XII: A Poethicc Turn Of Events

4 2 0
                                    

Binato ni Cornelia ay ballpen n'ya sa kung saan at napahilamos s'ya ng mukha gamit ang kanyang palad.

"Hindi ko kaya," bulong n'ya. "Hindi ko kaya." Mas malakas nitong pagtanggap sa pagkatalo.

Bumuntong hininga s'ya at umupo ng matuwid. Dahil binato n'ya ang ballpen n'ya at tinatamad s'yang hanapin ito, gagamitin n'ya ang typewriter na pinahiram ni Zadie sakanya.

Sana 'wag ito ang isunod n'yang ibato.

Uumpisahan na sana n'ya ang pagtipat ngunit napatigil s'ya. Walang pumapasok sa isip n'yang salita at wala ring umiikot sa katawan n'yang emosyon. Habang nakaupo s'ya, pakiramdam n'ya isa s'yang black hole. Walang laman.

Paano nga ba maging isang poet? Ofcourse, by having emotions.

Pero. . .paano?

It may sound easy but it isn't. People think and know that they feel emotions. But that is 'knowing' and 'thinking' not 'feeling'.

That's not how it feels like to feel. Knowing and thinking won't make anyone a poet.

Now, tell me. Paano nga ba naging poet si Zadie at paano magiging isang poet si Cornelia kung ganito kakumplikado ang dadaanan n'ya?

Let's face it. . .

Anyone can be a writer but not everyone can poet.

Napahigpit ng hawak si Cornelia sa isang papel na hawak n'ya. Hindi s'ya sigurado kung tama ba itong ginawa n'ya pero dahil nandito na s'ya, hindi na s'ya maaaring umatras.

Kumatok siya sa pinto ng kwarto ni Bernard.

"Papa?" Pagpapakilala n'ya.

"Pasok lang, anak." Sagot nito.

Walang imik na pumasok si Cornelia sa kwarto ng kanyang ama. Bumungad sakanya ang tatay n'yang nakahiga sakanyang kama at hinihintay s'ya. Ngumiti si Cornelia saka humiga sa tabi ni Bernard.

Niyakap s'ya ng kanyang tatay.

"Bakit ka nandito, anak?"

Napatitig si Cornelia sa madilim na kisame.

"Nagkasagutan po kami kanina ni Zadie," pagkwekwento n'ya. "Pero sa tingin ko po ako may kasalanan. I mean, gusto lang naman n'ya akong tulungan pero nainis ako sakanya."

"Sabi po n'ya kailangan ko raw pong ilabas lahat ng emosyon ko para maging isang ganap na writer. . .sa tingin ko, hindi ko po 'yun kayang gawin." Pinili ni Cornelia na sarilihin na lamang ang pagpuna ni Zadie sa style of writing n'ya.

Kumunot ang noo ni Bernard.

"Bakit mo naman itatago ang mga emsoyon mo, anak?"

Napapikit si Cornelia, nararamdaman na n'ya ang pag-init ng paligid ng kanyang mga mata.

"Kahinaan po kasi 'yun." Pinilit n'yang huwag magcrack ang kanyang boses.

"Tao tayo kaya kailangan natin ng emosyon," Hinawakan ni Bernard ang kamay ng kanyang anak. "Kailanman hindi naging kahinaan ang pagiging tao, anak." Paliwanag n'ya saka hinalikan si Cornelia sa kanyang noo.

"Pero papa. . ." Napalunok si Cornelia saka tinitigan si Bernard sakanyang mga mata. "Paano kung mahiwalay ulit tayo sa isa't-isa? Kaya ka nahiwalay saamin ni mama noon dahil nagpadala ka sa emosyon mo, di'ba?"

"At hindi 'yun mali. Nanlaban ako sa gobyerno dahil may pinaniniwalaan ako. Hindi ko sinasabing mas mahalagang magrebelde kaysa sainyo ng mama mo pero. . ." napapikit si Bernard. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung hindi ko pinagtanggol ang mga taong nangangailangan ng tulong ko."

To Give A Marionette LifeWhere stories live. Discover now