XXXVIII: The Marionettist

5 2 0
                                    

viva la revolution by the addicts

~

"Malapit na tayo!" anunsyo ni Alyza nang matapos n'yang kausapin ang captain ng warship. At tama s'ya dahil nakikita na nila Zadie ang Cymar sakanilang pwesto. Tinigil ni Yanna ang pagmamaneho sa warship saka binaba nila Rosh at Zadie ang anchor. Ang magkakasama sa warship ay ang grupo ni Rosh, medics at army.

"Formation, guys," utos ni Rosh saka hinanda nila ang sampung bangka na sasakyan nila papunta sa Cymar. "Ang una nating gagawin ay hanapin si Geneivive dahil s'ya lang ang makakatulong saatin. S'ya ang secretary ni Mr. President kaya pag may nakita kayong babaeng kasama n'ya, magpakilala tayo kaagad, okay?"

"Atsaka, hindi natin papatayin ang pangulo–"

"Rosh," pagputol ni Oneil. "Paulit-ulit ka, girl. Kabisado na namin ang plano, okay?"

Bumuntong hininga si Rosh habang binabalot ang mga gagamitin nilang sandata sa bangka. "Kinakabahan kasi ako, okay?"

Tinigil ni Oneil ang kanyang ginagawa saka lumapit kay Rosh at tinapik ang kanyang likod.

"Wag kang mag-alala, okay? Marami tayo, hindi tayo nag-iisa, girl. Okay? Deep breaths."

Huminga ng malalim si Rosh saka tumango.

"Tama ka," aniya saka ngumiti. "Hindi tayo matatalo dahil magkakasama tayo."

Tumawa si Oneil. "Ano 'to, anime? Mananalo kasi may power of friendship?"

Tumawa si Rosh kasama ng mga nakarinig sa sinabi ng kanyang kaibigan at sa loob-looban nila, umaasa silang 'ganon nalang sana kadali manalo sa labang ito.

"Rosh!" tawag ni Zadie habang nakataas ang kanyang kamao at ganon din si Cornelia na nasa tabi n'ya. Ngumiti si Rosh at itinaas ang kanyang kamao, maging si Oneil ay ginawa n'ya ito.

"We are. . .?" panimula ni Rosh. Tinaas ng lahat ang kanilang kanang kamao at sabay-sabay na sumigaw.

"The Freedom Writers!"

Pagtapak lamang ng sapatos ni Mr. President sa sahig ang maririnig sa hallway papunta sa laboratory. Binabati s'ya ng mga taong nakakasalubong n'ya at hindi man lang n'ya ito binibigyan ng kahit isang segundong tingin kaya si Lexi ang tumatango pabalik sa mga nakakasalubong nila sa likuran ng pangulo.

Nang makarating sila sa lab, iniscan sila ng microchip scanner at bumukas ang secured glass door at bumungad sakanilang dalawa ang mga tubes, busy na mga doctors na nakasuot ng lab gowns, masks at gloves upang protektahan ang kanilang sarili sa mga toxic chemicals.

Nang makita ng isang babaeng doctor si Mr. President at ang kanyang bagong sekretarya, lumapit ito sakanila.

"Mr. President, good to see you!" bati ng head doctor saka inalis ang kanyang gloves sa kanang kamay at nakipagkamay sa pangulo.

"Kamusta ang human nuke, Dr. Komiya?" tanong nito sa doctor na puti ang buhok at hindi maipagkakailang may edad na.

Ngumiti si Dr. Komiya saka tinuro ang gitna ng napakalawak na lab at may isang malaking bagay doon na nababalutan ng puting tela. May mga nakakonektang wires, tubes at may mga taong pasok labas na may dalang mga equipments upang asikasuhin ang human nuke.

"Hindi pa nakakalipad 'yan, sir. Pero kapag may ipapasok kang tao ngayon sakanyang assigned cubicle, sigurado akong sasabog 'yan on the spot."

Ngumisi si Mr. President habang pinagmamasdan ang bomba. Tumingin s'ya kay Lexi. "Gusto mong subukan?"

Nanlaki ang mga mata ng kanyang sekretarya. "S-sir?"

Tumawa ang dalawa sa naging reaksyon nito at sa takot sakanyang mga mata.

To Give A Marionette LifeWhere stories live. Discover now