Chapter 30: Make me understand

3.7K 212 142
                                    

⪼ B L A K E

Nasa clinic kami ngayong sampo. Okay naman ang iba katulad ni Denver pero hindi ko alam kung bakit nandito pa siya. Hindi niya ba alam na masikip? Biro lang. 

Napatingin ako sa kanila. Tulala lamang ang karamihan habang ang iba ay abala sa paggamot sa sarili. Isinandal ko lamang ang ulo ko sa pader at ipinikit ang aking mga mata. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod.

Mahimbing na natutulog si Hadley na nawalan ng malay kanina. Ang sabi ng nurse na tumingin sa kaniya ay nahilo raw ito dahil sa makapal na usok. Mas lalo ring tumaas ang lagnat niya kaya nabahala na rin ako. Kaibigan na rin ang turing ko kay Hadley at sana naman ay gumaling na siya agad. Kulang din pala ang araw kapag wala ang kaingayan niya.

Si Risei naman ay nagamot na ang paso sa braso. Nakatitig lamang ako sa kaniya nang bigla siyang mapatingin sa akin, iiwas na sana ako ng tingin kaso bigla siyang tumayo. "Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kaniya.

"Babalik na ako sa dorm." Sagot niya at naglakad patungo sa pintuan.

"Nasunog ang dorm." Sabi sa kaniya ni Sapphire kaya napalingon kami sa kaniya.

"Hala? Saan tayo matutulog niyan?" Tanong ni Newt.

"Ang girls' dormitory lang ang nasunog." 

Bakit naman kaya? Baka may pumutok na kable o sumabog na kung ano sa power supply sa main building at girls dorm.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Risei, hindi natuloy ang pagpihit niya sa door knob dahil bigla na lamang itong bumukas at pumasok naman si Wesley at Trevor na nag-aalala ang mga mukha. 

"Ano? Kamusta kayo?" Tanong ni Wesley sa amin. Hinawakan niya si Risei at pinaupo sa tabi ni Sapphire. Napairap na lamang ito. Malamang masama ang loob niyan dahil hindi siya nakalabas.

"We're exhausted as hell." Sagot ni Sapphire.

"And we look like shit." Dagdag pa ni Newt habang patuloy na pinupunasan ang mukha.

"Ikaw lang. Mandadamay ka pa eh." Biro ko sa kaniya. Tinapunan niya ako ng masamang tingin dahil doon pero nginitian ko lang siya ng pang-asar. Nang iiwas niya ang tingin, bumagsak agad ang ngiti ko at para akong nakahinga ng maluwag. Anak ng! Para niya akong isusunod sa mga abo kanina. Titig pa lang ni Denver para na akong pupulbusin.

"Nakarating na kay Mr. President ang nangyari at pinasasabi niyang sa boys' dorm raw muna matutulog ang mga girls. Pero bukod pa rin ang lalaki sa babae. Dalawang tao kada kwarto." Anunsyo ni Trevor kaya nagkatinginan kami. Lahat kami ay nabigla pero ang iba ay akala mo parang pinagbasakan ng langit at lupa. 

Pustahan magrereklamo na naman ang ilan sa kanila...

"WHAT?!"

'Di ba?

Natawa na lang ako. Ako lang yata ang hindi sumigaw. Wala naman kasi akong problema kung magkaroon ako ng roommate, kahit sino sa kanila ayos lang sa akin.

***

Habang yakap-yakap ang isang malaking unan at ilan ko pang kagamitan ay nakasimangot akong nakasunod sa taong nasa harapan ko. Hindi ko alam kung nakasimangot ba ako o mukhang nababanyo na ewan. Basta hindi maganda timpla ng mood ko ngayon.

Binabawi ko na ang sinabi kong ayos lang sa akin ang kahit sino. 

Bakit ba si Inferno pa 'tong ipinares sa akin?!

"Sa sofa ka." Sabi nito pagkabukas ng pinto ng kwarto niya. Tumambad sa harapan ko ang isang napakalinis na kwarto. Napanganga ako dahil walang kakalat-kalat kahit saan ka tumingin. Lahat naka-ayos! Hiyang-hiya naman ang kwarto kong parang binagyo.

Napako ang tingin ko sa sofa. Inihagis ko na doon ang mga gamit ko pati ang sarili ko. Ayos na ko rito sa sofa. Ang awkward naman kasi kung magtatabi kami sa isang kama 'di ba? Malay ko ba, baka nanghihipo pala 'tong si Inferno kapag tulog.

