Chapter 19: Fellowship

5.4K 231 228
                                    

Multimedia: New characters ;)

Featured song: Justin Bieber, Bloodpop - Friends

⪼ B L A K E

Nakakastress.

Unang araw pa lang, nakakastress na silang lahat. Bangayan dito, bangayan diyan. Kapag naman sinita, ayaw magpatalo. Ayaw yata nilang makatapos agad, bibig at init ng ulo ang ginagamit na panglinis.

Nang lingunin ko sila ay kumunot ang noo ko at para bang gusto ko silang batuhin ng tig-iisang maruruming basahan. Binabawi ko na ang sinabi ko kaninang nagkakaniya-kaniyang linis kami kasi tang ina ako lang pala ang naglilinis rito! Lahat sila ay nakaupo na. Yung iba ay tulog katulad nila Denver at Risei habang yung karamihan ay nagcecellphone. Mga pagod at bored na agad? Ayos ah?

"Hoy! Ano? Ako na lang gagawa lahat?" Tanong ko sa kanila pero walang sumagot bukod kay Dannah.

"Namamahinga lang ako."

"Okay." Sagot ko na lang. Wala naman akong sama ng loob diyan kay Dannah kasi kung tutuusin halos siya na ang nagwalis ng buong sahig.

"Dala ko yung bluetooth speaker mo na hindi ko pa nasasauli. Patugtog tayo?" Napalingon ako kay Dannah na nasa likuran ko na pala.

"Langya, insan. Akala ko nawala na 'to." Hinablot ko mula sa kaniya ang bluetooth speaker at agad na inilabas ang cellphone ko saka pumili ng kanta.

Ilang segundo pa lang tumutugtog ang kanta, nasa intro pa nga lang ito pero agad na hinablot ni Dannah ang cellphone ko at hininto ang kanta. "Ayan ka na naman sa walang kamatayang Despacito!"

"Bakit ba?!" Sigaw ko pabalik sabay bawi ng cellphone ko. "Okay, iba na lang." Sabi nito kaya inis kong inilipat ang kanta. JB and BloodPop's Friends.

I was wonderin' 'bout your mama~

Did she get that job she wanted?~  

"Lipat mo 'yan. I don't like Justin Bieber's songs." Napatingin kami sa nagsalitang si Risei. Akala ko tulog, balak ko pa naman siyang kuhanan ng picture. Pero syempre joke lang, masapak pa ako niyan.

Sell that car that gave her problems~

I'm just curious 'bout her, honest~  

"Like ka ba?" Pang-aasar sa kaniya ni Hadley na kasalukuyang kumakain ng chips. Tingnan mo 'to, hindi man lang nag-aalok. Hindi niya ba alam na may gwapong nagugutom rito?

"Shut up. Wala akong panahong makipag-inisan sa 'yo." Risei crossed his arms and closed her eyes, mukhang gusto niya atang matulog pero hindi siya kumportable. Napangiti ako at napailing bago lumapit sa kaniya. Napatigin naman sa akin si Hadley na katabi niya pero kay Risei pa rin nakatuon ang atensyon ko. Mukhang naramdaman niya at presensya ko kaya naman idinilat na niya ang mga mata niya.

"Gusto mo bang matulog?". Kinunot niya lang ang noo niya pero mukha na siyang ubod ng taray. Siguro noong umulan ng katarayan, basang basa 'to.

"Obviously." 

Doesn't have to end~

And if it ends~

Can we be friends?~    

"Balik ka na sa dorm." Sabi ko kaya napairap siya.

Bigla namang natawa ng malakas si Hadley at nakita ko pang itinaas niya ang kamay niya pero bago pa man ito madikit sa akin ay tumalon ako paatras. Shit! "Makikipag-apir lang ako! Napatawa mo ako do'n." Bago ako makipag-apir ay hinila ko ang sleeves ng sweater ko pababa kaya natakpan ang kalhati ng palad ko.

Infernio Academy 1: Touch of HellWhere stories live. Discover now