Chapter 49: More than they expect

3.5K 201 165
                                    

Featured song: Charlie Puth - Then There's You

⪼ H A D L E Y

"Akin 'to!" Sabi ko sabay tabig ng kutsara ni Newt na kinukuha ang pinakanagustuhan kong pagkain na nakahain ngayon sa aming harapan.

"Damot nito! Kaya tumataba!." Sambit niya kaya nakatanggap siya ng masamang tingin mula sa akin. 

"Subukan niyong mag-away ulit." Pagbabanta sa amin ni Sapphire kaya naman pinili na naming manahimik ng katabi kong si Newt.

"Nasaan na ba sila Risei at Blake? Ang tagal nila." Sabi ni Shai habang nakatingin sa mga pagkain. 

"Gosh!" Sambit ni Dannah nang aksidente niyang matabig ang inumin ni Newt. Kusang napatayo ang dalawa nang tumapon ito sa mismong harapan nila. "Sorry, sorry. Papalitan ko na lang." Paghingi ni Dannah ng paumanhin habang hindi alam ang gagawin. 

"Huwag kang mag-sorry, ayos lang." Kumuha si Newt ng tissue at ibinigay iyon kay Dannah para mapunasan ang basang palda nito. Sumeryoso ang mukha ko sa nakikita. Gusto kong umiwas ng tingin pero napako na ang tingin ko sa dalawa.

"Sorry, nabasa ka pa." Kumuha rin si Dannah ng tissue at ipinunas iyon sa nabasang t-shirt ni Newt. 

Humigpit ang hawak ko sa aking kutsara ng hindi ko namamalayan. Bakit? Bakit ganito ang nagiging reaksyon ko? Magkaibigan lang sila kaya normal lang naman siguro ang ginagawa nila. Ako lang naman ang abnormal rito dahil parang...bakit ba kasi parang labag iyon sa loob ko?!

 Come on, Hadley. Get your mind right. 

"Newt, kaunting distansya sa girlfriend ko." Seryosong sabi ni Ford kaya naman gulat kaming napatingin sa kaniya. Tama ba ang pagkakarinig ko?! Girlfriend?!

"Kayo na?!" Nabaling naman ang tingin namin sa sumigaw. It was Blake wearing a surprised face, using his loud voice na dala ng sobrang pagkagulat. Well, sino bang hindi magugulat? Parang dati lang ay totorpe-torpe 'tong si Wayne pero ngayon sila na ng babaeng gusto niya.

"Sorry, bro. Sana sinabi mo agad." Natawa ng bahagya si Newt at umupo ng muli sa tabi ko matapos itong mapunasan.

"Ang unfair, noong natapon ko ang inumin mo nagalit ka sa akin. Pero bakit noong si Dannah ang nakatapon hindi gano'n ang naging reaksyon mo? Unfair!" Biro ko sa kaniya. Well, jokes are half meant.

"Ano ba dapat ang reaksyon na ipakita ko sa'yo?" Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ang tono ng pananalita niya. Gusto ko lang naman malaman kung bakit ganiyan ang pakikitungo mo sa akin...

"Ang unfair lang kasi..." Bulong ko saka umiwas ng tingin. Hindi ko pinansin ang titig sa akin ng iba at tinitigan na lamang ang mga taong nagtatampisaw sa dagat.

"Dapat ba ipinakita ko sa'yo kagabi ang ginawa ko kay Dannah ngayon? Tapos ano? Mauumay ka kasi 'di ba ayaw na ayaw mong nadidikit ang balat ko sa balat mo?" Hindi ako nagsalita, hindi ako sumagot. Mas seryoso ang tono ng pananalita niya kumpara kanina kaya naman nabigla ako sa loob loob ko. Hindi ako sanay na ganiyan siya makipag-usap sa akin.

Gara naman nito! Nakikipagbiruan lang naman tapos biglang magagalit!

"Hindi sa gano'n." Matapos ang ilang segundong katahimikan ay naisipan ko na ring sumagot. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang loob na harapin siya pero nang makita ko kung gaano nakakatunaw ang titig niya sa akin ay para bang gusto ko na ulit siyang talikuran.

Why am I being like this? I never knew that I could be this upset.

***

Nakatitig ako kay Sapphire na kasalukuyang lumalangoy sa mababang parte ng pool nitong Villa. Kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko to the point na para bang gusto ko na lang matulog upang matakasan ang mga iyon. Kaso, hindi naman ako makatulog kasi nga ang daming bumubulabog sa utak ko. 

Infernio Academy 1: Touch of HellWhere stories live. Discover now