Chapter 27: Not a friend

4.4K 217 71
                                    

⪼ S A P P H I R E

"What the hell, Wayne Ford?" Inalis ko ang pagkaka-ekis ng aking mga braso sabay tayo nang makitang dala-dala niya sila Blake at Dannah rito sa classroom namin.

What the hell are they up to? This gathering is so suspicious. Kung tungkol man 'to sa punishment namin na hindi pa natatapos, bakit kailangang ngayon pa pag-usapan? May schedule naman kami bukas. Magkikita-kita naman kami.

"You can't argue with me on this, buo ang loob ko rito." He stated after pushing down Blake's shoulders, making him seat beside me.

"What are you saying?" I asked him.

"Malapit ng matapos ang punishment natin, siguro isang araw na lang ayos na." Panimula nito. Nakakunot ang noo ko habang sinusundan siya ng tingin.

"Hindi 'yon kaya ng isang araw." Sabi ni Newt. "Pero kung gusto niyong matapos sa isang araw, mamadaliin natin."

"That's the point, mamadaliin talaga natin." Hadley said.

"And for what reason?" Tanong ko.

"We'll be helping the newbies to catch up. We'll help each other to get through this." Hindi ako agad nakapag-react sa sagot ni Ford.

"Wayne, hindi na kailangan. Kaya naman naming makalabas rito."

"Blake, come to think of it. If they choose you guys to join the international sparring competition, makakalabas kayo agad. Ayaw niyo ng shortcut?" Ford sounded so desperate to pursue this plan. I shook my head and smoothed the crease on my forehead.

"But this Academy can cure me. I can't leave yet." Tears formed in Dannah's eyes. Napatingin tuloy kaming lahat sa kaniya.

So that's her reason too? Katulad rin siya ng karamihan na iyon ang habol rito sa Academy?

"You still believe that? After all I've said?" Hindi makapaniwalang tanong ni Silver na kinakunot ng noo ko. Nagkausap sila ni Dannah?

"But, Silver—"

"Forget about the cure. Infernio Academy isn't the answer."

Iyon ang huling naintindihan ko sa meeting na 'yon. Or should I say... inintindi. Iyon ang tumatak sa isip ko.

They talked? When?

Napahagod na lang ako sa sariling buhok. Whatever. Ano naman kung nag-usap sila? Basta ang alam ko lang hindi ko gusto ang plano nila Ford at Hadley. Iyon ang dapat kong intindihin. And I hate that I could tell it's impossible to change their minds. Mukhang buo na nga talaga ang loob nila na tulungan ang tatlo.

How lucky of them. They can benefit from us, but how can we benefit from them? Anong mapapala namin sa pagtulong sa kanila? Wala naman 'di ba?

This shit is giving me so much headache. Itutulog ko na lang 'to.

Papasok na sana ako sa girls' dormitory nang pigilan ako ni Hadley. Napatingin ako sa kaniya at nakita kong napakaseryoso niya. "Bakit pati ang pagkakaibigan nating tatlo ay parang binura mo na rin sa isip mo?" She asked.

So she finally noticed na iwas na ako sa kanila?

Gusto ko siyang tawanan, gusto ko siyang sabihan na hindi pagkakaibigan ang nabuo namin kundi samahan lang, gusto ko siyang barahin pero napatitig na lamang ako sa mga mata niya.

"I know attachments can ruin you, but Sapphire, kaibigan na ang turing ko sa 'yo, sa inyo ni Ford. Huwag naman ganito." I gulped and looked away. I knew it.

Ngumisi ako at iwinakli ang kamay niyang nakahawak sa braso ko, "Ako ba tinanong mo kung kaibigan rin ang turing ko sa 'yo?"

"Sapphire." Her voice sounded so firm, yet I could tell that it's about to break. I clenched my fists as I stare at her eyes.

Infernio Academy 1: Touch of HellWhere stories live. Discover now