XXI: Sitting In A Bonfire, Talk About The Past (3)

4 2 0
                                    

Napatitig si Merav kina Zadie at Cornelia. Nang makabalik silang tatlo ay natagpuan nila ang dalawa na magkayakap at hindi gustong isipin ni Merav kung ano pa ang iba nilang ginawa. Pumeke ng ubo si Rosh.

"Guys. . ."

Nawala si Cornelia at Zadie sa sarili nilang mundo at humiwalay sa isa't-isa. Pinunasan ni Cornelia ang mantsa ng luha sakanyang mukha. Si Zadie naman ay napatitig kay Merav na may hindi maipaliwanag na emosyon sakanyang mukha.

"Nag-uusap lang kami." Hindi 'rin alam ni Zadie kung bakit s'ya nagpapaliwanag o kung kanino s'ya nagpapaliwanag. Ang alam lamang n'ya ay gusto n'yang maalis ang ekspresyon na 'yun sa mukha ni Merav.

"Pero magkayakap." Bulong ni Merav. May kung ano sa boses nito na ngayon lamang narinig ni Zadie.

Palihim na sumulyap si Rosh at Oneil sa isa't-isa habang patagong ngumiti. Inakbayan ni Rosh si Merav at ngumiti. Napasimangot si Zadie dahil s'ya dapat ang gumagawa 'non.

Wala silang imik na umupo malayo kina C at Zee. Si Oneil naman ay bumalik sakanyang pwesto at sinimulan nang magdrive.

Tahimik si Zadie sa tabi ni Cornelia habang nagtatawanan si Rosh at Merav. Pumikit si Zadie at nagbabakasakaling makakatulog s'ya ngunit tuwing pumipikit s'ya ay nakikita n'ya ang emosyong iyon sa mukha ni Merav.

"Sacre bleu." Bulong n'ya.

Hindi gumagana ang pagpikit kaya naman ay iminulat n'ya ang kanyang mata at tumitig nalang sa malayo. Nakita ni Cornelia ang ginagawa ni Zadie kaya nginitian n'ya ito at inakbayan.

"It's not your fault." Kalahating pagbibiro at kalahating kaseryosohang bulong ni Cornelia.

Ngumiti si Zadie at natawa ng kaunti. Tumango s'ya saka hinalikan ang tuktok ng ulo ni Cornelia. Kontento sila sakanilang pwesto dahil hindi nila nakikita ang mata ni Merav na malapit nang umulan na nakatitig sakanila.

"Kaunti nalang talaga pagbabalatin ko na kayo ng patatas, mga princess Sarah!"

Tumawa ang lahat maliban kay Zadie na nagbigay lamang ng pekeng ngiti. Umupo si Merav sa sleeping bag ni Rosh.

"Sinamahan kaya kita."

"Pwera ikaw, Merav." Bawi ni Oneil.

Umiwas si Zadie ng tingin. Nagpaalam si Rosh kanina sakanya na gusto raw ni Merav na s'ya nalang ang katabi nito at walang nagawa si Zadie kundi pumayag. Atsaka, ano bang pake n'ya? Wala s'yang pake kung mamimiss n'ya ang body heat at amoy ng buhok ni Merav. Hindi talaga n'ya mamimiss ang maliliit na tunog na ginagawa ni Merav tuwing tulog s'ya.

Nang maayos ni Oneil ang kanilang bonfire, umayos sila sa pagkaupo habang may pagkain sa kanilang mga kamay.

"Bakit hindi na si Zadie ang katabi mo, Merav?" tanong ni Cornelia at ito ang unang beses na narinig ni Merav ang boses n'yang mahinhin.

Napatingin si Merav sa pagkain n'ya. Bigla itong mas naging interesting sakanyang paningin kahit na sweet corn lamang ito sa isang lata at malapit nang ma-expire. Nang walang umimik ay bumuntong hininga s'ya. Alam n'yang naghihintay sila ng sagot ngunit hindi n'ya alam kung anong sagot ang gusto nilang tanggapin.

Inangat n'ya ang kanyang tingin at ang unang bumungad sakanya ay ang nakakatunaw na titig sakanya ni Zadie. Napalunok s'ya saka pinunta kay Cornelia ang kanyang atensyon na may ngiti sa mukha.

"Hindi s'ya makatulog dahil saakin." Sagot ni Merav at kumunot ang noo ni Zadie.

"What?" hindi n'ya makapaniwalang tanong. Nilaro ni Merav ang kanyang daliri.

To Give A Marionette LifeWhere stories live. Discover now