XXVIII: The World Is Ugly But You're Beautiful To Me

5 2 0
                                    

the world is ugly by my chemical romance

~

Hindi alam ni Rosh, Cornelia at Oneil ang mararamdaman nang makita nilang magkakaibigan ang truck nila na paparating sa kinalalagyan nila ngayon. Totoo nga ang sinabi ng nagtuturo sakanila sa training room na may isang truck na recruits ang darating ngayon.

At ang recruits na iyon ay sina. . .

"Boss Eubert!" Sigaw ni Paulo saka kumaway.

Kumaway pabalik si Eubert na nakaupo sa passenger seat. Tumigil ang truck at bumaba si Eubert para salubungin ang tatlong magkakaibigan at ang kambal. Nang makarating sila sa harapan nilang magkakaibigan ay nakipagkamay si Eubert sa mga ito. Sa likod ng truck ay ang mga survivors na pinagdadasal ng magkakaibigan na makaligtas.

Hindi nila mapigilang hindi ngumiti ng malaki.

"Buti nalang, sir, ligtas kayo." Pasasalamat ni Rosh nang maglapat ang kamay nila. Tumawa ng kaunti si Eubert.

"Wala kaming nagawa kundi makipaglaban," tinapik n'ya ang balikat ni Rosh. "Salamat sa binigay n'yong adrenaline rush. Hindi pa rin ako makapinawala na nagawa ang mga tao ko sa pagiging wild n'yo."

Narinig ito ng magkakaibigan at natawa nila kasama ni Paul&Paulo.

"Ms. Satie!" Sigaw ni Eubert saka n'ya sinalubong ang Vice President habang tumulong sila Rosh na pababain ang mga survivors sa truck nila.

"Hatiin mo ang mga tao mo, Eubert. Tutulungan nila ang mga tao ko, maliwanag?" Masungit na pahayag ni Ms. Satie. Tumawa si Eubert.

"Ito naman, sinusungitan mo pa rin ako. Parang wala tayong pinagsama–"

"Wala talaga," putol nito saka pabirong umirap. "Fine, pwede kang matulog sa kwarto ko kung wala ka nang space."

"Thank you, honeypie."

Nanlaki ang mga mata ni Ms. Satie. "Wala na tayo sa edad na 'yan. . .sweetybunch."

Dahil sa sinabi ni Ms. Satie ay parehas silang tumawa ni Eubert. . .just like the old times. Matapos nilang magtitigan at inaalala ang mga napagdaanan nila noon, ngumiti si Ms. Satie sa unang pagkakataon.

"Nice to see you again, Berting."

Tinapik ni Eubert ang balikat ni Ms. Satie at tumawa ng kaunti. "Nice to see you again, darling."

"Rosh!"

Tumigil si Rosh sa pagtulong sa mga survivors nang tawagin s'ya ni Ms. Satie na kasama ni Eubert sa tabi n'ya.

"Kayo muna dito, tinatawag ako ni Ms. Satie." Paalam n'ya sa apat. Tumango ang kambal at dalawa n'yang kaibigan. Tumakbo s'ya papunta sa dalawang lider ng resistance.

"Ano po 'yun?"

"Okay lang na ikaw muna mag-asikaso sa mga bagong recruits?" Tanong ni Ms. Satie. Sandaling natigilan si Rosh.

"Ano po?"

"I'll take you incharge," paglilinaw nito. "Idala mo ang mga sugatan sa infirmary at ang mga walang issue na recruits ay ilibot mo sa base."

Nagkaroon si Rosh ng sense of pride dahil 'don. S'ya ang incharge. S'ya ang leader ngayon parang noon lang. Ngumiti s'ya ng malaki.

"Okay po."

Aalis na dapat si Rosh kaso pinigilan s'ya ni Eubert.

"Teka lang, Rosh," nilibot n'ya ang kanyang tingin. "Nasaan si Zadie at 'yung babaeng nakamaskara?"

To Give A Marionette LifeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin