Chapter 54: Infernio Battle

526 35 6
                                    

⪼ T H I R D   P E R S O N ' S 

Kasalukuyan nakasakay ngayon sa isang double-deck na bus na patungo sa paggaganapan ng battle ang mga napiling estudyante na lalahok sa Infernio Battle. Natatakpan ng metal ang bawat bintana kaya naman hindi nila makita ang labas at hindi rin nila gaanong makita ang isa't isa dahil wala man lang pinagkukuhanan ng liwanag sa ikalawang palapag ng bus na kinalalagyan nila.

"Don't tell me, susundin niyo ang sinabi ni Mr. President." Tanong ni Risei habang tinititigan ang dulo ng kulay pulang buhok.

"Ang kalimutan muna ang isa't isa?" Tanong ni Sapphire.

"Yeah."

"Kapag sinunod niyo siya, babatukan ko kayo isa-isa." Nagbabantang sabi ni Newt.

"Wow, rhyme." Singit naman ni Blake mula sa kung saan.

"Epal mo, Damon."

"Huwag sabing babanggitin ang second name ko!"

Magsasalita pa sana si Newt ngunit naramdaman niya ang pagtigil ng bus kaya hindi lang siya ang natahimik at naalerto ngunit maging ang iba. Unti-unting umangat ang mga metal na nagtatakip sa bintana at sa isang iglap ay umalingawngaw sa paligid ang isang putok ng baril.

"Let's go." Hinila ni Silver patayo si Sapphire at sabay na tumakbo papalabas. Nang makitang nakabukas na ang pinto ng bus ay itinulak ni Thalia at Leah sila Sapphire at Silver at nauna ng tumakbo.

"Hey guys, we should split up para mas mapadali. But once na nakita niyo ang flag ng isa sa atin, huwag kayong magdalawang-isip na tawagin ang taong iyon. Let's help each other." Paalala ni Silver nang silang sampo na lamang ang matira sa loob ng bus. Tumango ang ilan ngunit si Shai ay mukhang nagdadalawang isip pa rin hanggang ngayon.

"Pero sabi ni Mr. President—" 

Huminto saglit si Silver at tiningnan isa-isa ang mga kasama. "Trust each other."

"I agree. We can do so little all by ourselves, but if we're together we can do so much." Pagsang-ayon ni Sapphire.

***

Tila ba napako sa kinatatayuan si Blake matapos mabuksan ang isang pinto. Isang club na punong-puno ng mga babae, nakasisilaw ng LED lights at malakas na musika ang bumungad sa inosente niyang mga mata. Aatras na sana siya ngunit isang babaeng kapos sa tela ang damit ang humila sa kaniya paloob at kasabay noon ang pagsara ng pinto sa kaniyang likuran. Liningon iyon ni Blake ngunit humarang na roon ang ilang kababaihan para hindi na ito makalabas.

"Saan niyo ako dadalhin?!" Tanong ni Blake at sinubukang iwakli ang kamay ng babae ngunit para bang nakadikit na ang kamay nito sa kaniyang pulsuhan sa sobrang pagkakakapit. Patuloy lamang na nagpupumiglas si Blake hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili at nasuntok na sa mukha ang babae dahilan para bumagsak ito sa sahig.

Natahimik ang lahat dahil roon, namatay rin ang malakas na musika at ang mas nakagugulat pa para kay Blake ay nang sabay sabay na pumihit sa direksyon niya ang ulo ng mga babaeng nasa loob ng club. "T-Teka, hindi ko 'yon sinasadyang gawin!" Dipensa ni Blake sa sarili. Gusto niyang umatras ng makitang papalapit na sa kaniya ang lahat ngunit hindi niya magawa dahil napako na ang paningin niya sa babaeng nasuntok niya na ngayon ay nangingisay na sa sahig at kumikislap pa ang ilang bahagi na tila ba isang makina na unti-unting nasisira.

"Fear is a liar..." Pagbanggit ni Blake sa sarili nang maalala niya ang katagang inilagay ni Sapphire sa kanilang special project. "Hindi kayo totoo. Tinatakot niyo lang ako." Ipinikit ni Blake ang mga mata, inaasahang mawawala na sa paligid ang mga babae ngunit dumaloy ang pagkagulat sa kaniya nang may humawak sa kaniyang kamay.

Infernio Academy 1: Touch of HellWhere stories live. Discover now