Chapter 52: Fear is a liar

4.2K 187 92
                                    

Multimedia: Sapphire

⪼ S A P P H I R E

"Hindi ko aakalaing mamimiss ko ang impyernong ito." Sabi ni Shai matapos buksan ang pinto ng van. I opened my eyes slowly, adjusting my vision by blinking a few times.

"Nakauwi na pala tayo?" Nagising na rin ang katabi kong si Hadley.

I only muttered a soft response.

It doesn't took us long to go back here since I just knew that that beach is also located at Del Fuego. Akala ko pa naman kung saang malayong lugar na kami dinala. I guess Mr. President won't let us go somewhere far. Ingat na ingat siya sa amin.

"Weird ng panaginip ko!" Sabi ng nag-iinat na si Ford.

"Ano?" Rinig kong tanong ni Hadley. 

"May humahabol raw sa atin hanggang sa nagkarambulan na."

"Yo, Wayne. Same lang tayo?!" 

Napahawak ako bigla sa ulo ko dahil para itong kumirot. Somehow may naaalala rin akong ganon pero parang ang weird naman? Magkakaparehas kami ng panaginip? 

Hindi ko na lang muna binigyan ng pansin dahil pasakit nang pasakit ang ulo ko. Bumaba na rin ako sa van kaso saktong pag-apak ko sa lupa, nakita ko si Denver na naglakakad palapit habang nakabulsa ang magkabilang kamay sa jacket. Hindi ko na siya papansinin ngunit hinarang niya ang daraanan ko. Kahit saan ako magpunta ay humaharang siya kaya naman muli akong ginapangan ng inis.

"Hell, what?" He has his smug look in his face, a finger scratching his eyebrow. "May gusto ka bang sabihin o nantitrip ka lang?" Tanong ko sa kaniya.

"I like you, Sapphire."

"What?"

Hindi niya ako sinagot, sa halip ay ngumisi lang siya. My mind coudn't process everything, so I stayed blank.

"Hatid na kita." Akala ko ay sa akin iyon sinabi ni Denver ngunit nilagpasan niya ako at nilapitan si Shai. Kinuha niya ang mga bitbit nitong bag at naglakad na. 

What the hell? Pinagtitripan niya ba ako?

My lips were parted as I stared at their backs. I don't get a single thing this day. Bahala na nga silang lahat. 

Tinahak ko na rin ang daan papasok sa Academy. Matapos ang tatlong araw na pagliliwaliw sa labas ay muli kaming nagbalik rito. Bukas na magaganap ang Infernio Battle pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ina-announce ang mga kasali. I bet it would be a surprise. A bloody surprise.

"Sapphire, where are you going?" Tanong sa akin ni Silver nang mapansing hindi ang daang patungo sa dormitory ang tinatahak ko kundi ang daan patungo sa Mental Training Room. Ngayon ko napagdesisyunang isagawa ang test dahil wala ng ibang pagkakataon. Infernio Battle na bukas, at doon mae-encounter ng bawat estudyanteng kasali ang kanilang biggest fear. Kampante naman akong makakasali ako roon kaya hindi pwedeng hindi ko alam kung paano ko malalampasan ang kinatatakutan ko.

"Mental test." Tipid na sagot ko.

"Pero kagagaling mo lang sa byahe." 

"But there's no room for slacking off." I forced a smile.

***

"Just think of your greatest strength, and drop every fear."

Paulit-ulit sa utak ko ang boses ni Silver na nagpapaalala sa akin. Ilang bilin ang sinabi niya sa akin kanina ngunit iyan ang pinakatumatak. I couldn't think of any strength of mine. I mean, saan ba ako humuhugot ng lakas ng loob bukod sa sarili ko?

Infernio Academy 1: Touch of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon