XX: It's Not Your Fault

5 2 0
                                    

Hanggang umaga ay hindi pa rin malimutan ni Merav ang sinabi ni Zadie sakanya. Tanghaling tapat na at ginamit nila ang tarp bilang linong. Binibilisan din ni Oneil ang kanyang pagmamaneho upang may hangin na sumapal sa katawan nila.

Habag nakasakay na sila sa truck ay hindi maalis ang palihim na pagsulyap ni Merav kay Zadie. Tumatak ang mga salita ni Zadie sakanya. Hindi maintindihan ni Merav kung bakit ayaw humiwalay sakanya ang mga salitang 'yun.

'I don't think you're ugly, I think you're beautiful.'

Umiling si Merav. Imposible. Wala pang nagsasabi sakanyang maganda s'ya buong buhay n'ya. Kahit ang tatay n'ya ay pangit ang tingin sakanya. Sinong magagandahan sa isang babaeng magkadikit ang kilay? Tama, wala.

Nagsisinungaling lang ba si Zadie? Totoo ba ang mga pinapakita n'ya? Tuwing naiisip ni Merav ang mga ginagawa sakanya ni Zadie, ramdam na ramdam n'ya ang genuinity sa likod nito. Hindi maintindihan ni Merav kung ano ang dahilan kung bakit ganon ang trato sakanya ni Zadie.

"Babalik na kayo sa base n'yo?" Napakatahimik ng byahe at hindi n'ya gustong maiwan kasama ng utak n'ya lalo na ngayon. Walang imik si Zadie at Cornelia habang si Rosh ay umiling.

"Napagkasunduan namin kagabi na bibisita kami sa iba't-ibang base para magperfrom kung sakaling pumayag ang leader nila," sagot ni Rosh na ikinakunot ng noo ni Merav. "Para maghanap na rin ng possible alliance."

"Perform?" puno ng pagtatakang tanong ni Merav. Kumunot ang noo ni Rosh.

"Hindi mo narinig ang brinoadcast namin?" nagtatakang tanong ni Rosh at umiling si Merav. Tumingin si Rosh kay Zadie at nagkibit-balikat lamang ito. Binalik n'ya ang tingin kay Merav.

"Pero 'yun ang nagtrigger ng protesta."

Walang nasabi si Merav. Mainit ang panahon ngunit hindi ito ang dahilan kung bakit tagktak ang pawis n'ya. Nakatitig sakanya si Rosh, naghihintay ng sagot. Gusto na n'yang bumaba at tumakbo dahil wala s'yang maibibigay na sagot dito.

"Rosh," tawag ni Zadie at nakuha nito ang atensyon ni Rosh. Tahimik na nagpasalamat sakanya si Merav. "Not everyone have an access to luxury."

Cliche man sa pandinig pero hindi talaga namalayaan ni Merav na pinipigilan n'ya ang kanyang paghinga bago magsalita si Zadie. Nais n'ya itong yakapin upang magpasalamat ngunit pinigilan n'ya ang kanyang sarili dahil hindi n'ya nararapat hayaan ang kanyang sarili gawin 'yun.

"Oo nga pala," ngumiti si Rosh at nag-peace sign kay Merav. "Sorry."

Tumango si Merav saka ngumiti. "O-okay lang."

Tumingin s'ya kay Zadie at ngumiti ito sakanya. Hindi n'ya naibalik ang ngiti dahil hindi pa rin s'ya makapaniwalang niligtas s'ya ni Zadie. Hindi s'ya makapaniwalang niligtas s'ya ng isang taong gagawan n'ya ng masama kung bibigyan s'ya ng pagkakataon.

Gustong makonsensiya ni Merav. Ngunit alam n'yang matagal na itong hindi nage-exist sa mundo n'ya.

O 'yun lang ang gusto n'yang paniwalaan.

Tumigil sila dahil ayon kay Oneil na nakakaalam ng pupuntahan nila, malayo pa ang pinakamalapit na ipinakita ni Oneil kay Cornelia at kailangan n'yang umihi.

Speaking of Cornelia, wala pa rin s'yang imik at nag-aalala na ang mga kasamahan n'ya.

"Are you really sure you're okay, C?" Tawag ni Zadie sa nickname ni Cornelia. Nagbabakasaling maililift up nito ang mababang kaluluwa ni Cornelia kapag maaalala n'ya ang kanyang papa bear. Ngunit wala pa 'rin s'yang imik.

Tumabi si Zadie kay Cornelia. Dalawa lamang sila ngayon sa truck dahil sinamahan ng dalawa maghanap ng pwedeng pag-ihian si Oneil. Ang hindi lang maintindihan ni Zadie ay kung bakit ang dami pa nilang magkakasama, iihi lang naman.

To Give A Marionette LifeWhere stories live. Discover now