XXII: We're Here To Remind You What It's Like To Be Free

5 2 0
                                    

Nagkwento si Oneil ng mga nalaman n'ya tungkol kay Merav. Nang magkakasama sila kanina ay nagkwento s'ya tungkol sakanyang sarili. Namatay ang kanyang mga magulang noong sanggol palang s'ya at inampon s'ya ng isang pamilyang hindi s'ya tinuring bilang anak. May kuya s'ya sa pangalawa s'yang pamilya na nagngangalang France at ito lamang ang nakakasundo n'ya.

Nais n'yang maging doctor katulad ni France ngunit namatay si France sa kamay ng mga exterminators.

"What do you think of her?" bulong ni Zadie sa tabi ni Merav at nagkibit balikat si Oneil.

"You like her?"

Tinutusok-tusok ni Zadie ng mahabang stick ang bonfire nila upang ayusin ito at huwag maalis ang apoy. Malalim na ang gabi at dalawa nalang silang hindi pa natutulog. Hindi makatulog si Zadie at pinili ni Oneil na bantayan si Zadie dahil kahit hindi nito sabihin, alam n'ya ang ginagawa n'ya. Ngumiti ng maliit si Zadie.

"Do you think. . ." sandaling n'yang tiningnan ang babaeng mahimbing na natutulog sa tabi n'ya saka muling tumingin kay Oneil. "Do you think she's worth the risk?"

Ngumiti si Oneil saka tumango. "Ofcourse, girl."

"But she's only 16," umiling si Zadie. "And I don't want to rob her future."

"Hindi ka magiging distraction, Zadie."

"Paano ka nakakasigurado?"

"Paano ka 'rin nakakasigurado?"

"Oneil," sita si Zadie dahil hindi s'ya sineseryoso ng kaibigan n'ya. "You know what happened to Feo, right? He was accused of pedophilia by my father. I don't want that to happen again. I'm 21 and she's 16. 5 years, Oneil. Do you understand?"

Tumango si Oneil. "Syempre naman, girl, naiintindihan ko kung saan ka nanggagaling," aniya. "Ang akin lang, make it slow, 'wag mong madaliin. Pwede mo naman s'yang hintayin hanggang legal–"

"You know I can't do that. I can't let her hold on to me like that," putol ni Zadie. "I don't want to rob her anything. I want her to be free. She will meet people in her age and maybe forget about me–"

"But you're turning sober for her," putol din ni Oneil na ikina-iwas ng tingin ni Zadie.

"Paano mo nalaman?" tanong ni Zadie sa maliit na boses.

"Kanina ka pa nanginginig at hindi mapakali," sagot ni Oneil at umiling si Zadie.

"I mean, how did you know I did it for her?"

"Girl," tumawa si Oneil. "Nakikita naming ni Rosh ang paraan ng pagtitig mo sakanya. Naaalala mo 'yung pinag-usapan natin about sa soulmates–"

"No," pigil ni Zadie. "We don't talk about that."

"Fine," pagsuko ni Oneil. "Gusto ko lang naman ang makakabuti sa'yo." Aniya saka humiga.

Hindi n'ya gusting mapahamak sila dahil nakatulog s'ya habang nagdra-drive. Tumingin si Oneil kay Zadie na hindi pa rin gumagalaw sakanyang pwesto.

"And, Zadie?"

"Hmmm?"

"I'm so proud na sinusubukan mo ulit tumigil." Nakangiting saad ni Oneil at ibinalik ni Zadie ang ngiti.

"Danke." Sagot nito.

Nang makatulog si Oneil, binitawan ni Zadie ang hawak n'yang stick na pumipigil sakanyang kamay na manginig ng sobra. Wala nang ibang makakakita sakanya kaya hindi na n'ya pinigilan ang pagnginig ng kanyang buong katawan.

"Fuck," bulong n'ya at agad tumayo upang sumuka sa malayo. "I hate withdrawals." Bulong n'ya nang matapos at bumalik sa tabi n Merav upang makita n'ya ang dahilan kung bakit n'ya ito ginagawa. Kung bakit n'ya tinapon ang alak na dala n'ya.

To Give A Marionette LifeWhere stories live. Discover now