XXXI: Surrender Yourself To The Holy Ghost

8 2 0
                                    

ave maria by schubert

~

Kumunot ang noo ni Cornelia at napuno ang mukha nito ng pagtataka. Madilim na ang gabi at patulog na ang lahat ng nasa bahay kabilag sina Rosh, Oneil at Paul&Paulo. Pinagkatiwala sa magkakaibigan ng may-ari ang bahay at nakitira ito sa kanyang kaibigan.

Ang may-ari nito ay isang mag-asawa na namatayan ng anak dahil sa raid na ginawa ng F.E.A.R. noong unang beses nilang abusuhin ang kanilang kapangyarihan. Isa si June (anak ng mag-asawa) sa mga nanlaban at isa 'rin s'ya sa mga namatay.

Nang malaman ng mag-asawa na ang banda ni Zadie ang makikituloy sa bahay na iyon, pinagkatiwala nila ito sakanila upang pasasalamat dahil sinigaw ng banda nila ang pinaglalaban ni June. Ang pinagkaiba lamang ng banda at ni June ay may nakinig sa banda.

Paulit-ulit tumingin si Cornelia sa likuran ni Zadie at sakanya. "Nasaan si Merav?"

Umiling si Zadie saka nag-isip ng kasinungalingan. Hindi n'ya ito napaghandaan dahil masyado s'yang occupied habang nagsusulat sila nina Magda at Carmie ng lyrics.

Napakamot si Zadie sakanyang pisngi. "She came back to their. . .base."

"Huh?" Mas lalong kumunot ang noo ni Cornelia. "Sa main city natin s'ya unang nakita, di'ba?"

Nastatwa si Zadie sakanyang kinatatayuan saka napalunok. Think, Zadie, think.

"Uh. . ."

Think.

"Y-yes, you're right. How can I forget." Pumeke ng tawa si Zadie. Lumambot ang mukha ni Cornelia.

"May nangyari ba, Zadie?"

Nawala ang pekeng pagtawa ni Zadie saka s'ya napakamot sa pisngi. Umiwas s'ya ng tingin at pinigilan ang sariling malimutan ang nangyari kanina.

Ngunit nabigo s'ya.

Niyakap s'ya ni Cornelia na mas lalong nagpaluha sakanya. Napapikit si Zadie at niyakap pabalik si Cornelia saka tahimik itong umiyak sa balikat n'ya.

"Magiging okay din kayo, Zadie." Pag-alo ni Cornelia.

"Can I stay here with you?" Bulong ni Zadie at narinig nilang dalawa ang pagcrack ng kanyang boses.

Ngumiti si Cornelia kahit alam n'yang hindi ito makikita ni Zadie. "You don't need to ask."

Dalawa ang kwarto sa bahay ng mag-asawa at nasa iisang kwarto ang kambal at nagtipom-tipon ang magkakaibigan sa isa.

"Nasaan si Merav?"

'Yan ang unang bungad nila kay Zadie habang inaayos ni Cornelia ang higaan n'ya upang tabi sila matulog ni Zadie.

Pinanlakihan ni Cornelia ng mata si Rosh na nagtanong. Agad tumikom si Rosh nang mapansing hindi okay si Zadie na pag-usapan ito.

"Sorry." Paghingini nito ng tawad ngunit umiling lamang si Zadie saka ngumiti ng maliit.

"It's alright but I don't want to talk about it. I want that memory just be mine so it can be more real," aniya saka bumulong. "More intimate."

Tumango ang tatlo.

"Naiintindihan namin, Zadie." Sagot ni Rosh saka bumalik sakanyang pagkakahiga.

"Pwede ka nang humiga, Zadie." Tawag ni Cornelia sakanyang pansin at walang imik itong humiga at pumikit. Pinatay nila ang ilaw at naramdaman n'yang tumabi sakanya si Cornelia. At nasa tabi ni Cornelia si Rosh at nasa tabi ni Rosh si Oneil.

"Zadie," bulong ni Oneil ngunit walang ginawa si Zadie kundi makinig. Nagpatuloy si Oneil. "No offense, girl. Pero. . ." Bumuntong hininga s'ya.

"Nakita ko 'yung koneksyon n'yo."

To Give A Marionette LifeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