Chapter 31

165 11 2
                                    

Quarrel

Nathalia's POV

Pagkaraan ng ilang minuto ay bumukas ang pintuan ng detention at pumasok si Adrian. He walked in front of Dean, not even glancing at me for a moment.

"Clear her record here." malamig na sabi ni Adrian sa Dean na talaga namang susundin nito hindi lang dahil sa anak ito ng may-ari ng school, kundi dahil narin sa tono ng pananalita niya.

"H-how about Mr. Anderson?"

"No, just her." saka lumingon ito kay David at sinamaan ito ng tingin.

Bago pa man may magsalita ay agad akong hinawakan ni Adrian at hinila palabas. Nakasukbit lang ang bag ko sa akin kaya naman dala dala ko ito. Nang makarating kami sa labas ng detention ay binitawan niya ang kamay ko. Tapos na rin ang klase ng iba kaya marami nang nagsisi-uwian.

He didn't say a word because I knew he was angry so I just followed behind him.

Galit siguro sa akin 'to at hindi maitatangging ang dahilan ay pakikipag-usap ko kay David. Dahil simula palang ay ayaw niya akong makipag-usap kay David dahil muka namang nagseselos siya at nang kanina ay tumawag siya nagalit siya at pinatayan ako ng tawag dahil sa nalaman niyang dahilan kung bakit kami mapupunta sa detention.

Gusto kong sabihin sa kanya na napakababaw ng dahilan niya para magalit, hindi ko naman maiwasan na makipag-usap dahil nga kinakausap ako. Nakakahiya naman kung i-snobin ko lang siya. Pero hindi ko iyon sasabihin dahil wala naman akong alam sa nararamdaman niya, kailangan kong i-respeto kung ano 'yung nararamdaman niya kahit na naiinis na ako.

Hanggang sa makarating kami sa parking lot ay nakasunod lang ako sa kanya. Hindi niya ako kinikibo. Nang makatapat kami sa kotse niya ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Pero hindi ako sumakay. Ayokong sumabay sa kanya umuwi kung hindi niya ako kikibuin. Final na 'yon!

"Ano bang problema mo?!" naiinis na tanong ko.

"Ikaw!"

"Bakit ako?"

"Did I told you that don't talk to him, Nathalia dahil masama ang kutob ko sa kanya?!" galit na sabi niya.

"Wow? Eh hindi ko nga kayang snobin dahil kinakausap niya ako. Siya 'yung lumapit at nakipag-usap!"

"You can if you want!"

"Tsaka, Adrian! Hindi ko dapat iwasan ang isang tao dahil lamang sa masama ang kutob mo sa kanya! Ikaw ang umiwas kung 'yang kutob mo ang may nararamdamang masama sa kanya, hindi ako, Adrian, dahil wala naman akong kinalaman dyan sa masamang kutob mo!" sigaw ko. Gusto kong umiyak sa gigil ko sa kanya. 'Oh, God!'

"Kaya nga pinapa-iwas kita sa kanya dahil masama ang kutob ko sa kanya, so that means ayoko ring mapahamak ka kung sakali mang tama ang kutob ko sa lalaking 'yon!"

"Ikaw ang umiwas kung gusto mo! Bahala ka sa buhay mo!" I was about to leave when he pulled me back in front of him.

"Hindi mo ba nararamdaman?! I am jealous, Nathalia. Don't be so numb!"

"Wow, manhid pala ako ah? Alam mo ba kung gaano ako katakot na kausapin si David dahil natatakot ako na baka magalit sa akin?! Para akong tanga kanina dahil lang sa natatakot ako na kausapin siya dahil sayo! Tapos ako pa ngayon ang manhid ah?!"

"I appreciated what you did, but I am still upset because you did talk to him. Nilapitan ka niya at mas naiinis ako dahil wala ako doon para pigilan ang mga nangyaring iyon!" salubong ang kilay nito at halata ang galit sa muka.

"Edi wag ako ang pagbuntungan mo ng galit na para bang ang laki ng kasalanan ko sayo!"

"Anong gusto mo? Si David ang pagbuntungan ko ng galit at paalisin sa paaralan na 'to gaya ng ginawa ko sa Justine na 'yon?!"

