XVIII: Independence Day: What Does Fear Looks Like In The Inside?

6 2 0
                                    

blowing in the wind by bob dylan

~

Tumatawa ang isang makapangyarihang tao sakanyang opisina. Nakaupo s'ya sakanyang trono at ang nasa kanan n'ya ay ang watawat ng Pilipinas habang ang nasa kaliwa ay ang watawat ng Cymar.

Ang Cymar ay isang man made country na nakalocate sa East Philippine sea na ginawa ng Pilipinas. Dito galing ang mga microchips na dinistribute sa buong mundo. Dahil failed ang unang sample, gumagawa ulit sila ng experiment upang mag-improve ang sinabing microchips at ito na ang nakasalpak ngayon sa katawan ng lahat.

"Ano pong gagawin natin, Mr. President?" Tanong ng kanyang sekretarya na may hawak na clipboard. Nakaayos ang kanyang mahabang buhok ng bun at nakaformal attire ito. Tumingin sakanya ang president ng Pilipinas.

"May natira pa pala sa mga lider ng traydor ng Pilipinas." aniya saka umiling. "Mali ba ang pagkakaalala ko na inutos kong ubusin n'yo ang mga 'yun?"

"Freedom Writers po ang tawag nila sa sarili nila." Depensa ng sekretarya na ikinataas ng kilay ni Mr. President.

"Tinanong ko ba?" aniya na ikina-iling ng kanyang sekretarya at tumingin ito sa sahig.

"Sinugod po tayo ng araw na 'yun," napatalon ang kanyang sekretarya nang suntukin ng Presidente ang kanyang lamesahan. "Dinala n'yo po ang kalahati ng androids natin noong nakipagmeeting po kayo sa mga doctor ng Cymar."

"Dumalaw ako roon upang makita ang mga improved microchips," pinanliitan n'ya ng mata ang babaeng mas piniling makipagtitigan sa sahig. "Sinisisi mo ba ako sa kapalpakan n'yo?"

"Hinding-hindi ko po 'yun gagawin, Mr. President." Labas sa ilong nitong sagot.

"Na-trace n'yo na kung saan galing 'yung broadcast na 'yun?" pag-iiba ni Mr. President at napalunok ang kanyang sekretarya.

"Ginagawan na po namin ng paraan," sagot nito. "Umalis po ang ilan sa magagaling nating Intelligence kaya medyo natatagalan."

"Umalis ka na." Utos nito na sinunod ng kanyang sekretarya.

Lumipas ang ilang minute, nagmamadaling bumalik ang kanyang sekretarya na hinihingal.

"Sir," salat sa hangin nitong saad at tinitigan lamang s'ya ng presidente. "May nagproprotesta sa labas."

Nang makarating ang magkakaibigan sa border ng main city, napatitig sila rito. Tahimik nilang pinagmamasdan ang lugar kung saan nagsimula ang kanilang mga takot.

Yumuko si Cornelia at Zadie habang si Rosh ay nagtago sa kinauupuan n'ya. Hindi sila makikita dahil sa tarp na nakatakip bilang shade pero kailangan nilang mag-ingat. Kinapa ni Cornelia ang microchip na nakasiksik sa bulletproof vest n'ya upang manigurado na hindi tutunog ang alarm na may nakapasok na taong walang microchip.

Bago sila makapasok sa main city, hinarang sila ng dalawang androids na nagbabantay sa gate.

"Checkpoint." Saad ng isang android at huminga ng malalim si Oneil.

"Nagtapon ako ng mga basura sa wasteland." Sagot niya sa barakong boses.

Pinigilan ng tatlo ang tawa na nagbabadyang lumabas dahil sa ginawa ni Oneil. Kahit hindi sila nakikita ni Oneil, inirapan n'ya ang tatlo.

"Sige, pasok."

Binuksan ng isang android ang gate at pinaandar ni Oneil ang truck papasok ng main city.

Sumilip ang tatlong nagtatago upang makita nila ang pangyayari sa loob ng Main City. Nagtaka sila nang hangin lamang ang naririnig na nagsasalita sa paligid at ang mga sirang building lamang ang nakikipagtitigan sakanila.

To Give A Marionette LifeWhere stories live. Discover now