XXX: To Make The World A Better Place For The Next Generation

5 2 0
                                    

Pinunasan ni Zadie ang kanyang luha at inayos ang sarili bago bumalik sa base. Nakangiti n'yang sinalubong ang mga pamilyar na mukha habang naglalakad papunta sa trade center upang kumuha ng oil paints, linseed oils, turpentine, brushes at mga canvas. Wala na si Merav at bumalik muli ang bagyo sakanyang loob. Kailangan n'ya ng magpapakalma sakanya. Ngunit hindi. . .hinding-hindi na s'ya babalik sakanyang nakakasirang adiksyon. Hindi s'ya babalik sa alak.

Babalik s'ya sa pinakauna n'yang adiksyon.

Art.

Ang destructive side ng art. To be specific, toxic fumes.

Tinatawag ito ni Zadie na artistic suicide. Unti-unti n'yang papatayin ang sarili n'ya sa paglanghap ng nakakamatay na fumes at sa paraang ito, nagiging isa sila ng kanyang art. Hindi lamang n'ya ginagamit ang art upang mailabas ang mga salitang walang boses kundi nagiging kaisa s'ya ng kanyang art.

"S'ya 'yun," bulong ng isang bata sa kanyang kaibigan habang nakatingin kay Zadie na nagmamadaling naglalakad. "Di'ba? Kamukha n'ya 'yung nasa wanted posters."

Tumango ang kanyang babaeng kaibigan na may kulot na buhok. "Batiin natin s'ya?"

Ngumiti ang batang babaeng may buhok na umaabot sakanyang balikat. Tumayo ito sa bench sa park at hinila ang kaibigan n'ya.

"Tara!"

Sabay silang tumakbo papunta kay Zadie.

"Hello, ate!"

Nagulat si Zadie nang may mga batang humarang sakanya. Napatigil s'ya sa paglalakad at pinagmasdan n'ya ang dalawang teenager na humarang sakanya.

Pinilit n'ya ang kanyang sariling ngumiti at masiglang kumaway. "Hi!"

"Ikaw po ba si ate Zee ng Freedom Writers?" Tanong ng may maikling buhok.

"Atsaka 'yung nasa band 'din?" Dagdag ng kulot. Ngumiti si Zadie saka tumango upang kumpirmahin.

"I am."

Nagtinginan ang dalawang teenagers sa isa't-isa habang malaking nakangiti. Nakipag-apir sila sa isa't-isa at binalik ag tingin kay Zadie.

"Idol ka po namin, ate Zee!"

"Kaya nga po! Gustong-gusto po namin mga sinusulat mo! Nagprapractice akong magsulat para maging magaling katulad mo."

Tila may humaplos sa puso ni Zadie nang marinig n'ya iyon.

"Kaya nga po! Ngayong kasali na kami sa Freedom Writers, kailangan magaling 'din kami magsulat."

"Tama, tama. Katulad po ng original Freedom Writers."

Nahawa si Zadie sa ngiti ng magkaibigan. Hindi s'ya makapaniwalang may nakakaalam ng ginawa n'ya noon na mas bata sakanya ng maraming taon.

"Really?"

"Opo," sagot ng kulot. "Favorite writers ko po sila Shi-ne, Murmur, Agalea at syempre si Zee."

"Ako gustong-gusto ko 'yung sinulat mo na 'Armed with A Brain, Strike with A Soul'. May poem pa 'yun, 'e." Ani ng may maikling buhok.

Napatitig si Zadie sa dalawa habang nakangiti. Hindi n'ya akalain na muntikan na. Muntikan nanaman n'yang sirain ang buhay n'ya gamit ng isang bagay na kayang magligtas ng buhay: art.

Art is a weapon; it can save lives. That is the mark of a true artist.

Hindi man kayang baguhin ng isang artist ang buong mundo, kaya naman nitong baguhin ang maliliit na mundo ng ibang tao. Bumuntong hininga si Zadie. Muntikan na n'yang nalimutan ang dahilan kung bakit binigay ni Feo ang regalong ito sakanya. Ang tunay na dahilan kung bakit pumayag si Feo na maging studyante n'ya.

To Give A Marionette LifeWhere stories live. Discover now