IV: Take Pride Of Who You Are, That's Your Ultimate Weapon

10 2 0
                                    

Habang inaalis ng tatlo ang bulletproof vest nila ay hindi maiwasan ni Cornelia na pagmasdan ang dalawa n'ya pang kaibigang ngayon lamang n'ya nakita ang mga pagmumukha.

Habang tinatalian ni Oneil ang medyo mahaba na n'yang buhok na may highlights na brown ng pigtails, napatitig sakanya si Cornelia dahil sa itsura n'ya. On-fleek ang makapal n'yang kilay at matalim ang kanyang winged eyeliner na mas lalong nagpatingkad sakanyang mata. Nakasuot s'ya ng laced black camisole at nakatucked-in ito sa red plaid skirt n'ya na hanggang sa itaas ng kanyang tuhod. Itim na boots ang kanyang sapatos at nakasuot s'ya ng fishnets.

Okay . . .?

Dahil sa itsura ni Oneil, nabuhol ang utak ni Cornelia at hindi inisip akung nakaka-offend ba o hindi ang lumabas sakanyang bunganga.

"Lalaki ka?"

Napunta sakanya ang atensyon ng tatlo at natawa si Zadie dahil kahit wala pang sinasabing pangalan si Cornelia, kilala na n'ya ang tinutukoy nito. Nanlaki ang kanyang mata dahil baka ma-offend n'ya si Oneil dahil sa tinanong n'ya.

"I mean. . .lalaki ka o babae?" Halata ang panic sa boses ni Cornelia.

"He or they ang pronounce ko so . . ." nagkibit balikat si Oneil saka bumalik sa pag-ayos ng kanyang sarili.

Hindi pa rin mapakali si Cornelia. Na-offend ba n'ya si Oneil? Or–

Nawala s'ya sa iniisip nang lumapit sakanya si Rosh na nakasuot ng itim na leather jacket na may studs sa bandang balikat. Nakapony tail ang itim at kulot na buhok nito pero may mga kulot na baby hair ang dumidikit sakanyang noo dahil sa pawis.

"May titi s'ya." Tumatawang bulong nito.

Napatakip ng bibig si Cornelia dahil sa kabulgarang binulong ni Rosh.

"Nasagot na ba 'nun 'yung mga tanong mo?" Tanong ni Rosh at wala sa sariling tumango na lamang si Cornelia.

Napangiwi si Cornelia nang may umakbay sakanyang amoy basura. "Innocence is a great thing, Rosh, don't ruin it."

"Pinagsasabi mo?" Tumatawang sagot ni Rosh saka mapanlokong tumingin kay Cornelia. "Wag kang maniniwala kay Zadie, hindi lang kainosentehan ang sinisira n'yan."

"Ooooh, apply cold water to the burned area." Pang-aasar ni Oneil.

"How dare you all, pinagtutulungan n'yo na ako." Natatawang sabi ni Zadie.

Natawa si Cornelia kahit hindi n'ya naiintindihan ang ibig nilang sabihin. Ang naiintindihan lang n'ya ay amoy pawis silang dalawa ni Zadie at basura.

"I smell like trash," pag-iba ni Zadie. "Come along, now."

Nagpasalamat si Cornelia dahil humiwalay si Zadie sa pagkaka-akbay sakanya at naglakad sa tabi n'ya. Ngunit kahit ganoon pa man, nakakaamoy pa rin s'ya ng basura. Naaamoy pa rin n'ya ang sarili n'ya.

Dahil sa katahimikan na pumalibot sakanila ay sinulit ito ni Cornelia para pagmasdan ang paligid. Liwanag lamang galing sa araw ang tanging ilaw sa loob ng hotel. Hindi ito mukhang haunted katulad ng inaasahan n'ya nang nasa labas palang sila. Malinis ang paligid, hindi rin katulad ng inaasahan n'ya.

Maraming tao sa loob na may kanya kanyang ginagawa at ngiti lamang ang binibigay nila sa tatlo n'yang kasama na binabalik nila habang isang nagtatanong na tingin ang binibigay sakanya.

Atsaka napansin n'yang may certain look sila or style na nag-iiba sakanila sa isa't-isa. Katulad ng palda at fishnets ni Oneil, studded leather jacket ni Rosh at ang pulang buhok ni Zadie.

Kumunot ang noo ni Cornelia. "Bakit ganon sila tumingin?" Mahinang tanong n'ya kay Zadie na nasa kanan n'ya.

"You look so painfully plain," natawa ng kaunti si Zadie. "No offense but we have a rule here: Be who you want to be. Like a Halloween Party per se."

To Give A Marionette LifeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