IX: The Fab Four (We're Not Talking About The Beatles)

8 2 0
                                    

Claire de lune - Debussy

~

Sinubukan ni Zadie na ubusin ang isang bote ng wine sa isang tunggahan ngunit ilang beses s'yang nabigo. Ito ang pangatlo n'yang bote at sa tingin n'ya, hindi pa ito ang magiging huli.

"Bloody hell." Bulong n'ya habang nakatitig sa isang kahon habang naka-upo s'ya sa harapan nito. Pilit n'yang iniwas ang tingin ngunit sa hindi malamang dahilan, bumabalik ang atensyon n'ya dito kahit ilang beses n'ya itong iwasan.

Nakapalibot ang mga wine sakanya kaya madali lang n'ya na napalitan ang naubos na bote. "I thought I was fucking ready." Bulong n'ya sakanyang sarili saka tumayo at ibinalik ang kahon sa ilalim ng kanyang kama kung saan ito nababagay. At umaasa s'yang sa paglipas ng panahon ay malilimutan n'ya ito.

Isang bagay na imposibleng mangyari lalo na't pumayag s'yang pumasok sa isang banda. . .kung saan gagamitin n'yang muli ang kakayahan n'ya bilang isang manunulat.

Tinapon n'ya sa kung saan ang unan na nasa kama n'ya at kinuha ang isang litratong nakatago rito. Napaupo s'ya sakanyang kama at napakagat sakanyang labi habang tinititigan ang kanyang mukha at ang lalaking naka-akbay sakanya.

Parehas na malaki ang kanilang ngiti at nakasuot ng white longsleeves at vest. Parehas ang kanilang neck tie na kulay pink at may design na maliliit na itim na bungo.

Ito ang araw na huli silang nakapagbonding ni Arthur. . .ang leader ng Freedom Writers.

Napapikit s'ya at tuluyan nang tumulo ang luhang matagal na n'ya pinipigilan. Pinunasan n'ya ito at hinayaan ang sarili n'yang ilabas ang lahat ng saloobin n'ya sa pinakamahalagang tao sa buhay n'ya.

Agad n'yang iminulat ang kanyang mga mata at umiling. Alam n'ya sa sarili n'yang hindi na n'ya maibabalik ang nakaraan. Nangyari na ang nangyari at tanggap na n'ya ito.

"Daddy," napatitig s'ya sa ngiti ng kanyang ama. "What should be done? I'm too scared to write." Bulong nito.

"I need your guidance, your help. . .your presence."

Napasinghot s'ya. "Parang hindi ko na kaya 'yung ginagawa ko noon." Nakahikbi si Zadie. "I'm so lost."

"I need you, Daddy." Bulong n'ya saka binaon ang kanyang mukha sa unan na nasa kama n'ya para walang makarinig ng pag-iyak n'ya.

Naalala n'ya ang ngiti ni Rosh nang banggitin n'ya ang salitang 'banda'. Alam ni Zadie kung gaano kagusto ni Rosh na mapabilang sa isang banda kaya naiintindihan n'ya kung bakit napagiliw nito habang pinipilit sina Zadie at Oneil.

Naalala ni Zadie ang pagliwanag ng mga mata ni Oneil nang mabanggit n'yang s'ya ang magpaparinig sa lahat ng taong nais makinig. Kung paano ito ngumiti nang puriin n'ya ang musical skills ni Oneil.

Naalala ni Zadie si Cornelia.

"They need. . .me, Daddy. They need. . .my words but I . . . I can't. I can't do it." Aniya sa gitna ng mga hikbi n'ya. "I-It . . . brings me b-back."

"I don't. . . know what t-to do."

Tumahimik ang buong kwarto n'ya. Iyak lamang s'ya ng iyak. Hindi alam ni Zadie ang gagawin n'ya. Gusto n'yang tumulong. Nais n'yang muli maging boses ng mga Pilipino.

Pero natatakot s'ya.

Noon ay walang mawawala sakanya kundi ang dangal n'ya bilang isang writer. Kasama n'ya ang kanyang ama sa ginagawa n'ya kaya wala s'yang dapat ikabahala. Single parent si Arthur at walang kapatid si Zadie. Malayo rin sila sa mga ibang kamag-anak nila kaya naman wala silang dapat protektahan kundi ang isa't-isa.

To Give A Marionette LifeWhere stories live. Discover now