VIII: Sing It For The World

10 3 0
                                    

SING - My Chemical Romance

~

Lumipas ang ilang araw at nakarecover na si Cornelia sa operasyon n'ya.

"Papa, bakit pala nakacostume ang mga tao rito?" Tanong ni Cornelia habang inaayos ang mga upuan.

Naghahanda ang lahat ng tao sa resistance dahil sa magaganap na welcoming party para kay Cornelia. Nakasanayan nila ito tuwing may bagong recruit ang resistance na alliace.

Hindi alam ng iba na tatay n'ya si Bernard maliban sa team n'ya. Tinatago nila ito dahil hindi n'ya gustong magkaroon ng bias ang mga tao sa loob ng base.

Tumigil sa pag-ayos ng upuan si Bernard. "May magaling na public speaker na nakapagsabi saakin noon na. . ." Ngumiti s'ya ng malaki kay Cornelia. "Individuality is a sign of rebellion."

Namula ang pisngi ni Cornelia at tinatago ang ngiti. "Hindi naman ako magaling."

"Pinabasa ko kay Zadie ang mga speech mo at alam mo ang sinabi n'ya?"

Nanlaki ang mga mata ni Cornelia sa narinig ay mas lalong namula ang kanyang pisngi "Pinakita mo?! Nakakahiya!"

"She can be one of us."

Ginaya pa ni Bernard ang boses ni Zadie sa drunken state n'ya. "I'll gladly recruit her if only our lives are not in constant danger."

"Papa. . ." reklamo ni Cornelia.

"Your daughter is a good writer."

Natigilan dahil 'don si Cornelia. "Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong. "Sinabi n'ya 'yun?"

"Gusto mong itanong ko sakanya?"

"Papa naman! Nakakahiya!"

"Nagustuhan naman n'ya."

Hindi na mapigilan ni Cornelia ang mapangiti. Gusto n'yang tumalon talon ngayon sa kinatatayuan n'ya dahil sa overwhelming na sayang nararamdaman n'ya.

Si Zee na favorite writer n'ya sa lahat ng mga freedom writers ay pinuri ang mga speech na pinaghirapan n'ya. Ano pang mahihiling n'ya? Wala nang ibang bagay ang mas hihigit pa 'ron.

"Naalala ko noon, galit na galit s'ya saakin." Natatawang sabi ni Bernard.

Kumunot ang noo ni Cornelia. "Si Zadie? Bakit naman?"

"Isang araw, nabalitaan namin na maraming nahuli ang gobyerno. Kaunti palang ang miyembro ng resistance 'nun kaya kasama ako sa mga pumunta upang iligtas ang mga nahuling 'yun."

Tahimik lamang si Cornelia at naghihintay ng susunod na sasabihin ng kanyang ama.

"Nung nakarating kami 'ron, nalito talaga ako dahil sobrang kalma nila. Walang takot na makikita sa mukha nila. Alam mo ba 'yung emosyon na nakita ko sakanila noon?"

Umiling si Cornelia. "Ano po?"

"Pride."

Nakatakip si Cornelia sa sinabi ni Bernard. "Handa na silang mamatay 'nun." Bulong n'ya.

"Tama ka," puri ni Bernard. "Sabi pa ng leader nila, 'We are the Freedom Writers; the voice of my fellow country men. It is an honor and duty to die for our country'."

Napangiti ng alanganin si Bernard. "Naniwala nalang sana akong hindi nila kailangan ng tulong noon."

"Ano pong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Cornelia.

"Hindi namin sila nailigtas lahat 'nun. Ang sinigurado lang namin na makakaligtas ay si Zadie dahil s'ya ang pinakabata sakanila."

"Halla," naibulalas ni Cornelia. "Lagot ka, Papa."

To Give A Marionette LifeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora