XIX: Don't Look Down On Yourself, My Precious Angel, I'm Looking Up To You

5 2 0
                                    

I know you have walked with me once upon a dream~

And yes, nasaksihan ko ang era na may emoji ang mga stories sa watty >.<

*emogee flashbacks*

~

"Ano?" Sigaw ni Mr. President saka napatayo sakanyang trono.

"Yes, sir." Pagkumpirma ng kanyang sekretarya.

"Paanong–" napatigil s'ya sakanyang sasabihin at napaupo nang maikonekta n'ya ang mga nangyayari. Tumawa s'ya saka napailing. Nakatitig lang sakanyang ang kanyang sekretarya na parang isa itong lalaking takas sa mental.

"Narinig nila ang broadcast kagabi," saad ni Mr. President sakanyang sarili. "Mas pinili nilang mamatay para lang 'don? Kabobohan!"

Napakagat ang sekretarya sakanyang labi at napahigpit ang hawak sa clipboard.

"I believe, nagkaroon sila ng tapang at pag-asa dahil doon, sir." Magalang nitong sagot na mas lalong nagpatawa sa Presidente.

Napunta ang atensyon ng sekretarya sakanyang earpiece nang may tumatawag 'dito. Sandali s'yang natigilan at saka tumango. Nang matapos ang tawag ay binalik n'ya ang kanyang atensyon sa Presidente.

"Mayroon daw namataan ang mga sundalo natin na apat na babae at ayon sa source, spy sila," umiling ang Presidente. "Tawagin mo si Merav."

Spies. Hindi na ito bago sa Presidente dahil halos araw-araw ay may nais magpatumba sakanya at pamamahala n'ya. Unti-unti nang mundo at alam n'ya ito, alam ito ng mga taong nagtrabaho sakanya ngunit mas pinili pa rin nilang maiwan sa Earth at mamatay.

Ginagawa n'ya ang tama. Gumawa s'ya ng plano na kung saan ay may maililigtas s'ya upang maghanap ng bagong matitirahan kaya ginawa n'ya ang microchips. Ang down part lang nito ay hindi kasya lahat ng mga tao sa spaceship na ginagawa nila. Kaya naman, ang mahahalagang tao lamang ang makakasakay.

Mas maganda na ito ang mangyari kaysa naman lahat sila ay mamatay.

Atsaka, sa totoo lang. Ginagawan ng pangulo ng favor ang mga maiiwan dito. Ayaw nila 'yun? Hindi nila mararamdamang mamamatay sila kung robot na sila. Individuality, nakakatawa. Mas pipiliin nila ang individuality kaysa sa sarili nilang buhay.

Walang imik na sumunod ang sekretarya. Makalipas ng ilang minuto ay bumukas ang pinto sa opisina ni Mr. President at pumasok ang isang babaeng may unibrow. Nakasuot ito ng pulang plain t-shirt at pantalon.

"Pinatawag n'yo po ako?" Magalang nitong tanong tanong ngunit tumitig lamang ng matigas sakanya ang pangulo.

"Nabalitaan mo nang may nagproprotesta sa plaza?" tanong nito at kumunot ang noo ni Merav saka umiling.

"Kakagising ko lang po kanina." Paliwanag n'ya.

"At may apat na spy ang namataan 'don. Gusto kong i-trace mo kung nasaan ang base nila." Pagpapatuloy ng pangulo at tumango si Merav.

"Tatapusin ko po ba–"

"Hindi," putol sakanya ng Pangulo. "Ilagay mo ang microchips sa katawan nilang lahat, naiintindihan mo ako?"

"Yung sa mga spy?"

"Pati sa mga tao sa base nila."

"Pero paano–"

"Gawan mo ng paraan!"

Tumango muli si Merav at tinanggap ang box na binagay sakanya ng Presidente. Bago s'ya makaalis, nagsalita ang pangulo.

"Wag mo sanang tularan ang ginawa ng kapatid mo." Paalala nito at ngumiti si Merav.

"Hindi ko po 'yun gagawin." pangako nito at sa unang pagkakataon, ngumiti ang pangulo.

To Give A Marionette LifeWhere stories live. Discover now