Chapter 18: The punishment

5.6K 245 153
                                    

⪼ R I S E I

Iniwas ko ang tingin ko kila Sapphire at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Hindi ako sanay na makita silang magkasama ni Silver. I mean, sila ang pinakamagkaaway rito sa Academy tapos makikita na lang namin na ganon? And seems like Silver is also defending Sapphire from Mr. President. 

From what I've heard, no one knows who the outsider is. Malamang nakapasok raw iyon dahil natunugan kung nasaan ang secret passage rito sa Academy. Dahil do'n, hihigpitan pa raw ang security at dadamihan ang guards. 

After kong kumain, tumayo na ako at naglakad pabalik sa dorm, kasabayan ko pang maglakad ang bagong salta rin na si Shaiala. Habang naglalakad ay may mga humarang sa aking mga kalalakihan, napatigil ako dahil doon. At dahil lima sila, naharangan pati si Shaiala kaya napatigil rin ito pero obvious na ako lang ang pakay. Why are they blocking my way? May kailangan ba sila sa akin? 

Oh, I know them. Sila ang mga nangunguna lagi sa initiation.

"Get out of my way." Mataray na sambit ko pero nagulat na lang ako nang bigla akong hinila ng isa pero mabuti na lang at mabilis ako magreact kaya naman hindi niya ako natangay agad, sa halip siya pa ang nahila ko pabalik. "What do you want?!"

"Wala kaming magawa." The guy on the left side shrugged. Iba talaga ang nagagawa ng boredom sa mga tao rito. "Pwedeng makipaglaro, Ms. Taylor?" For this time, I was the who raised my shoulders.

"May gagawin kasi ako." I took a step forward pero hinawakan ng isa ang braso ko at ibinalik ako sa pwesto ko kanina.

"Ako din kaya paraanin niyo na ako." Shaiala pushed forward, but they also pushed back. 

"Aw, saglit lang naman." Without a warning, he suddenly threw a fist, but I quickly dodged and did a counter attack. He stumbled after I connected my fist to his lips. "Fuck!" 

"Ayan, may gagawin ka na. Gamutin mo ang pumutok mong labi."

"Ang tapang mo pero wala ka pa ring binatbat kay Quinn."

I suddenly felt anger boiling inside me. If it was visible, the air would have been fiery red. Ang ayaw ko sa lahat ay yung ikinukumpara ako sa iba, lalo na kay Sapphire.

"Ano? Wala kang masabi kasi to—" Hindi pa man din natatapos ang sinasabi niya ay agad ko na siyang pinatahimik sa pamamagitan ng pagsugod at pagsuntok sa panga niya. Sumugod naman sa akin ang isa pa at akmang susuntukin na ako pero bigla na lamang itong tumumba sa sahig.

I don't know if I should be surprised when I saw Blake. At this point, nasanay na ako sa pagsunod niya sa akin.

"Oh, ikaw pala transferee." Nakangising sambit nung isa at walang pasabing sinugod si Blake. Nagawa niyang saluhin ang kamao nito. Pinilipit ni Blake ang braso ng lalaking iyon bago ito tadyakan sa sikmura.

Imbes na panuorin siyang makipaglaban, tumulong na rin ako. Bawal ang ganitong klase ng sakitan. According to Mr. President, sparring is only allowed inside the ring and every practice. Pero kapag ganitong trip trip lang o dahil sa pikunan, violation na 'yon. Damn, this is the first time I violated a rule.

Nilingon ko si Blake at nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makitang may lima pa siyang kaaway. "May back-up sila, dapat kayo rin meron." Napatingin kami ni Shaiala sa nagsalitang si Denver. Ngumisi pa ito at inalis ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa saka kaswal na sinipa ang lalaking pinatumba ko.

"Sinong back-up namin? Ikaw?" I smirked at his direction.

"As if namang kaya mo sila." Shaiala added. 

Nagkibit-balikat na lamang si Denver. Hinablot niya ang kwelyo ng isang lalaki at sinuntok, hindi naman niya sinasadyang maitulak ito patungo sa amin at bago man ito bumagsak kay Shaiala ay nasalo niya ito at binigyan ng isa pang suntok bago itulak sa lupa. 

Infernio Academy 1: Touch of HellWhere stories live. Discover now