XXIII: Who Can See You In Your Most Beautiful Form?

5 2 0
                                    

Dahil nasa loob ng paaralan ang base ng resistance ni Eubert, limang katao ang pinagkakasya ang mga sarili nila ngayon sa loob ng isang klasrum. Hindi ito malawak pero hindi rin masikip. Sabihin nalang natin na sakto lang para sakanilang lima at sa masiwal matulog na si Rosh.

Inaayos nila ang kanilang sarili at ang magiging pwesto nila mamayang gabi. Katulad sa base nila noon, walang ilaw dito at ang mas malala, walang solar. Pero at least, may naimbak silang tubig.

"What about we work on our other songs?" basag ni Zadie sa katahimikan at alanganing tumingin sakanya si Cornelia.

"Hindi ko kabisado." Pag-amin ni Cornelia at tumango si Zadie.

"Alright," aniya saka umupo sa sahig. "If you die unfair, the world won't care. Let's start our new song with that."

Napanganga si Rosh at hindi makapaniwalang tumingin kay Zadie.

"Nagsusulat ka na ulit?"

"The rally triggered something in me," napasuklay s'ya sakanyang buhok gamit ang kanyang kamay. "I don't know if it's a good thing or bad thing. I don't want the deaths of people be my artistic drive."

Napakagat si Cornelia sakanyang labi. Hindi n'ya nagugustuhan ngayon ang pinapakita ni Zadie dahil masyado itong pamilyar.

"It's not your fault." Bulong ni Cornelia. Ngumiti si Zadie ng maliit sakanya.

"Thank you," bulong n'ya pabalik at pilit pinaniwala ang kanyang sarili.

"Isang line lang ba naisulat mo?" Tanong ni Rosh. Hindi man n'ya aminin sa sarili n'ya, medyo naaapektuhan s'ya sa nangyaring mass murder. Nagkibit balikat si Zadie.

"I may or may not wrote a poem about love on the way here."

Nagtinginan si Rosh at Oneil at nagpalitan ng makabuluhang ngiti.

"Gagawin nating kanta?" Tanong ni Rosh na ikina-iling ni Zadie.

"Not quite."

Tinigil ni Cornelia ang kanyang ginagawa at umupo sa harapan ni Zadie.

"Ang negative naman pero." Pagtukoy n'ya sa line ng gagawin nilang kanta.

"Then make it positive."

Nanliit ang mata ni Cornelia at napaisip sandali.

"If you die unfair. . ." ngumiti si Cornelia ng malungkot kay Zadie nang mapagtanto n'ya ang tinutukoy ng lyrics nito. "It's an elegy."

Tumango si Zadie. "For the ones who died fighting for freedom."

Umupo si Rosh at Oneil kasama ng dalawa at nanatiling naka-upo sa isang sulok si Merav na hindi alam ang gagawin. Naninibago pa rin s'ya hanggang ngayon at hindi n'ya gustong sumali sakanila. Hindi n'ya gustong makipagsalamuha dahil alam n'yang makakasagabal ito sa plano n'ya. Lalo na si Zadie.

Napalunok s'ya ng magtama ang paningin nila ng taong dapat ay iniiwasan n'ya kung gusto n'yang maging successful ang misyon n'ya.

"Sit beside me, Merav." Yaya nito.

Hindi n'ya gustong biguin ang tatay n'ya, ang nag-iisang taong tumanggap sakanya. Pero ngayong binibigyan s'ya ni Zadie ng isang napakaliwanag na ngiti, hindi n'ya mapigilang lumapit dito na parang isang gamo-gamo. At alam ng lahat kung anong nangyari sa gamo-gamo nang lapitan n'ya ang apoy sa lampara.

Nawala ang lahat sakanya.

Pero, alam n'ya sa sarili n'yang huli na ang lahat upang umalis dahil nasunog na ang kanyang pakpak. Nang lumapit s'ya sa apoy, hindi mapigilan ng gamo-gamo na umasang huwag nito kunin ang lahat sakanya at kabaligtaran nito ang gawin n'ya. Sana. . .

To Give A Marionette LifeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz