakilala sa akin sa school kung saan ako in-enroll ni David. He warned me na hindi ako pwedeng magsumbong dahil kung nagsumbong ako ay may gagawin siyang masama sa pamilya ko, and I can't afford that to happen. Kaya naging mabait na sunod sunuran ako sa kanya, ito nalang ang tanging paraan para maprotektahan ko sila kahit na wala ako sa tabi nila.

But I promised to my self that after this school year ay tatakas ako. I can't be stuck here with him forever. I have my own life. He can't imprisoned me here with him forever because of just his d*mn revenge.

Isang buwan nalang din naman ang titiisin ko, at sa loob ng isang buwan na iyan ay sisiguraduhin kong makakahanap ako ng paraan para matakasan ko siya.

-

Adrian's POV

"Akala ko tutulungan niyo kami? Tatlong buwan nalang ay mag-iisang taon na siyang nawawala! Buhay pa ba ang anak ko, huh?"

In almost nine months, walang araw na hindi nagtungo si Mr. Samonte sa bahay upang itanong ang anak niya. Wala ring araw na hindi ko siya naiisip, honestly minu-minuto, oras-oras ay siya nalang ang iniisip ko. This heart break is to much! I can't even motivate myself anymore that everything will be fine.

But of course, I won't stop until I find her. Malakas ang pakiramdam kong buhay pa siya, umaasa akong buhay pa siya.

"I can feel she's still alive..." mahina kong sambit.

"Feel? Puro nalang iyang pakiramdam mo? Anong kasiguraduhan niyan ha? Iyang nararamdaman mo ang nagpahamak sa anak ko. Kapag tuluyan siyang nawala sa amin hinding hindi ka namin mapapatawad at sana habang buhay kang bagabagin ng konsenysa mo." his eyes started to water, he's hurt, so I am.

"Mr. Samonte, hindi ginusto ni Adrian ang mga nangyare!" galit na sabat ni Dad ngunit agad din namn siyang sinaway ni Mom.

"Kasalanan ng anak niyo ito, kasalanan niyong lahat!" after that he walked away. Paniguradong babalik na naman siya bukas para itanong kung anong balita sa anak niya.

Minsan ay kasama niya ang buong pamilya sa pagpunta rito, pati na rin ang kaibigan niya, naging ganoon lamang ang pangyayare sa mga nakaraang buwan.

Ang almost nine months na dumaan ay masyadong matagal para sa akin, it seems almost nine years for me.

In My BloodWhere stories live. Discover now