Chapter 34: Falling

3.7K 260 115
                                    

⪼ S A P P H I R E

I held her hand tightly. Sinikap man kaming paghiwalayin ng mga tauhan ni Mr. President ay hindi pa rin ako bumibitaw, sa halip ay mas hinigpitan ko pa ang kapit. I'm not letting go. I won't let go.

"Huwag kang mangialam!" Sabi ng isa sa akin at sinubukan akong paulanan ng suntok pero naiwasan ko iyon at nagawang gantihan habang nakahawak pa rin kay Hadley. Hindi siya bumagsak sa sahig dahil may lalaking sumalo sa kaniya, inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Ford na salo-salo ang lalaking tinadyakan ko. Malamig niya lang akong tiningnan at walang ano-ano'y biglang itinulak patihaya ang tauhan ni Mr. President at sinipa ang tiyan nito.

I'm currently evaluating my opponent's next move and I quickly kicked his stomach really hard when I saw a chance. The eye blinks, patuloy lang kami sa pagpapatumba ng mga tauhan ni Mr. President hanggang sa mapatumba namin ang lahat. Everyone is basically had their eyes fixed on the current situation.

Hingal na hingal akong tumingin kay Mr. President. Wala akong ibang naririnig sa buong hall kundi ang mabibigat naming paghinga ni Ford. Unti-unti kong kinapa ang kamay ni Hadley at mahigpit itong hinawakan. 

"You're the brain of this Academy right?" Hindi siya sumagot pero alam ko naman hinihintay niya ang sunod kong sasabihin.

Hinabol kong muli ang hininga ko bago magsalita, "You're the one who supposed to seek for the truth but why the hell are you getting yourself blinded by all of these lies?!" I respect him. I respect Mr. President, not a lot but I still respect him because he's not the brain of this Academy for nothing. He's like the CPU and we are the parts of the computer. Kung wala siya, malamang hindi kami gagalaw ngayon. Kung wala siya, hindi kami ganito kaayos ngayon, hindi namin mas mapapalakas ang mga sarili namin. 

Pero bakit ngayon...

"This is a serious matter and yet you're giving punishments kahit hindi mo pa napakikinggan ang side naming lahat?!" Sigaw ko pa sa kaniya pero wala pa rin akong naririnig na kahit ako mula sa kaniya. Napabuntong hininga na lamang ako bago hilahin si Hadley palabas.

***

I was busy kicking some pebbles until Hadley broke the awkward silence. "Thank you." She said. Tumango lang ako at hindi siya tiningnan. Tama ba ang ginawa ko? Tama bang pinagtanggol ko siya? Am I breaking my own walls? 

"Sapphire." Tawag niya sa akin kaya naman nilingon ko na siya. "Why did you do that?" But of course she knows. Gusto niya lang sa akin na manggaling. Why is this girl so desperate for knowing what I really feel towards her? Bakit hindi na lang siya makuntento sa nakikita niya? 

"Sapphire." Napalingon ako sa isa pang tumawag sa pangalan. That owner of that deep manly voice. Ford Hendrix. 

Nang makaharap ko siya ay isang ngiti ang ibinungad niya sa akin. It's a genuine smile. Katulad ng mga ngiting ipinapakita niya sa akin noon. Why? Why are you smiling like that?

"Ang cool mo kanina. Lalo na noong sinisigawan mo si Mr. President." He even showed me a thumbs up. Wait, what the hell? Why are he acting this way na para bang walang nangyari? Bakit ganito ulit ang pakikitungo niya sa akin?

Kung ano-ano pa ang sinasabi niya sa akin pero ako ay nakatitig lang sa kaniya. I wore a straight face, "Drop the act." Napahinto siya sa pagkukwento at nawala ang ngiti sa labi niya. 

"I'm not acting, this is called trying. I'm trying to bring back the old us. I miss our friendship." Sabi ni Ford at sumulyap ng ilang beses kay Hadley pero sa akin pa rin ang bagsak ng tingin niya sa huli. He's staring at me, trying to read my expressions.

I don't know but I felt the urge to build another wall. "Friendship? Are you joking?" Sarkastiko pa akong natawa dahilan para maglaho ang ngiti sa labi niya. What are you guys doing to me? Bakit biglang kumikirot ang dibdib ko tuwing nakikita kong nawawala ang mga ngiti niyo kapag nagsasabi ako ng hindi maganda?

Infernio Academy 1: Touch of HellWhere stories live. Discover now