Chapter 40

119 9 0
                                    

News

-

Nathalia's POV

"This morning, a number of bodies were discovered in various locations throughout our town, and the perpetrators were unknown creatures. It's believed that a monster did it based on what was witnessed yesterday night."

Right now, everyone in the house is silently watching the news on TV.

'But wait! Adrian told me that it is a virus, na once na makagat ka is magiging kagaya ka nila. Pero bakit ang nasa balita ay natagpuan ang mga katawan nila?'

"Even if I don't explicitly state it, you probably already know what monster made it." napalingon kami lahat kay Dad nang magsalita siya.

Alam kong iniisip na nila na bampira ang mga may kagagawan nito na totoo naman, ngunit hindi sila basta bastang bampira lang.

Mula noong sinabi sa akin ni Adrian kahapon ang virus na kumakalat ay binalitaan ko na ang pamilya ko, ngunit hindi ko sinabi sa kanila na ang may kagagawan nito ay mga bampira.

Alam kong pupwersahin nila akong layuan si Adrian kapag nalaman nila na bampira din ang gumagawa lahat ng kababalaghan sa lugar namin.

"Dad..."

"Don't explain anything, Nathalia. I'm not dumb."

See. Wala pa akong sinasabi pero halatang hindi na nila ako paniniwalaan sa kung ano mang sasabihin ko. Why did he suddenly went like this?

Hindi na ako nagsalita pa at itinuon nalang ang aking pansin sa balita.

"The bodies are currently the subject of an investigation to determine what transpired. We'll be back later with the findings of the inquiry into the bodies."

Kinuha ni Dad ang remote at mabilis na pinatay ang TV.

"This is what I'm saying." nakatutok ang tingin sa akin ni Dad habang seryosong sinasabi ang mga katagang ito.

Hindi ako makapag salita dahil alam kong hindi rin naman ako paniniwalaan.

"Dad, walang kinalaman dito si Nathalia o ang pakikipag-relasyon niya kay Adrian. We saw and heard in the news that the whole town is in trouble, it means Nathalia has nothing to do with it. If it only happened in our family, we can say that it was because of her relationship with Adrian. So stop blaming her." Kuya Nathan said.

"How dare you to talk to me like that. I am your father, Nathan!"

"Then how dare you to blame your daughter like that?" hindi nagpatalo si Kuya Nathan.

Nagulat kaming lahat nang tumayo si Dad at mabilis na nilapitan si Kuya Nathan, kwenelyuhan niya ito kaya naman lumapit si Mom at kuya Nathaniel para awatin sila ngunit hindi binitawan ni Dad si Kuya.

"I'm not blaming her. Kailan ka pa natutong sumagot sa akin nang ganiyan?" marahas na binitawan ni Dad si Kuya kaya napasalampak ng upo si Kuya sa sofa.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon, ang buong naiisip ko lang ngayon ay ako ang nasisisi sa nangyayari na kahit ako ay hindi ko naman ginusto.

Kahit hindi specific na sabihin ni Dad alam kong iniisip niya na may kinalaman ang pakikipagrelasyon ko kay Adrian.

Iniisip niya na masasangkot ang pamilya ko sa gulong ito dahil sa pakikipaglapit ko kay Adrian.

Oo may point sila, pero hindi ko naman ginusto ang lahat ng ito. Hindi ko gusto ang ganito kakomplekado.

"Please calm down, everyone." pigil ni Mom sa kanila, sa amin.

In My BloodWhere stories live. Discover now