Chapter 20: The real queen

5.2K 276 108
                                    

⪼ S H A I A L A

Second day. 

We attended classes earlier, kami nila Dannah at Blake ay tinapos namin ang lahat ng subjects habang ang iba ay dalawa o tatlo lang. Pagkatapos naming kumain ng snacks, agad kaming bumalik sa Training Hall. Ang una kong nakita ay ang kakahiga lang na si Denver na galing rin sa cafeteria kanina. Seriously? Pagkakain niya matutulog siya agad? That's bad.

"Hey." Tawag ko sa kaniya pagkalapit ko sa tabi niya. Nang hindi siya sumagot ay sinipa ko ng mahina ang binti niya dahilan para mapalingon siya sa akin. Kunot-noo niya akong tiningnan na para bang nagtatanong kung anong problema ko. "Kakakain mo lang, bakit natutulog ka agad?" He clicked his tongue and turned around, making his back face my direction again. Thanks for the answer.

"Hindi ako natutulog. Stop bothering me, pwede ba?" Bakas ang pagkairita sa boses nito. Napanganga na lamang ako sa lintanya niya. Bahala nga siya, wala siyang kwentang kausap. Siya na nga ang sinasabihan.

"Okay." Imbis na makipagtalo ay tinapos ko na agad ang usapan. Kinuha ko ang pampintura at pinlano kung saan ako magsisimula. Yes, I'm gonna do this part since sanay naman ako. Might as well use my skill imbes na tumunganga o mamahinga katulad ng ginagawa ng iba diyan.

Nakakainis dahil nasama-sama pa ako sa gulo na 'to. Bakit ba kasi hindi ko na lang iniwanan si Risei mag-isa noong isang gabi? Tuwing naiisip ko kung paano niya ako sungit-sungitan sobrang naiinis ako at para bang gusto ko na lang hilahin ang kulay pulang buhok niya.

Okay, speaking of Risei. She's heading towards my direction with full confidence. Her aura is strong and dark but it's nothing compared to Quinn's. Ang trying hard niya kaya. 

Nagsimula na siyang magpintura, seryosong-seryoso siya ngayon na para bang gusto na niyang matapos ang parusa na 'to. Ipinagpatuloy ko na rin ang pagpipintura pero napatigil ako nang mapansin kong ang parteng pininturahan ko kanina ang pinipinturahan niya ngayon. "I already painted that. Doon ka na lang sa—" 

"Don't tell me what to do." 

Wow, this girl is getting on my nerves. Paano kami madadali kung uulitin na naman niya ang natapos na?

"Hindi tayo mabibilis kung uulitin mo na naman 'yan. Lumipat ka na lang sa kabila." 

Hindi niya ako pinapansin. Nagmumukha akong tanga, parang sarili ko lang ang kausap ko. "Ano ba?!" Sa inis ko ay hindi ko na maiwasang mapasigaw. Napatigil ito sa pagpipintura at nilingon ako. Tila mas lalong dumilim ang aura na bumabalot sa kaniya. Pinagsasabihan ko lang naman siya ah? Hindi ko naman inaasahang pikon ang babaeng 'to.

"I said don't tell me what to do." 

"Unli ka?"

"Ikaw ang unli. Hindi na nga kita pinapansin, nagpapapansin ka pa." 

My lips parted in disbelief. Nagpapapansin? Wow ha? Never thought na ang 'pagtatama' ay isang form ng 'pagpapapansin'. Anong vocabulary ang meron siya?

"Hindi ako nagpapapansin, okay? Umayos ka ha? Wala sa lugar ang pagtataray mo." Tatahimik na sana ako at ipagpapatuloy na ang pagpipintura pero ayaw pa ring paawat nitong si Risei.

"It's because your work is patchy. Ang panget, okay? Manahimik ka na lang at tingnan kung paano ko ayusin ang gawa mo." Mas lalo akong nainis. Bitchesa pala talaga ang babaeng 'to. Akala ko first impression ko lang 'yon.

"Doon kayo magsabunutan, matutulog ako." Umayos si Denver ng pagkakahiga.

"Mga tao kasi rito, nakakairita!" I flinched when she threw the brush.

Next time, ayaw ko ng madikit sa Risei na 'yan, magkakainisan lang kami. I hate her attitude, her guts, her aura, everything about her. Sinasabi ko na nga ba't makakaaway ko siya pagkakita ko pa lang sa kaniya noong first day. Amoy na amoy ko agad ang ugali.

Infernio Academy 1: Touch of HellWhere stories live. Discover now