XVI: Sitting In A Bonfire, Talk About The Past (1)

4 2 0
                                    

"We'll leave at dawn." Anunsyo ni Zadie.

Malayo ang main city sa base nila kaya dalawang araw ang aabutin bago sila makarating 'don. Isang araw naman kung mabilis ang pagdra-drive ni Oneil.

Napagpasyahan nilang matulog sa iisang kwarto ngayong gabi. At kanino pa nga ba ang pinili nila?

"Brief ba 'yun?" Reklamo ni Rosh nang may makitang isang piraso ng tela sa ilalim ng kama ni Oneil.

Sa lapag matutulog sina Cornelia, Rosh at Zadie dahil isang tao lamang ang kasya sa kama. Nakahiga silang lahat at handa nang matulog hanggang sa makakita si Rosh ng isang treasure.

Agad namula si Oneil. Alam n'ya kung kanino 'yun kaya buti nalang hindi nila makikita ang pamumula ng kanyang mukha.

"Namamalik mata ka lang."

Pumikit si Rosh saka pilit kinalimutan ang kanyang nakita.

"Sige, kunwari naniniwala ako."

Nakapikit sina Cornelia at Zadie at kinukuha ang kanilang tulog ngunit hindi nilang mapigilang making at kampihan si Rosh. Nasa gitna si Cornelia at ramdam na ramdam n'ya ang body heat ng mga kaibigan n'ya sa malamig na gabi.

"Me too." Zadie.

"Mas maganda nalang maniwala." Cornelia.

"Hindi tayo magdadala ng armas?" Tanong ni Rosh habang naghahanda silang lahat umalis papunta sa Main City. Tapos na nilang ibalot ang first aid kit, snacks at sleeping bags.

Umiling si Zadie habang sinusuot ang kanyang bulletproof vest.

"Magmamasid lang tayo, Rosh."

Sinuot ni Cornelia ang bulletproof vest na katulad ng sa mga kaibigan n'ya. Napangiti s'ya dahil noong una n'yang nakita ang mga vest na ito, alila pa s'ya ng gobyerno. Ngayon suot na n'ya ito, kalaban na s'ya kasama ng resistance.

Kung hindi kaya nagpadala si Cornelia noon sa emosyon n'ya, nasaan kaya s'ya ngayon?

"Handa na kayo?" Tanong ni Zadie nang matapos ang tatlo. Tumango sila saka dumiretso sa labas ng hotel at sumakay sila sa dump truck na walang laman na basura. May mga garbage bags at may lamang malalambot na bagay katulad ng plastics.

Inshort, walang mangangamoy basura.

"Now, we are the kids from yesterday." Sabay-sabay nilang pagkanta sa pinakahuling linya ng kanta.

Magkakasamang naka-upo si Cornelia, Zadie at Rosh sa dumpster at buti nalang ay dinala ni Rosh ang kanyang gitara kundi magtititigan silang tatlo hanggang tumigil sa pagmamaneho si Oneil o lumubog ang araw upang makapagpahinga sila.

"Next song." Saad ni Rosh nang matapos ang kanta. Hindi na n'ya binilang dahil marami na silang nakanta at kung tutuusin, marami pang susunod.

"Alam mo 'yung One Last Time ni Ariana?" Request ni Cornelia.

Tumango lang si Rosh at sinimulan ang plucking sa intro nang mapatigil s'ya.

"Naaalala ko 'yung grade seven ako," tumatawang pagkwento ni Cornelia. "Halos lahat kami noon alam 'yung intro n'yan."

Natawa si Rosh saka n'ya binaba ang gitara n'ya.

"Ang galing lang na kayang i-define ng isang kanta 'yung mga memory natin, di'ba?"

Tumango si Cornelia habang si Zadie ay nakikinig lamang sakanilang dalawa.

"Kaya nga!" Nakangiting pagsang-ayon ni Cornelia.

To Give A Marionette LifeWhere stories live. Discover now