Bigla na lamang nag-ring ang cellphone at dali-dali ko itong sinagot nang mapag-alaman kong si Dannah pala ito. 

"Wala pong yelo." Pambungad ko sa kaniya.

"Brief na Iron Man ang design meron." Sabi nito kaya nanlaki ang mga mata ko.  

Sandali... huwag mong sabihing...

"Hoy, Dannah Blair! Sinong kasama mo diyan sa kwarto ko?!" Sigaw ko at wala sa sariling bumangon. Napatingin naman sa akin si Inferno pero hindi ko siya pinansin.

"Si Risei. Don't worry hindi niya naman nakita since itinago ko agad sa likuran ko. Bakit ba naman kasi iniiwan mo sa kama ang mga underwear mo?"

"Good night!" Aligaga kong pinatay ang tawag. Walang dapat makakita no'n bukod sa akin! Napatulala na lamang ako at nang mag-sink-in sa utak ko ang mga pinagsasasabi niya ay nagulo ko na lamang ang aking buhok. 

Kahihiyan, Blake. Kahihiyan.

"Ayaw ko nga pala ng taong maingay lalo na kapag matutulog na ako." Napatingin ako sa kasama kong seryoso lang na nag-aayos ng unan. Gara naman ng isang tao. Parang dapat limitado ang mga galaw mo kapag siya ang kasama.

"Matutulog ka na agad?" Hindi ko maiwasang hindi magtanong. 6 PM pa lang kasi, ni hindi pa nga kami naghahapunan.

"Oo."

"Wala ka pang kain. Kung ako si Dannah, papagalitan kita." 

Para kasing nanay yung si Dannah. Todo paalala, todo pagalit. Hindi lumalabas ang side niyang gano'n kapag may ibang tao pero kapag kaming dalawa, nako po! Abot abot ang salita niya.

Oo, minsan maiirita ka na lang. Sino bang gustong napagsasabihan lagi lalo na kapag alam mo sa sarili mo na iba kayo ng iniisip, na para sa 'yo ayos lang ang gagawin mo kasi ikasasaya mo naman 'yon? Pero kapag kay Dannah, natutunan kong makinig. Lagi't lagi. 

Sa totoo lang kung hindi niya sinisita ang bawat mali ko, baka matagal na akong napariwara. Junior high school, binalak ko nang manigarilyo kasi wala, gusto ko lang subukan. Sabihin na rin nating peer pressure kasi lahat ng barkada ko noon madalas yosi ang inaatupag sa break time. Pinigilan lang ako ni Dannah. Gano'n rin sa pag-inom. 

Dannah is always there to guide and take care of the people around her. Ako ang unang pruweba roon.

"Your cousin..." Biglang nagsalita si Inferno.

"Oh? Interesado ka?" Asar ko. Agad namang umangat ang isa niyang kilay kaya agad ko ring binawi. 

"Hindi sa paraang iniisip mo."

"Sa paanong paraan pala?"

"I mean, is she always that gullible?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya. "And so are you."

"Sinasabi mo diyan?" Sumeryoso na rin ang tono ko.

"About what I told earlier that Academy isn't the cure. Professor Lee doesn't even gave you enough background information about this institution right? Yet he managed to change your minds."

Yes, I'm also here for the cure. Gusto kong makaalala ulit. Ito na lang rin ang nakikita kong pag-asa. Bakit kailangan niyang sirain ang pag-asa na 'yon sa mismong harapan ko? Ano rin bang impormasyon ang meron siya para masabi na hindi ang Academy na 'to ang lunas?

"Kung gano'n nga kami kauto-uto, hindi ba ikaw rin? Kasi nandito ka rin kasama namin." Pagbalik ko sa kaniya.

Nakita ko ang pagtikom ng bibig niya. Alam kong may gusto pa siyang sabihin pero pakiramdam ko pinipigilan niya lang. Ang taong 'to, pakiramdam ko napakarami niyang nalalaman. 

"You don't understand." Nang tuluyan na siyang humiga ay umangat ang magkabila kong kilay. Ayos pala kausap ang isang 'to.

"Mahaba pa ang araw, may oras ka pa para ipaintindi sa akin." Sabi ko na lang pero mas pinili na nga yata niyang matulog.


_

Infernio Academy 1: Touch of Hellजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें