Chapter 24: Change of wind

4.6K 220 76
                                    

⪼ B L A K E

Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang kabuuan ng training hall. Napangiti ako nang makitang malapit na kaming matapos. Lahat kasi kami ay gumagawa, lahat ay nakikipag-cooperate. Sa totoo lang hindi naman ako nag-expect ng kahit ano sa kanila kasi naisip ko mukhang malabong magkaroon kami ng unity. Pero ang nakakabigla, halos dalawang linggo lang pala ang nagamit namin.

Huminto ang tingin ko kay Risei at kusa na lamang nawala ang ngiti sa labi ko nang may maramdaman akong kakaiba. Napalunok ako at sinubukang iiwas ang tingin ko sa kaniya pero para bang naka-glue na sa kaniya ang paningin ko kaya naman hindi ko na ito maalis.

"I don't like the sound of you not talking." Nang lingunin ko ang nagsalita ay napatalon ako sa gulat nang makita kong si Quinn pala iyon.

"A-Ano?" 

"Maingay ka. Nakakairita ka." Tumabi lang ba 'to sa akin para prangkahin ako? Alam ko naman 'yon pero hindi naman kailangang ipamukha! "Pero hindi ako sanay na hindi naririnig ang kaingayan mo." Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa sinabi niya. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ako katahimik. Napansin na nga rin ni Dannah 'yon.

"Required ba na magsalita ako lagi?" Ngumisi na lang ako.

"No, I'm just saying na naninibago ako." Sinuri niya ako kaya umatras ako nang bahagya. Maya-maya ay bigla niyang nginuso ang gawi ni Risei. "What do you think of her?"

"M-Masungit?"

Bigla siyang napairap at sarkastikong tumawa. "That's your first impression, I want your thoughts now that you've got to know her."

"She's..." I paused and glanced at her direction. Saktong napatingin siya sa akin. Umangat ang pisngi niyang may bahid pa ng pintura, nginitian niya ako. "...pretty."

"Hmm?"

"She's pretty inside and out. Hindi niya pinapakita kung sino talaga siya o kung ano talaga siya pero ramdam ko. Sobrang soft niya. Alam mo bang inaway ako niyan kahapon dahil lang may naapakan akong butterfly? Hindi ko naman kasi napansin kasi naghihingalo na do'n sa sahig at malay ko bang favorite niya ang butterflies."

Nakatingin lang ako si Quinn sa akin at pansin kong parang nag-interes siya sa sinasabi ko.

"Malaki paninindigan niyan, akala mo kung sinong mananapak tuwing nakikipagsagutan ni hindi nga niya alam kung paano magbalat ng hipon." Naalala ko na naman ang hapunan namin noon. "Tapos tingnan mo, tingnan mo sabi!" Pwersahan ko pang pinatingin si Quinn kay Risei na sobrang clumsy doon sa sulok habang nagpipintura. "May pintura pa ang pisngi, bonakid yata." Humalakhak ako kaya muli siyang napatingin sa akin. Pinaningkitan niya ako ng mata dahil mukhang alam niyang siya ang pinagtatawanan ko. Nilabas ko lang ang dila ko para asarin siya lalo.

"Dalawang beses ko pa lang nakakasabay kumain 'yan pero masasabi kong makalat talaga siya kumain. Oo, may table manners naman pero basta ang kalat niya. Makalat siyang nilalang." Tumawa akong muli. "Niloloko yata ako ni Risei, feeling ko talaga five years old 'yan na nagkatawang Witch."

"Didn't know you're that observant." Mukhang impressed pa yata si Quinn sa mga sinabi ko. Hala, shit. Ang dami ko bang nasabi? Ang daldal ko ba?

"Siguro? Ewan, gusto ko kasing kinikilala ang mga tao." Pero nahihirapan ako sa kanila ni Inferno, masyado silang mahirap basahin. Sa mga mata kasi 'yon nakikita kaya hindi ko sila mabasa, lagi silang walang emosyon.

"And I also didn't know you fall inlove easily."

Doon ako natigilan.

Fall inlove?

Buong araw ko yata 'yon inisip...

"Guys, isa-isa lang!" Hindi ko pinansin si Wesley na kasalukuyang binabato ngayon ng mga tanong. Paano ngayon lang siya nakipag-usap ulit sa amin matapos ang sinabi niya noong nakaraan. Napabuntong-hininga na lang ako.

Infernio Academy 1: Touch of HellKde žijí příběhy. Začni objevovat