I: The Grand Scheme Of Things

60 2 0
                                    

Homicide is legal as long as it was committed by the government – in an administration called F.E.A.R.

It's not new to witness murder here and there in Cornelia's town. The whole world is under the control of their government's military forces. It's martial law again, with a twist: the soldiers kill as they please. Innocent or not, if they decided that you need to die, you will die.

Kahit na limang taon na ang nakalipas nang mangyari ito, hindi pa rin nakakalimot ang mga tao dahil katulad ni Cornelia, mabilis na nagbago ang lahat pagmulat ng kanilang mga mata. Kung dati ay walang takot ang nananalaytay sa katawan ng mga tao, ngayon ay ito lamang ang nararamdaman ni Cornelia tuwing bibili s'ya ng kailangan nila ng kanyang ina upang mabuhay.

Naka-program sa sistema ni Cornelia ang mga dapat gawin tuwing bibili s'ya ng tubig at tinapay sa vending machine na ginawa ng gobyerno kapalit ng mga business kaya lahat ng pera ay mapupunta sakanila.

Nawalan na nga sila ng kalayaan, nawalan pa sila ng puhunan at kabuhayan.

May iba't-ibang klase ng vending machine sa lugar na tinitirahan ni Cornelia. Sa checkpoint 2, sector 4, mayroong para sa mga pagkain, damit, sugalan upang magkaroon ng dagdag na pera ngunit may daya ito at para sa hand guns. Kailangan ng I.D. na galing sa gobyerno kung nais mong bumili ng hand guns. Sa madaling salita, ang vending machine na iyon ay para lamang sa mga sundalo.

Humigpit ang hawak ni Cornelia nang makitang kulang ang dala n'yang pera para sa isang tinapay.

"Gi-atay na, piste." Nanlaki ang kanyang mga matang tumingin sa paligid upang siguraduhin na walang nakarinig na minura n'ya ang vending machine.

Pero sino ba ang hindi mapapamura kung mas nagmahal ang presyo nito? Dumoble nung huli s'yang bumili. Dahil hindi n'ya afford ang tinapay, bottled water na 6'oz na lamang ang kinuha n'ya.

Wala nanaman silang makakain sa araw na ito. Limang taon nang ganito ang buhay nila, mamamatay ang mga walang pera. Ano pa nga bang bago? Hindi ba't ganito pa rin ang batas ng mundo bago pa man mangyari ang mga ito?

Mamamatay ang mga walang kapangyarihan kasama ng mga mahihirap.

Uuwi na dapat si Cornelia dahil delikado ang paligid lalo na kapag gabi ngunit may bumulong sakanyang demonyong nagsasabing magandang idea ang tumambay sa harapan ng dati n'yang paaralan. Nasa kolehiyo na dapat s'ya at nag-aaral ng Law kung hindi lamang nangyari ang pag-atake. Noong una ay akala nila, terorista ang mga iyon ngunit sariling gobyerno pala ang sumira sa Pilipinas.

Nais mag-aral ni Cornelia ng politics dahil isa s'ya sa mga taong naniniwalang mababago n'ya ang unfair legal system ng Pilipinas. Isa s'ya sa mga taong naniniwalang maililigtas n'ya ang mga taong naakusahan ng mga taong mapera at makapangyarihan. Ngunit paano n'ya magagawa 'yun kung hindi palang s'ya nagsisimula, natalo na s'ya?

Akala n'ya, may magagawa s'ya para sa pagbabago.

Pero sinong niloko n'ya?

Kung nakapagtapos man si Cornelia bago nangyari ito, wala pa rin s'yang magagawa. No man is above the law? Sinong niloko nila?

They are the law.

Hindi na muling pinagtuunan ng pansin ni Cornelia ang pait sa kanyang loob. Hindi naman porket may ginawang masama ang mga taong iyon ay wala na silang ginawang mabuti.

Natawa si Cornelia. Ano nga bang ginawa nilang mabuti?

Simula nang maihalal ang mga bagong tao ng gobyerno ay nagsimula nang magbago ang lahat. At hindi ito ang pagbabago na inaasahan ng lahat. Sa una ay hindi halata ang pag-abuso nila sa kapangyarihan at nagpapatupad sila ng mga notice katulad ng curfews ng 5:00 PM - 5:00 AM.

To Give A Marionette LifeWhere stories live. Discover now