"Aba'y ewan ko say--wait, what?" napatigil ako nang ma-realize ko ang sinabi niya. "Ulitin mo 'yong sinabi mo!"

"Na ano? Na pinaalis ko sa paaralan na 'to si Justine?" matapang pang ulit nito.

"Bwisit ka! Nakakainis ka bakit mo ginawa 'yon!" pinagsusuntok ko siya sa dibdib. "Wala siyang ginawang masama sayo!" halos maputol na ang ugat ko sa leeg dahil sa galit. Hindi ko na rin napigilang umiyak dahil sa sobrang inis at gigil ko sa kanya.

"Isisi mo 'yan sa mayabang na 'yon!"

"Mayabang ka rin naman ah! G*go ka! Kaya pala hindi ko na siya nakikita! Wala kang karapatang gawin sa kanya 'yon, Adrian!"

"Meron dahil pagmamay-ari namin ang paaralan na 'to at meron akong dahilan." sagot niya.

"Anong dahilan ha?!"

"He's arrogant--."

"Marami rin namang mayabang dito, Adrian!"

"Fine! I'm jealous!"

"Bullsh*t!" sigaw ko sa kanya saka ako tumakbo paalis.

Wala siyang karapatan para gawin iyon kay Justine dahil lamang sa nayayabangan at nagseselos siya. Walang kaalam-alam si Justine doon!

Hindi nakakakilig ang selos na 'to na, dahil dinala niya sa pagpapatalsik kay Justine ang selos niya. Gusto ko nalang humagulgol at maglupasay sa sobrang galit ko sa kanya.

"Nathalia." narinig kong tawag niya sa pangalan ko pero hindi na ako lumingon pa. Pinunasan ko ang luha ko saka mas binilisan ang pagtakbo.

Pagka-uwi ko sa bahay ay kinamusta ko si Justine. Tinanong ko siya about sa school kung bakit hindi ko na siya nakikita doon kahit na alam ko na naman ang dahilan.

He told me that he had returned to the province because he was not used to it here and he missed his parents. I don’t know if he’s telling the truth or he’s just lying, kasi ang sabi ni Adrian ay pinaalis niya si Justine sa Walker University.

Sunod-sunod na missed call ang natanggap ko kay Adrian ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin. I'm mad at him, at ayokong may masabi akong hindi maganda sa kanya kapag kinausap ko siya ngayon.

Hindi ko na talaga napigilan ang pag iyak kanina dahil sa sobrang gigil ko sa kanya, kasi naman, Justine is my friend at walang karapatan na alisin si Justine sa school na 'yon dahil lamang nagseselos siya. Alam ko sa kanila ang school na 'yon pero hindi parin valid reason.

Nakarinig ako ng katok sa pintuan.

"Nathalia? Nandito si Adrian." si Mom 'yon.

"Mom, I'm tired and sleepy." sagot ko nalang.

Wala talaga akong balak kausapin siya dahil gaya nga ng sabi ko ay baka may masabi akong hindi maganda. Ayokong makipag away.

Narinig ko ang yabag ni Mommy paalis kaya naman napabuntong hininga nalang ako saka yinakap ang unan ko.

Ilang minuto ang nakalipas ng muling tumunog ang cellphone ko. Hinayaan ko hanggang sa matigil sa pag-ring saka ko ipinower off.

"Bakit ganoon? Ang unfair naman non!"

"Oo nga. Hindi porke close sila o may relasyon sila ganon na ang gagawin."

Hindi ko alam kung anong pinaguusapan at kung sino ang pinaguusapan nila.

'Sino na naman kaya?'

"Ano na naman pinaguusapan nila?" tanong ko kila Margo at Angela nang makalapit ako sa kanila.

"Ikaw, ano pa nga ba." mabilis na sagot ni Margo.

"Bakit ako?"

"Balibalita kasi na pinabura daw ni Adrian ang record mo sa detention, samantalang kay David ay hindi, kaya ang unfair daw." si Angela.

Hindi ako nagkamali ng pinagtanungan dahil halata ngang alam nila ang chismiss. Pero ang ipinagtataka ko ay paano nila nalaman? Isa lang ang ibig sabihin nito! Si David at ang Dean lang ang maaring magpakalat nito. Para ano? Para siraan ako at magmukang manggamit sa kanila?

'Hayst!'

In My BloodWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu