XI: Ideas Are The Most Powerful Weapon For It Can Create A Revolution

6 2 0
                                    

gumawa ako ng article sumthing(?) idk. basta ganyan ang nakikita kong style of writing ni zadie haha.

I know, I know, you don't have to boo me.

*laughs*

But, yeah. Enjoy (I hope)

~

"Mas gusto ko 'yung punk," sagot ni Cornelia nang tanungin s'ya ni Rosh kung ano ang kanyang preferred genre. Parehas silang naka-upo sa lapag at nakaharap sa isa't-isa. "Punk rock ga'non, pop punk. Ikaw?"

"Metalhead ako," sagot ni Rosh habang tinotono ang kanyang gitara. "Metallica, Black Sabbath, ga'non."

Inistrum ni Cornelia ang kanyang gitara saka ngumiti ng alanganin. "Medyo hindi compatible styles natin."

"Paano na 'yan?" tanong ni Rosh. "More on perfect technicalities ako habang ikaw. . . ?"

"Raw emotions." Sagot ni Cornelia.

"Magwo-work kaya?" tanong ni Rosh.

"Forte ko 'yung paggawa ng melody," alok ni Cornelia saka muling inistrum ang kanyang gitara. "Pero sa paggawa ng mga riffs, wala. Hindi ko kaya."

"Baligtad tayo, forte ko naman 'yung paggawa ng riffs." Napangiti si Rosh nang may mag-click sakanya. "Subukan natin ipag-blend."

"Sige," ngumiti si Cornelia. "Sakto may idea na ako sa gagawin kong lyrics. Gawan natin 'yun ng tono pag natapos ko na."

"Nice one, C." puri ni Rosh na nagpangiti kay Cornelia.

Tahimik silang nagpatuloy sakanilang ginagawa hanggang sa nag-adjust si Rosh sakanyang pwesto at may nahawakan.

Sa kwarto ni Rosh, amoy medyas na naibabad sa pawis. Sa kwarto ni Zadie, pinaghalong amoy ng alak at nakakamatay na fumes. Sa kwarto ni Cornelia, pwede nang lunggahan ng mga ipis dahil hindi naaayos.

"Ganyan lang, girl," pag-guide ni Oneil kay Zadie. "Slap the butt– I mean, the bass." Biro nito na ikinatawa nilang dalawa.

Sa kwarto ni Oneil, isa lamang ang problema. At 'yon ay ang. . .

"Ano ba 'yan, Oneil! 'Yung panty mong nagkalat, pakialis!" reklamo ni Rosh at hindi na n'ya hinintay si Oneil na alisin ang red na lace panty na nahawakan n'ya dahil tinapon n'ya ito sa direksyon nila Oneil at Zadie.

Taimtim ang bass lessons nila hanggang sa. . .

Naisabit ang panty na tinapon ni Rosh sa tuning keys ng bass na hawak ni Zadie.

Tumawa ng malakas si Zadie at sinabayan s'ya ni Oneil.

"Bloody hell." Pilit n'yang saad dahil halos mawalan s'ya ng hininga sa katatawa.

"Wag kang magreklamo, victioria secret 'yan!" Sagot ni Oneil sa gitna ng tawanan nila ni Zadie. Inalis n'ya ang nakasabit na panty sa bass at sinukat ito sa labas ng kanyang damit. "Oh, di'ba? I look so hot. Pwede nang pornstar."

"Oneil," Napunta ang pansin ni Oneil kay Zadie na nakangiti ng mapanloko. "If I had a dick, I'd fuck you." Aniya saka tumawa.

Natawa si Oneil sa sinabi nito. Napatingin naman si Rosh at Cornelia sa isa't-isa saka ngumiwi.

"Same, girl," pagsang-ayon ni Oneil.

"I'd fuck me too." Dagdag n'ya na mas ikinatawa nilang dalawa. Kung kanina ay nakangiwi ang dalawa, ngayon ay nakangiwi pa rin sila pero tumatawa na.

"Pag kabastusan magagawa kong tono rito 'wag kayong magrereklamo." Siksik ni Rosh sa kabastusan ng dalawa na ikinatawa ng lahat.

"Gusto kong kumanta, hindi umungol." Umiiling na sabi ni Cornelia na mas lalong ikinatawa ng lahat.

To Give A Marionette LifeWhere stories live. Discover now