Chapter 25: Saving the wallflower

4.9K 217 41
                                    

Multimedia: Dannah

⪼ D A N N A H

Naalimpungatan ako sa isang malakas na tunog. Kumunot ang noo ko at nag-iba ng mas kumportableng posisyon para matulog ulit. Tila mas lumakas ang nakakainis na tunog kaya naman kinapa-kapa ko na ang bed side table para kapain ang cellphone kong nag-iingay.

"Dannah!" Napatigil ako sa pagkapa at kusa na lamang bumukas ang mga mata ko nang marinig ang malalim na boses na tumawag sa akin kasabay ng pagkalampag sa pinto. "Dannah, this is Ford. Wake up, magsisimula na ang training." I wake like I'm hooked up the mains. No sleepiness, no slow warming up. I was unconsciously on my feet, staring at the crimson colored door. 

Tama ba ang narinig ko? Si Ford ba talaga ang nasa labas ng pintuan?

"Dannah!" Napatalon ako sa gulat at dali-daling kinuha ang twalya ko para maligo.

"Five minutes!" Sigaw ko pabalik.

I almost forgot it's Saturday, whole day nga pala ang training! Pilit ko tuloy nilabanan ang antok at nag-ayos na.

Suot-suot ang training uniform ng Infernio Academy—a black fitted hoodie with the school's logo and black leggings, hindi ako mapakali habang tinititigan ang sarili ko sa salamin. Hindi ako kumportable sa suot ko, fitted masyado 'tong pang-itaas. Hindi ako masyadong confident sa katawan ko dahil hindi naman ako madalas mag-gym kaya hindi ganun kaganda ang hubog nito. Nakakahiya.

Pagkatali ko ng sintas ng combat boots ko ay lumabas na ako. Napaatras ako nang makita ko sa gilid ng pinto si Ford. Gulat ko siyang tiningnan. "Let's go." Then he started walking, leaving me behind.

Bakit niya ako sinusundo na parang okay kaming dalawa? Sa pagkakaalala ko, sorry lang ang sinabi niya sa akin bago tapusin ang usapan. Kung usapan nga ang matatawag doon.

I sighed. Bakit ko naman kasi ginagawang big deal?

Nang makarating kami sa training hall, bumungad sa amin ang mga estudyanteng nagsisimula ng magtraining. May ilang nadagdag rito sa hall katulad ng mga punching bags na wala naman noong naglinis kami, nakita ko kung paano ito suntukin ng mga estudyante. Hindi ko maiwasang mapanganga sa sobrang lakas nila. Kailan kaya ako magiging ganyan? Sa sobrang hina ko siguro aabutin ako ng ilang buwan o taon.

"Listen up!" 

Sa dalawang salitang binitiwan ni Professor Lee ay napatigil ang lahat at napalingon sa direksyon niya. Iniyuko ko ang ulo ko nang sa akin huminto ang tingin ng iba. "Siguro naman kilala niyo na siya." Nasindak ako nang makita ko ang matatalim nilang titig sa akin.

Don't be scared, Dannah. Remember that Sapphire said that she is the most evil of them all but she's actually tolerable. Siguro ganito rin ang mga taong nasa harapan namin ngayon ni Ford.

"Siya ba ang papalapit kay Trinity?" Nakangising tanong ng isa. Lumingon sa kaniya ang isang babae, si Risei. Ang sama ng tingin niya rito na para bang may nasabing mali ang nagsalita. 

Hindi ba't si Trinity ang babaeng nasaksihan kong tumalon mula sa second floor ng main building? Napatingin ako kay Ford para sana magtanong pero parang umatras ang dila ko nang makita kung gaano katalim ang titig niya roon sa babae. 

Ford clenched his jaw pero maya-maya lang ay ngumisi ito bago magtanong. "What are you trying to say?"

"Nang namatay si Trinity, saktong dumating ang babaeng 'yan. Inuulit ko, siya ba ang papalit kay Trinity? Si Dannah na ba ang aagaw ng titulo ni Trinity?" Nang dahil sa sinabi niya ay nagtawanan ang iba na labis na ikinakunot ng noo ko dahil sa pagtataka. Titulo? What's Trinity's title? Bakit pakiramdam ko ay hindi iyon maganda kaya nagtatawanan sila ngayon...

Infernio Academy 1: Touch of HellWhere stories live. Discover now