Chapter 36: Not the usual

3.9K 182 90
                                    

⪼ S A P P H I R E

Hadley opened her eyes slowly. Agad siyang napabangon nang makita ang pares ng mga mata kong nakatitig lang sa kaniya. Her lips stretched, forming a smile. I told her not to move first because her body might experience some side effects, but she didn't listen, she attacked me with a hug instead.

"You're here!" Her smile grew wider when she pulled away. 

"Nabalitaan ko ang ginawa mo. You're not really afraid of death, Sapphire." Napatitig ako sa mga mata niya at muli kong naalala ang ginawa ko para sa kaniya kagabi. Hindi ako makapaniwalang handa kong ibuwis ang sarili kong kaligtasan ko para lang sa kaniya. 

"I'm death." I chuckled.

She asked me what happened and I immediately told her everything.

Kaninang umaga, kumatok si Silver sa dorm, buhat ang walang malay na si Hadley. He brought her to me as he promised. I honestly don't have any idea how he did that. How much power he has to have control over anything he wants and just to keep his words.

"I don't know why they need to do that to you. Why do they have to pull a gun? Kahit na emergency gun lang 'yon, foul pa rin." She sounded mad. Mas nagalit pa siya sa ginawa ng lab doctor na iyon sa akin kaysa sa mismong ginawa nila sa kaniya. She's so selfless.

"Maybe because I'm stubborn as hell." Nagawa ko pang tumawa ulit.

"But in all seriousness, Sapphire." Her mood switched. Mas seryoso na siya ngayon. Naghintay lang ako at nakinig. This sounds like an important matter. "Tama si Silver. Infernio Academy isn't the answer, but the question."



⪼ D A N N A H

Patuloy lamang ako sa pagsuntok sa punching bag sa harapan ko. Nakakailang minuto pa lang ako rito pero tagaktak na ang pawis ko. Nananakit na rin ang magkabilang kamao ko at namumula pa. Why am I so physically weak? Pinunasan ko ang basang-basa kong noo at akmang magpapakawala pa ng isang suntok ngunit may sumalo roon.

Si Ford. 

He's wearing a blank expression and his sharp gaze pierced on mine. Matapos bitawan ang aking kamay, hinagisan niya ako ng twalya na tumaklob pa sa mukha ko.  "Kamusta?" He suddenly asked. Inalis ko ang twalya sa aking mukha. At nakita kong para bang gusto niyang bawiin ang tanong niya.

"Ayos lang." 

"Ah." Tipid na sagot niya. Sa totoo lang, sobrang dami ko ng utang na loob kay Ford. Lagi na lang siyang gumagawa ng bagay para sa kapakanan ko. Palagi niya akong nililigtas. Kung masusuklian lang ng pasasalamat ang mga ginawa niya para sa akin kaso mukhang kulang iyon.

"Ginugulo ka pa ni Thalia?" Umiling ako bilang sagot. Hindi niya nga ako ginugulo pero parang pinapatay naman niya ako sa isipan niya kaya minsan natatakot na akong lumabas mag-isa. Para bang anytime ay bigla-bigla na naman niya akong susugurin. Baka saniban na naman siya ng kung sinong demonyo at maisipan na namang wakasan ang buhay ko.

"Good. Kapag ginugulo ka pa niya, sabihin mo sa akin." 

"Salamat." 

"Hindi mo ako kailangang pasalamatan, ginagawa ko lang ang...g-ginagawa ko lang ang..." Umangat ang dalawang kilay ko nang hindi niya mabanggit ang sunod na salita. Para bang nag-aalinlangan siyang sabihin. 

"Ang?" I asked. We locked gazes, but he immediately look away, fixed his posture and even faked a cough to clear his throat. Kumunot ang noo ko dahil doon. Parang hindi naman 'to ang Ford na nakasanayan ko.

"Wala." Then I noticed the smile he tried hiding.

"Ano nga?" Asar ko sa kaniya kaya tulungan niya akong nilingon. Nabigla pa siya dahil hindi naman ako ganito sa kaniya dati. Nginitian ko na lang siya. "Ano?" I repeated, raising my brows.

Infernio Academy 1: Touch of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon