XIV: Impulsive Decisions Are The Best

5 2 0
                                    

"That's perfect," nakangiting puri ni Zadie habang pumapalaklak matapos iparinig ni Cornelia ang kantang ginawa niya kasama si Rosh. "I can feel the emotions of a poet."

Tila sinaniban si Cornelia ng isang batang dinala sa Disney Land sa unang pagkakataon dahil sa kinang na makikita sakanyang mata.

"Talaga?"

Tumawa ng kaunti si Zadie dahil sa naging reaksyon ng kanyang kaibigan.

"Add a little pain and everything becomes poetry," aniya saka kinanta ang lines na tumatak sakanya. "I'd rather be an enemy of the republic than to pledge allegiance to the man of your kind. It must be right when you feel it's wrong."

Namula si Cornelia dahil hindi lamang s'ya pinuri ng isang magaling na writer kundi nakabisado pa nito ang kanyang sinulat.

"Thank you."

"So, what's it called?"

Nagkibit balikat si Cornelia saka bumuntong hininga at sigurado s'yang hindi oxygen ang pumasok sakanyang lungs kundi fumes.

"Kailangan pa ba ng title?"

Kahit paulit-ulit na sabihan ni Zadie si Cornelia na delikado sa kwarto n'ya at tawagin nalang s'yang lumabas kung kailangan s'ya, hindi pa rin nagpapapigil si Cornelia upang samahan si Zadie sa nakakamatay na kwarto. Nakaupo sila sa sahig sa tabi ng kama at nakaakbay dito si Zadie habang nasa harapan n'ya si Cornelia na may hawak na gitara.

"Ofcourse," aniya. "When you name it, you own it."

Kinonsidera ito ni Cornelia. Hindi n'ya binibigyan ng title ang mga speech n'ya noon dahil una, hindi na ito kailangan at pangalawa, ginawa n'ya ang mga iyon para sa ibang tao. Iyon ang pinagkaiba ng speech at poetry. Ito ang unang beses na bibigyan n'ya ng pangalan ang isang bagay na ginawa n'ya.

"May naisip na 'ko..." namula si Cornelia. "Pero 'di ko alam kung–"

"Just say it," tumatawang pagputol ni Zadie. "You're quite of a tight-tounged for a public speaker."

Tumawa si Cornelia.

"You're quite a talker for a poet and a reader."

"Can you blame me? I'm once the voice of people," nawala ang tawa nila. "But so are you. So, go on. Say what you wanna say, darlin'."

"To give a marionette life." Pagbibigay ni Cornelia ng pagkatao sakanyang kanta.

Ngumiti si Zadie.

"Perfect." Puri nito ngunit nawala ang kanyang ngiti nang may napansin s'ya kay Cornelia. "C," tawag niya upang mapunta sakanya ang atensyon nito.

"Hmm?"

"You do believe that your song is great, right?"

"Hindi naman sa hindi ako nagagandahan, it's just that. . ." nagkibit balikat si Cornelia.

"Do you want to hear it from me?"

Napangiti si Cornelia saka n'ya inistrum ang kanyang gitara.

"Okay."

Kinuha ni Zadie ang papel na nasa harapan ni Cornelia na naglalaman ng kanilang lyrics at mga chords. Napuno ng musika ang kwarto ni Zadie nang tugtugin nila ang kanta na ginawa ni Cornelia. Sa mga nakaraang araw, nag-aalala si Cornelia na baka hindi n'ya nalagyan ng emosyon ang mga sinulat n'ya at madisappoint nanaman si Zadie sakanya. Ngunit ngayong kinakanta na ito ni Zadie sa harapan n'ya, totoo nga. . .rinig na rinig n'ya ang emosyon.

Nang matapos ang kanta ay napangiti sila sa isa't-isa. Hindi nila alam ang sasabihin kaya hinayaan na lamang nila ang kanilang mga mata na mag-usap.

To Give A Marionette LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon