X: Seeking Their Sound To Find Their Voice

7 2 0
                                    

"Sure ka talaga?" paninigurado ni Cornelia.

Tumango si Zadie sa binuksan ang double door sakanyang harapan. "Behold: The Trading Center."

"Woah, paradise." Tumawa si Cornelia ngunit natigil ito nang mapagtantong, oo nga, parang Paraiso nga rito. Halos nandito lahat ng kailangan ng resistance maliban sa mga sasakyan. Napakaraming naka-display sa bawat stalls at nakapaganda sa mata ang mga karatula kaya maeenganyo ka talagang bumili. "Woah."

"I know," pagsang-ayon ni Zadie sa kung ano mang nasa utak ni Cornelia. "And I am quite sure you don't have any tradable goods so let me handle this." Aniya saka winagayway ang tatlong painting na hawak n'ya sa harapan ni Cornelia bago pumunta sa isang stalls.

Sinundan s'ya ni Cornelia at bumuntong hininga. "Hindi ako mapalagay na ipapalit mo mga paintings mo para sa damit ko. Pwede naman na itong suot ko."

"I'm no fashion expert but. . ." tinignan ni Zadie ang hiram na polo at boxers na suot ni Cornelia galling kay Bernard. Ngumiwi s'ya. "Are you really sure you always wanted to look like that in your stay here?"

Tiningnan ni Cornelia ang kanyang suot saka sumimangot. Umiling ito at ngumiti si Zadie.

"Then, let me help," aniya saka pinunta ang pansin sa babaeng may ari ng stall at inabot ang paintings na hawak n'ya. Habang sinusuri ng babae ang paintings na hawak n'ya, nagsalita si Zadie. "How many for those?"

Pinunta ng babae ang pansin kay Zadie. "Ikaw ang may gawa nito?"

"Yeah."

Itinabi ng babae ang paintings bago magsalita. "Tatlong whole outfit."

Parehas na napangiti sina Cornelia at Zadie.

"Talaga? With shoes?"

"Boots lang ang meron saakin."

Ngumiti ng malaki si Cornelia kay Zadie saka n'ya ito niyakap ng mabilis.

"Thank you, Zadie."

"You're very welcome."

Naghanap si Cornelia ng damit na naka-hanger. Pumunta si Zadie sa isang stall dahil may gusto s'yang tignan doon. Sinusubukan ni Cornelia na bilisang pumili dahil may mga tao s'yang kasabay at hindi n'ya gustong maunahan sa gusto n'ya. Hindi rin n'ya gustong makipag-agawan pero. . .

"Ako nakahanap d'yan," tukoy ni Cornelia sa hawak ng babaeng bandshirt at pilit itong inaabot ngunit nilalayo ito ng babae sakanya.

"Pinagsasabi mo?" niyakap ng babae ang Misfits shirt na pinag-aagawan nila. "Ako naunang kumuha."

"Akin 'yan."

"Akin 'to."

"What's going on?" tanong ni Zadie habang pabalik-balik ang tingin n'ya sa nakasimangot na Cornelia at sa babaeng may hawak na bandshirt. "Erica?"

"Akin 'to!" tukoy n'ya sa bandshirt. "Ako naunang humawak."

"Ako unang nakakita!"

Pinigilan ni Zadie na tumawa sa nangyayari ngunit hindi n'ya nagawa. "Alright, children. That's quite enough. Erica, pwede mong pagbigyan si Cornelia?"

Mabilis na umiling si Erica. "Kung hindi n'yo maitatanong, big fan ako ng Misfits kaya no, hindi ko s'ya pwedeng pagbigyan."

"Mas malaki akong fan ng Misfits!" reto ni Cornelia. "Fan na nila ako noong 7 years old ako."

"So what?" reto rin ni Erica. "Nakapunta na ako sa concert nila."

"Pinagsasabi mo? Hindi pa tayo pinapanganak 'nong nagconcert sila dito!"

To Give A Marionette LifeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant