Chapter 47

101 8 0
                                    

Symptoms

Nathalia's POV

"Negative, King."

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Tito Axi sa kanyang narinig mula sa kanyang tauhan.

It's been almost a week since that happened between me and Adrian, and until now ay medyo naiilang parin ako sa kanya kapag nagkakaroon kami nang pagkakataon na kaming dalawa lang. Hindi naman naulit iyon dahil sa takot kong mabuntis ako, lalo wala naman kaming kahit anong proteksyon. After na nangyare ang lahat ng iyon nang gabing iyon ay mas lalo kong narealize na sobrang mahal ko siya, I even gave my self to him kahit na hindi pa kami kasal, at bata pa kami. Ngunit wala na, naisuko ko na, ganoon ko siya kamahal and I hope parehas kami ng nararamdaman o mas higit pa ang nararamdaman niya para sa akin. Hindi ko siguro kakayanin kapag nawala siya sa akin, lalo na't wala na akong itinira para sa sarili ko, ibinigay ko na sa kanya ang lahat lahat sa akin.

"Then we need another meeting." pilit na ikinakalma ni Tito Axi ang kanyang sarili. "How come they were not there already? Nakatunog ba sila sa plano natin?"

"No, King. The one who confess to us gave us a false information." sagot nung Kent.

Ang pagkaka-alam ko, isa sa mga dating invisible man ang umamin kung nasaan ang mga kasama nitong invisible man, ngunit gaya nga ng usapan nila ngayon ay wala na roon ang mga invisible men. At kung hindi ako nagkakamali, ang ibig sabihin ni Tito Kent ni Adrian ay binigyan sila ng maling impormasyon nung taong umamin.

"How can you say it's a false information?" Tito Axi.

"They did it as a trap, as we see, King, maraming mga tauhan mo ang napaslang dahil sa pagsugod doon sa location na ibinigay ng isa sa kanila, it means ginawa lang nila iyon bilang trap." Kent.

"So, kailangan muli nating pag-usapan ang susunod na galaw natin, and I hope this time it will success. Masyado nang matagal na panahon silang nangugulo. Hindi na natin pwedeng patagalin pa ang pagtapos sa kanila. Manganganib ang buong city, hindi sila pwedeng maghari dito sa human city, may lugar para sa mga katulad nating bampira, hindi rito, kaya kailangan na nating matapos ito bago pa maging insane vampires ang lahat ng tao rito." Tito Axi.

"Copy, King. Just tell us when and we'll be there." sagot naman ni Tito Jordan. "And, King. We have something to tell you, in private." dagdag nito, sinenyasan naman ni Tito Axi na sumunod sa kanya ang lima papunta kung saan.

Ngayon ay kaming tatlo na lamang ang natira dito sa living room, ako, si Adrian at si Tita Gwen.

Speaking of Tita Gwen, I am sure may alam na siya sa nangyare sa amin ni Adrian, baka nga rin sinabi na niya sa kanyang asawa. That's embarrassing! Paano ba naman kasi ay siya ang unang tinawag ni Adrian nang magising ako pagkatapos ng may nangyare sa amin, sobrang sama ng pakiramdam ko noon, pagod at sakit sa aking gitna ang nararamdaman ko nang umagang iyon kaya siguro medyo nilagnat na ako nang umagang iyon. Si Tita Gwen ang nag-alaga sa akin hanggang gumaling ako dahil hindi naman alam ni Adrian ang kanyang gagawin, tumutulong lamang siya kapag nahihirapan akong maglakad papunta kung saan. And I am sure may idea siya kung anong nangyare, o baka naman sinabi sa kanya ni Adrian dahil nag-usap sila ng Mom niya nung umagang iyon din mismo.

Nakakahiya talaga siya! That should be only between us! Tama ba namang sabihin pa niya iyon sa Mom niya? That's really embarrassing, at sa tuwing nakikita ko ang parents niya ay para akong lumulubog sa hiya.

"Nathalia." napaigtad ako sa gulat nang tawagin ako ni Tita Gwen. "Relax, I just want to ask for you help, samahan mo ako magluto para sa dinner natin, come on." ngiti ngiti nitong sabi, tumango naman ako bilang sagot.

In My BloodWhere stories live. Discover now