Chapter 50: Tickled hearts

3.6K 197 132
                                    

Multimedia: Risei and Blake

Featured song: Justin Bieber - 2U (Cover by Jungkook)

⪼ S A P P H I R E

Hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa utak ko ang nangyari kagabi. Ang mga titig niya, ang bawat salitang binibitiwan niya, pati na rin ang halik na nakapagpabilis ng tibok ng puso ko. I couldn't understand myself, I mean...hindi naman iyon ang unang beses na maglapat ang mga labi namin pero bakit mas malaki ang epekto nito sa akin kumpara sa una?

"Sapphire, sa basurahan mo nilalagay ang mga damit mo." Nabalik ako sa realidad nang punahin ako ni Dannah. Natagpuan ko ang sarili ko sa harapan ng sinasabi niyang basurahan at nakita ko sa loob noon ang paborito kong t-shirt.

"The hell!" I exclaimed, quickly taking the shirt out of the dirty bin. Narinig ko ang pagtawa ni Dannah kaya naman napairap ako. 

"Did I give you permission to laugh?" Taas-kilay kong tanong. Pero imbis na tumigil, lumakas pa lalo ang tawa niya kaya naman pabiro kong ibinato sa kaniya ang isang maruming damit na hawak-hawak ko.

"I'm sorry." I rolled my eyes once again. What's with her? Hindi kaya nahawahan na siya ng ka-abnormalan ng boyfriend niya? 

"Bakit ka ba kasi tulala?" Tanong niya sa akin.

"So what?" I asked back. I mean, how am I supposed to explain things I couldn't understand either?

"Nakita ko kayo ni Silver kagabi." Naibagsak ko ang ang hawak kong mga damit nang dahil sa sinabi ni Dannah. She saw us?! What the hell! 

"You saw us making out in the pool?!" That's so freaking embarrassing! The fact that they all know that I hate Silver made this whole thing worse.

Nanlaki ang mga mata ni Dannah at kusa na lamang nawala ang ngiti sa mga labi na tila ba gulat na gulat sa sinabi ko. "Y-You guys what?" Mahinang tanong niya sa akin.

I shook my head and rolled my eyes for the nth time, "Forget it. I just taught that silver-haired guy how to kiss." Lies. Lies. Lies. That's a complete lie! Silver is a freaking good kisser. The way he moves his lips...the way he...

Hell. I should stop.

"So you kissed? Nakita ko lang naman kasi kayong nag-uusap kagabi sa may pool, hindi ko nakita ang sinasabi mo." My eyes widened as my jaw dropped. Magsasalita pa sana ako ngunit biglang bumukas ang pinto at pumasok ang pinsan ni Dannah na may hawak-hawak na iba't ibang kulay ng cartolina. What is he going to do with those papers? 

"Napadpad ka rito?" Puna ni Dannah kay Blake.

"Tulungan niyo ako. Handa akong magbayad kahit magkano!" Sabi niya at naghagis ng ilang piraso ng perang papel sa harapan namin ngunit nang mapansing play money lamang ang mga iyon ay muli kong ibinalik ang matalim na tingin ko sa kaniya.

"I don't need your fake money. Sabihin mo na lang kung anong maitutulong namin."

***

"Seriously?!" Sigaw ko kay Blake kaya naman napaatras siya sa akin at parang natakot pa. "That's so cringey! I'm out." Aalis na sana ako kaso hinila niya ang braso ko at sapilitang ipinahawak sa akin ang mga cartolina.

"Kami na lang ni Hadley ang tutulong." Sabi ng bagong dating na si Newt at katabi niya si hadley na kasalukuyang umiinom ng milkshake.

"Walang kayo." Sabi ko kaso para bang gusto kong bawiin ang sinabi ko na iyon matapos makita ang kamay nilang magkahawak. Wait, don't tell me...

"And the pig couple was born!" Sigaw ni Ford at hinagisan ng marami-raming piraso ng play money ang dalawa. Bakit ba meron silang play money? Anong gagawin nila roon? Sumasakit ang ulo ko sa kanila. Palibhasa hindi ako maka-relate since ako na lang ang matino.

Infernio Academy 1: Touch of HellWhere stories live. Discover now