Chapter 43: Believe in yourself

3.3K 195 116
                                    

Multimedia: Shaiala, Denver

⪼ S H A I A L A

Napangiti ako at napasandal sa pader nang marinig ang usapan nila Blake at Risei. Hindi ko man narinig ang buong usapan nilang dalawa pero alam kong nakaamin na sa wakas si Blake. Akalain mong si Risei pa ang magiging dahilan upang ma-overcome niya ang kaniyang biggest fear.

Ayon kay Dannah, wala raw kinakausap si Blake na babae simula pa noong mga bata pa sila. Maski raw siya ay hindi kinakausap ng pinsan niya dahil nga sa phobia niya na 'yon na hindi malaman kung saan nakuha.

Tumalikod na ako sa kinalalagyan nila at akmang hahakbang na ngunit napaatras ako at muntik ng mapasigaw sa gulat nang makita ang pagmumukha ni Denver sa harapan ko. 

"Why are you here?" 

"I visited someone." I can't help it but get curious. Who's that someone? Is she that special for Denver para bisitahin pa siya nito?

"I see." Sagot ko na lamang at akmang lalagpasan na siya ngunit bigla na lamang siyang humarang sa daraanan ko. He put his hand inside the pocket of his black jeans and leaned down to level his face with mine. My eyes widened nang mapagtantong ilang inches na lamang ang pagitan ng mga mukha namin.

"H-Hey—" My eyes grew wider when he suddenly connected his lips with mine. That light kiss quickly developed into a rough one. Hindi ko alam kung mas may ilalaki pa ang mga mata ko dahil sa sobrang pagkagulat. Umangat ang kamay ko, akmang itutulak na siya ngunit kusa na siyang napahiwalay nang may magsalita.

"Denver? Shai?" I turned around to face Risei. Bumakas ang pagkagulat sa mga mata niya ng makita niya ako ngunit agad rin itong bumalik sa normal. "You're such a fuck boy." Sabi niya kay Denver. Ngumisi siya at umiling bago kami lagpasan. Nananatiling nakatuon kay Risei ang tingin ko dahil ayaw kong tingnan ang lalaking nasa harapan ko na nagnanakaw na lamang bigla ng halik.

"It's sweet." Kusa na lamang nalipat sa kaniya ang atensyon ko nang bigla siyang magsalita. Nakangisi siya sa akin at para bang nag-init lalo ang pisngi ko nang bumaba ang tingin niya sa mga labi ko na para bang may naiisip na kung ano.

"Jerk." I hissed. 

Nagkibit-balikat lamang siya at hinila ako palapit. Akmang ilalapat niyang muli ang mga labi niya sa mga labi ko kaso bigla na lang lumipad ang palad ko patungo sa pisngi niya. Isinarado ko ang magkabilang kamao ko dahil sa inis. Anong karapatan niyang nakawan ako ng isang halik na balak pa niyang dalawahin?

"Shai..." He uttered my name.

"Jerk!" Pag-uulit ko pa at tinalikuran siya. Mabilis akong naglakad patungo sa kwarto ko at pagkapasok ko roon ay malakas kong isinara ang pinto at napasandal na lamang. 

What the heck did just happened?

"It's just a kiss, Shai." Binagsak ko na lang ang sarili ko sa kama.

Ano 'yon? Trip niya lang? 

Minsan ang kumplikado rin ng takbo ng utak ng mga lalaki. Bakit ba ang gulo-gulo niyo?!



⪼ D A N N A H

"Hindi lang naman siguro ako ang nakakapansin na tahimik silang lahat 'no?" Bulong sa akin ni Hadley kaya naman sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ay muli ko silang tiningnan. 

Si Sapphire at Silver ay parehas nagtatype sa kanilang mga laptop na sa tingin ko ay para sa group project ng grupo nila. Si Denver ay nakatulala lamang sa lamesa habang pinaiikot-ikot sa kaniyang mga daliri ang isang ballpen. Si Shai naman ay nakatulala lang rin sa lamesa habang may binubulong sa sarili. Si Risei naman ay nakatingin lamang sa bintana na mukhang malalim ang iniisip. Si Blake ay nakadukdok sa lamesa pero alam ko namang hindi siya natutulog.

Infernio Academy 1: Touch of HellМесто, где живут истории. Откройте их для себя