Chapter 30

230 11 0
                                    

David Anderson

-

Nathalia's POV

"Huh? May trasferee?" nanlalaki ang mga matang tanong ko kay Adrian.

"Yeah, bakit parang gulat na gulat ka?" taas kilay pa niyang tanong sa akin.

"Eh kasi naman diba matatapos na itong school year tapos tumanggap parin kayo?"

"What's wrong with that? As long as makasabay siya, pwede. Malinis din naman backround niya."

"Kahit na..." sagot ko.

Hindi naman na siya sumagot at ipinagpatuloy niya ang pagkopya ng lesson namin sa notebook ko na last year pang lesson at ngayon niya lamang ginagawa.

After new year parang may nagbago talaga sa pakikitungo namin ni Adrian sa isa't isa, dahil ba ito sa new status namin? Mas naging close kaming dalawa at dikit na dikit na kami na para bang wala ng pake sa iba kung ii-issue nila kaming dalawa. Sinabi ko sa kanya na hindi pa ako pwede magpaligaw pero ang sabi niya liligawan niya ako sa ayaw at gusto ko.

Halos lahat ng kaklase namin ay pinag-uusapan 'yung transferee. No one has seen him yet, as long as everyone knows that the transferee is a man, so our female classmates can't stop gossiping. Kabilang sila Margo and Angela were among those talking about the transferee.


I know Adrian has already seen who the transferee is but I just didn't ask because he obviously doesn't want us to talk about it. Ewan ko ba sa kanya.

"Nakita na namin 'yung transferee, Nathalia. Nag-punta kami ni Margo sa rest room tas nakita namin yung first subject na prof natin na kasama 'yung transferee na pumasok sa office." hiningal si Angela matapos niyang ikwento sa akin iyon.

"Oo nga, ang pogi." kinikilig pa si Margo habang halatang ini-imagine ang muka ng transferee.

"Ehem! I think wala namang pake si Nathalia sa transferee, right, Baby?" taas kilay na tanong ni Adrian sa akin.

"O-oo, s-syempre wala." agad na sagot ko.

"Why are you stammering?" naiinis na tanong niya.

"U-uhh, Nathalia b-balik lang kami sa u-upuan namin." natakot yata si Angela kay Adrian. Malamang alam na nilang magagalit na si Adrian. Ewan ko ba sa lalaking 'to.

"Sabi ko kasi sayo 'wag na natin sabihin kay, Nathalia. Tuloy parang mag-aaway pa sila." mahinang sabi ni Margo habang palayo sila ni Angela.

"Stand up." he ordered. Naguguluhan man ay tumayo ako gaya ng sabi niya.

"Bakit?" tanong ko.

Kinuha niya 'yong bag ko at bag niya saka niya ako hinila papunta sa pinakalikod na upuan sa pinakagilid.

"Leave." utos niya pa sa lalaking naka upo doon sa pinakagilid sa likod. My classmate quickly stood up. "You need to leave too." utos rin niya sa katabing upuan pa nung lalaking pinaalis niya.

"Adrian..."

"Sit."

"Hindi ako aso." naiinis na sabi ko. 'Why were he acting like that?'

"Sorry." sagot naman niya. "Dito na tayo umupo." dagdag niya. Naiiinis man ako at naguguluhan ay sumunod nalang ako sa sinabi niya.

Just a few minutes later, our instructor arrived and was accompanied by a tall, white skinned man.

In My BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon