Chapter 48: Unexplainable feelings

3.7K 195 350
                                    

⪼ D A N N A H

Napahampas ako sa hangin sa dami nga nang lamok. Dapat pala hindi na ako lumabas at sinunod na lang ang sarili kong bilin kanina kay Shai.

"Hey." Inalis ko ang tingin ko sa dagat at nilingon si Ford na kararating lang. Inalis niya ang pagkakabulsa ng magkabilang kamay sa bulsa ng shorts at umupo sa tabi ko. 

"Hey." I greeted back, wearing the stupid smile I got everytime I see him.

"Hindi ka nilalamig?" Nag-aalalang tanong niya sa akin. 

"Slight." Sagot ko. He suddenly threw his right arm around my shoulder and embraced me with warmth. Sumandal ako sa kaniya at naramdaman ko ang lalong paghigpit ng pagkakahawak niya sa akin. 

"Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong niya sa aking muli. Lumabas ako saglit ng hotel upang magpalamig at makapag-isip-isip. Naiitindihan ko na kung bakit ayaw magpasama ni Shai sa akin kanina, masaya rin pala kahit ang sarili mo lang ang kasama mo. Lalo na kung ganito pa kaganda ang tanawin at kung ganito kapresko ang hangin, sobrang kumakalma ang isip ko.

"Can't sleep." Muli akong tumitig sa dagat at bumuntong-hininga. The sound of the waves crashing along the shore is the type of serenity I would like to hear forever.

"Bakit hindi ka makatulog? Is something bothering you?"

"Hindi ko alam." Tumawa ako ng bahagya. Para bang nakaramdam ako ng paru-paro sa akin tiyan nang magdikit ang kamay naming dalawa at kusa na lamang bumilis ang tibok ng puso ko nang unti-unti niya iyong hinawakan. Sa mga oras na ito, wala na akong naririnig na iba pang tunog sa paligid kundi ang puso kong halos kumawala na sa aking dibdib.

"Bakit?" Tanong niyang muli kaya naningkit na ang mga mata ko.

"Bakit ba ang dami mong tanong?" Muli akong tumawa ng bahagya. Natawa rin siya at pinisil ng dalawang beses ang aking kamay.

"Ito, last question na." Sabi niya. 

"Sige, ano?" 

"Ano ba tayo?" 

Napatikom ang bibig ko sa naging tanong niya at kusa na lamang bumaba ang tingin ko sa kamay naming magkahawak. Iyan rin ang tanong ko sa sarili ko noong mga nakaraang araw. Ano nga ba kami? Ano bang estado namin? Ano bang relasyon namin?

Are we just friends? Close friends? 

But 'just friends' do not hold each others hands like this.

Are we more than that?

"Dannah...a-ano...paano ba 'to?" Bumitaw siya sa akin at napakamot sa batok niya. Wala akong ibang naging reaksyon kundi ang pagtawa. He's so cute and adorable. Sino bang mag-aakalang ang isang Wayne Ford Hendrix na hindi nagdadalawang-isip na magpakawala ng suntok ay isa palang torpe?

Nagkunwari akong walang nahahalata sa kung anong balak niyang sabihin at sinikap pigilin ang ngiti ko. Mukhang daig pa siya ni Blake, pero wala naman akong reklamo o problema roon. It really takes time. We don't have to rush some things.

"I don't know how to start this." Bumuntong-hininga siya at sinikap pantayan ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay matutunaw ako, para bang daming emosyon na bumabakas sa maiitim niyang mga mata.

"I told myself I might as well take the risks because it's the only remedy I know that could unburden this feeling I've been keeping ever since I saw you...that night." Nahalata ko na espesyal ang turing sa akin ni Ford pero hindi ko inakalang doon pala sa gabi na 'yon nagsimula ang lahat. I never realized that. Maybe it's love at first sight. 

Katulad ng nangyari sa akin...

"I've never been like this before. I just don't know how to pour out my feelings for you. I've always wanted to find the perfect words to make you realize how much you mean to me pero sa tingin ko ay hindi sapat ang mga salita lang. Nauubusan lang ako ng oras kaiisip kaya napagdesisyunan ko ng aminin sa'yo ang nararamdaman ko." I could feel my heart melting by hearing those words from him. Hindi ko alam kung tumigil ba ang pagtibok ng puso ko o mas lalong bumilis at lumakas, but I don't care anymore. For now, all I care about is him.

Infernio Academy 1: Touch of HellWhere stories live. Discover now