Chapter 31: Driving up the wall

4K 204 87
                                    

⪼ S A P P H I R E

Pagkarating ko sa cafeteria ay una kong nakita si Silver na nakatingin sa akin. Nang itulak ko ang glass door ay nagkunwari akong hindi siya napansin para makakain na agad pero bigla na lamang siyang humarang sa daraanan ko. 

"Too early to piss me off." I stated and tried walking pass by him pero hinarahan niya ako ulit.

"Mamayang gabi, mag-uusap-usap tayo nila Blake rito sa cafeteria." Sabi niya sa akin kaya napakunot ang noo ko. At ano namang pag-uusapan namin mamaya? I'm pretty sure it's nonsense. 

"No time for bullshits." Malamig na sagot ko. I was about to walk away, but he suddenly held my arm. Bago pa man niya ako mahila patungo sa table ay iwinakli ko na ang kamay niya. "I didn't gave you permission to lay a finger on me!" May halong pagbabantang sambit ko. 

He laughed. Para bang inaasar niya lang ako gamit ang tawa niya. And because he's Silver, it works.

Bahagyang napaatras ang ulo ko nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. "But you gave me permission to hug you last night." My jaw dropped. The sudden interaction flooded my mind. Why did I let him? And why the hell did I hugged him back?

Come on, Sapphire. It's just pity.

"And kiss you before...remember?" Dugtong pa niya kaya naman mas lalong napaawang ang labi ko sa gulat. Parang ako pa ang napapahiya rito kahit siya ang may kasalanan ng lahat. I can feel my cheeks burning nang maalala ko ang paghalik niya sa akin sa library. 

Fucking hell.

"You caught me off guard. I didn't give you permission." Inirapan ko siya pero tinawanan niya lang akong muli. "Get out of my way before I burn your ass down." Imbis na umalis sa daraanan ko mas lalo pa siyang naglakad palapit kaya napatingala ako.

"Am I supposed to feel threatened? Sorry, baby. I can't feel any fear right now." He shrugged with a smug look painted on his face.

"Huwag mo akong simulan, Silver." Nagtitimping saad ko sabay yukom ng magkabilang kamay. Umiwas ako ng tingin. Pakiramdam ko namumula ako! Siguro sa inis. Obviously. Saan pa ba?

"Aw, what are you going to do?" Nang-aasar na tanong niya. Napakagat ako sa labi ko at agad na pinalipad ang kamao ko patungo sa mukha niya pero agad niya iyong sinalo ng hindi man lang kumukurap. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at at marahan itong ibinaba.

The way his hand wrapped around my fist, it became gentle. Too gentle that I couldn't be able to process I'm feeling the warmth of his palm.

"I just wanted to say..." He paused for a second and took a deep breath. His thumb softly stroked my hand. "Thanks for the hug."

***

Nang magpakawala ng suntok ang babaeng kalaban ko, mabilis ko iyong nailagan at nang mapunta ako sa likuran niya ay agad kong siniko ng malakas ang likod niya dahilan para bumagsak siya sa sahig. 

I was about to kick her face, but I stopped halfway. Natawa ako ng mahina nang makita ang mga mata niyang nakapikit ng mariin. Matapos ko siyang tingnan ay naglakad na ako palabas ng ring at dumiretsyo sa sulok kung saan nakalagay ang mga gamit ko. 

I earned some applause, but the others were just hanging their mouths low.

I wiped the sweat on my face and neck with a towel at pagkatapos ay uminom na ako ng tubig. This day is so tiring. Second day pa lang ng school year pero masasabi kong mas tumindi pa ang pagt-train nila sa amin. Masyadong paguran. Halatang may hinahabol na oras.

Pagka-ayos ko ng gamit ko ay agad na akong bumalik sa dorm para makapagpalit na ng damit. I was covered with sweat that feels and smells horrible. Saktong pagkarating ko naman sa dorm ay nagring ang phone ko.

Infernio Academy 1: Touch of HellWhere stories live. Discover now