Chapter 38: The boiling point

3.4K 182 74
                                    

⪼ S I L V E R

"Nasa kwarto sila ni Silver. Hindi ko na alam kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila dahil soundproof ang bawat kwarto."

"Malamang nagpaplano na naman ang mga 'yon para palakasin ang pwersa ng isa't isa."

"As if they are going to succeed."

The faint voices made me stop walking down the stairs. My lips are curled up, hands warm inside my pocket. Look who's talking.

"Simulan natin sa pinakamahina."

"Ang inosenteng baguhan ba ang tinutukoy mo?" 

"Oo, si Dannah." 

Sumilip muna ako para suriin kung sino-sino ang mga iyon bago ako sumandal sa pader at pinagpatuloy ang pakikinig sa kanilang usapan. The Incognito, along with Giroux who has his mouth shut the whole time. Napangisi na lang ako. Kapag ba nalaman 'to ni Ford, paanong pagpapahirap ang gagawin niya sa mga walang kwentang tao na 'to? Plus, do they really have to stoop this low? For the fucking position? Understandable. 

People can be a little too evil.  

"Simulan niyo sa pinakamalakas, hangga't nabubuhay pa ang taong iyon hindi tayo madadali."

"Si Inferno? Tang ina. Ikaw gumawa!"

"Oh, bakit? Takot ka ba sa kaniya?" 

Mas lalong lumapad ang ngisi ko. I took out my pocket knife that has red flame carved on the handle.

"Huwag muna si Inferno." Biglang singit ng isa. "Si Quinn muna." Tinigil ko ang paglalaro sa kutsilyo at para bang kumulo ang dugo ko sa narinig. 

"Tikman muna kaya natin siya bago natin patayin?" Humigpit ang hawak ko sa kutsilyo at hindi na ako nagdalawang-isip na magpakita kahit pa nagsasalita ang iba sa kanila. 

"Ang buhay niyong lahat kapalit ng paggalaw niyo kay Sapphire." Saad ko na may pagbabanta sa aking tono. Napatigil sila sa pag-uusap at gulat na napaharap sa akin. Sumeryoso lalo ang mukha ko at tinapunan sila ng matatalim na tingin. "Deal?" Huli kong tiningnan ang isa. Giroux was shocked at the sudden confrontation, his mouth was slightly hanging low. This man knows what I can do.

Ilang segundo silang nakatahimik hanggang sa bigla na lamang humalakhak ang isa na sa tingin ko ay ang pinuno nila. "Can you even handle us?" He asked. 

"Guys, stop. Mr. President already warned us." Bronze chose the right friend. I like people who knows how to draw a line between me and them.

Sa pagkakataong ito, ako naman ang humalakhak at hindi kalaunan ay sumeryoso rin ang aking mukha. "Why don't you try me?" Nagkatinginan sila dahil sa sinabi ko. Humigpit lalo ang hawak ko sa patalim nang makitang nagtayuan sila at lumapit sa direksyon ko.

"Pito laban sa isa. Baka gusto mong humingi muna ng back-up? Baka maiyak ka sa gagawin--" Napatigil siya sa sinasabi niyang kayabangan nang ipatong ko sa labi ko ang talim ng kutsilyo. He inhaled sharply and all he could do is glance at his shit friends.

"Hindi ka patas! Bitiwan mo ang patalim na hawak mo." Sila na nga ang lamang sa bilang, ako pa ang hindi patas. 

"Scared?" I tilted my head. He gritted his teeth and charged forward with a fist. Sa sobrang bilis niyang kumilos nang hindi man lang nag-iisip ay mabilis akong nakaisip kung paano iwasan ang walang kwenta niyang opensa. Itinagilid ko ang katawan ko para maiwasan ang atake niya, kaswal kong iniangat ng bahagya ang paa ko dahilan mapatid siya at bumagsak sa sahig.

Naramdaman ko ang pagsugod sa akin ng isa mula sa kanan ko at mabilis kong nasalo ang kamao niya. Pinaulanan niya ako ng suntok pero lahat iyon ay nadepensahan ko. And in return? A powerful punch that almost dislocated his right jaw.

Infernio Academy 1: Touch of HellWhere stories live. Discover now