III: I Am Zadie, The Wondrous Daught'r Of Shakespeare

17 2 0
                                    

Nakalabas sila sa checkpoint nang walang paghihirap dahil inasikaso na ito nila Zadie nang pumasok sila. Tirik na ang araw at nang masinagan ng liwanag ang paligid nila, hindi makapaniwala si Cornelia sakanyang nakikita. Ngunit nang hindi na makayanan ng dalawa ang init ng disyerto, gumamit sila ng tarpal upang gawing lining.

"Cactus nalang ang kulang." Aniya habang nililibot ang paningin sa wasteland na puro tuyong buhangin ang nakikita at sirang mga buildings. Hindi malaman kung anong lugar ito dati at ang nakakalungkot, alam ni Cornelia na nasa probinsya sila kaya sigurado s'yang maraming puno rito. At dahil din sa kawalan ng puno, napaka-init ng paligid.

"It's your first time, innit?" pagsaad ni Zadie sa obvious. "That's my first impression when I came here in the Philippines – well, without the cactus thing but I swear, I've never seen so much sun before in my life."

Tumawa si Cornelia. "Full british ka?"

"Nah, my father is a Lebanese," ngumiti ng maliit si Zadie. "You know what. . ."

"Ano?"

"I know that feeling," aniya at kumunot ang noo ni Cornelia at nalinawan s'ya sa sumunod na sinabi ni Zadie. "Discrimination."

Tumawa ng kaunti si Cornelia. "Imposible," aniya at nang ma-realize ang rudeness sa kanyang sinabi, agad s'yang humingi ng paumanhin. "Hindi lang talaga ako makapaniwala. Mataas ang tingin ng mga Pilipino sa mga taga ibang bansa."

"Well, that's true but. . ."

"But?"

"That's not how you see Middle Easterns," ngumiti ng maliit si Zadie, "We have hygiene, we are civilized like you and we shower everyday."

Hindi kaagad nakapagsalita si Cornelia. Hindi s'ya makahanap ng sasabihin dahil ngayong sinampal sakanya ang mga ginagawa ng mga kapwa n'ya Pilipino, mas lalong bumaba ang tingin n'ya sakanyang sarili.

"Sorry."

Umiling si Zadie saka sumenyas na huwag na itong gawing big deal. "I may not get the full taste of Filipino's discrimination but my Father did."

"Mabahong Bombay," banggit ni Cornelia sa mga sinasabi ng mga kalahi n'ya sa lahi ni Zadie. Bakas sa mukha ni Zadie na naapektuhan s'ya sa sinabi ni Cornelia ngunit agad n'ya itong tinago sa isang ngiti.

"My British blood saved me from discrimination."

"Tinago mo na may lahi kang Lebanese?"

Umiling si Zadie. "I would never do that to my Father's race," aniya. "I don't want to hide my identity."

Tumango si Cornelia bilang pagsang-ayon. "Ako 'rin," aniya. "Kahit alam ko ang consequences na matatanggap ko."

"I mean," tumawa si Zadie. "We can't do anything about it. The color of our skin, our race, our accent and language: we cannot do anything to change it."

"Kaya nga 'e," tumawa si Cornelia. "Pagpasensyan nalang natin sila."

"Let's do a pact," aya ni Zadie at sumang-ayon si Cornelia. Nilagay ni Zadie ang kanyang kanang palad sakanyang puso at ginaya ito ni Cornelia. "I won't change or hide my race even if I get racism remarks about it."

"I won't change or hide my race even if I get racism remarks about it."

"Ngayon lang ako nakalabas after all these years. . ." nakangiting nakatitig sa mga naipong buhangin sa wasteland. "Hindi ko inakalang ang ganda pala rito sa Saudi."

Tumawa ng malakas si Zadie kasabay ni Cornelia saka ilagay ni Zadie ang kanyang magkabilaang kamay sakanyang bibig na parang microphone. "Release the camels!" anunsyo n'ya at um-echo ito sa paligid na ikinatawa ng dalawa kasabay ng kasama ng team ni Zadie.

To Give A Marionette LifeWhere stories live. Discover now