XIII: When The World Demands You To Wear Pants, You Must Wear A Skirt

5 2 0
                                    

Kumatok ng tatlong beses si Cornelia sa nakasarang pinto.

"Oneil?" Tawag n'ya. "Pwedeng pumasok?"

"Okay lang na makakita ka ng isang model na naka lingerie?" Tanong nito sa kabilang parte ng pinto.

Nanlaki ang mata ni Cornelia sa pumasok na imahe sa isip n'ya at agad n'yang inibahan ito.

"Sige lang." Makalma n'yang pagpayag pero sa loob n'ya ay malapit na s'yang magpanic attack.

'Okay, Cornelia. Deep breaths.' Pagpapaalala n'ya sa sarili n'ya sakanyang isip.

'Inhale. . .'

'Ex–'

Biglang bumukas ang pinto at naamoy ni Cornelia ang amoy rosas na kwarto nito.

"Hi, girl."

Biglang kumalma si Cornelia nang makitang nakasuot si Oneil ng bath robe. Wala rin s'yang suot na make up at hindi maipagkakailang magandang lalaki si Oneil. Parehas na maihahantulad ang facial features n'ya sa isang lalaki at babae kaya hindi mapigilang malito si Cornelia noong una silang nagkita.

"Naisip kong baka mailang ka pag nakita mo ang hot body ko." Paliwanag n'ya saka tumawa na ikinangiti ni Cornelia.

Sabay silang pumasok at namangha s'ya sa kwarto ni Oneil. Hindi n'ya masyadong napagmasdan ag kwarto ni Oneil kanina dahil masyadong s'yang invested sa pinag-uusapan nil ani Rosh at hindi n'ya gustong ilibot ang kanyang paningin dahil maraming nagkalat na lingerie kanina sa kung saan-saan.

Ngunit ngayon ay napakalinis na nito. Ang buwan ang nagsisilbing ilaw nila ngayon at mas nagliliwanag pa ang kwarto dahil tumatama ang ilaw ng buwan sa silver disco ball sa loob ng kwarto.

Bakit nga ba ang linis ng kwarto ngayon ni Oneil?

Maayos na nakalagay sa lamesa ang monitor speakers, mixer, turntables, headphones, vinyl records, and DJ software ni Oneil sa harapan ng kanyang bintana.

Naka-on lahat ng gadgets n'ya at umupo si Oneil sa upuang nasa harapan ng lamesa.

"Malapit na akong mag-on air, girl. Okay lang na maghintay ka bago tayo mag-usap?" Tanong n'ya na ikinatango ni Cornelia.

"Hello, bootyfuls!" Bati n'ya sa mga listeners n'ya. "Welcome to Radiobun!"

"Bakit ka napadpad dito?" Tanong ni Oneil nang prente silang makaupo sa kama n'ya. Tapos na ang ginagawa ni Oneil kaya naman masosolo na s'ya ni Cornelia.

"Uh," napakamot si Cornelia sakanyang ulo. "Gusto kong ipacheck sa'yo 'yung lyrics na nabuo ko."

"Girl, trabaho yan ni Zadie." Paalala ni Oneil.

Tumango si Cornelia upang sumang-ayon.

"Gusto ko lang iparinig sa'yo kung may mararamdaman kang. . ." hindi pa rin komportable si Cornelia sa bagong technique ng pagsusulat. "Emosyon."

Kung hindi attentive listener si Oneil, hindi n'ya maririnig ang huling sinabi ni Cornelia.

Lumapit s'ya ng kaunti kay Cornelia.

"Sige, girl."

Ngumiti si Cornelia at saka binasa ng malakas para kay Oneil ang lyrics na nagawa n'ya.

Nang matapos ay napatitig lamang si Oneil kay Cornelia. Napansin ito ni Cornelia kaya nailang s'ya.

"Pangit sigu–"

"Ang ganda." Naibulalas ni Oneil sa mababang boses.

Parehas silang nagulat dahil sa tunog na lumabas kay Oneil. Umubo ng peke si Oneil at saka ngumiti.

To Give A Marionette LifeOnde histórias criam vida. Descubra agora