Chapter 14: Inescapable madness

5.1K 274 105
                                    

Multimedia: Silver

Chapter theme: Chase Atlantic - Triggered

⪼ D A N N A H

"Aw." Ford hissed and I quickly uttered an apology as I distanced the spoon. Ingat na ingat ako sa pagpapakain sa kaniya kasi nga ganito, sobrang lala ng mga sugat niya.

"I can handle this. Sige na, bumalik ka na sa dorm." Hinalo ko ang soup at umiling. Hindi ko siya pwedeng iwanan ng ganito. Malamang mahihirapan siyang kumain dahil buong katawan niya raw ang masakit. Ikaw ba naman ang bugbugin nang halos walang tigil.

"Pambawi ko 'to sa 'yo." I signaled him to say 'ah' so that I can feed him again, but he slightly pushed my hand away.

"What?" 

"This is my fault, I shouldn't have asked that to you." .

"Put the blame on me." He clicked his tongue. "I was the one who insisted."

"You wouldn't do that if I didn't say I need to see my brother, because you know how much I miss him." Katwiran ko pa pero mukhang hindi rin siya papatalo.

"Yeah, but did you forced me? No." I sighed in defeat. "Sige na, pumunta ka na sa dorm. Magpahinga ka na." Kalmadong utos niya sa akin. Kahit ayaw ko, wala na rin naman akong magagawa dahil baka mapansin na naman nilang nawawala ako. Nilapag ko na ang mangkok sa may table at akmang aalis na. Pihit ko na ang doorknob kaso tumigil ako. Hindi ko alam pero nahihirapan talaga akong umalis.

"Are really sure you're okay?" Ford insisted to go back here even though the nurse said his body is still swollen. It's pass midnight now, ilang oras pa lang ang nakalilipas matapos naming makabalik.

"Yes, thank you." He smiled at me. "Wait, I'll ask Blake to accompany you." He reached for his phone, but before he could even dial my cousin's number I stopped him. Bakit kailangan pa ng may maghahatid? Ayos lang ako.

"Hindi naman gano'n kalayo ang girls' dorm, I'll be fine."

"No." Matigas niyang kontra kaya napatikom ang bibig ko. "Mainit ang mata sa 'yo ng lahat. It's either you stay here or I'll call Blake to take you to your dorm. Choose." Pero hindi ako nakasagot kaya napangisi na lang siya at tinuloy na ang pagtawag.

"Thank you." I uttered when I saw him turning off his phone. Tapos na siyang kausapin si Blake. Himala nga kasi gising pa pala siya. Baka naglalaro na naman ng kung ano.

Blake is a floor away and while waiting, I fixed Ford's bed sheet and pillowcases. He's just following me with his amused gaze and smile. I tried doing an eye contact with him, but I ended up staring away. Hindi naman siya malagkit tumingin pero ilang na ilang talaga ako. I mean, I'm kinda comfortable with him already pero kapag ganito siya sobrang nakakailang.

"Hindi ka mapirmi 'no? Gusto mo laging may ginagawa. You're such a mom."  I couldn't believe he said that. Tiningnan ko tuloy siya habang nakakunot ang noo. "Kidding." Then he showed me his rectangular smile. 

I was about to speak, but the knock at the door stopped me from doing so. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Blake na sobrang gulo ng buhok habang nagkukusot ng mata. "Thank you for coming." Narealize ko rin kasi na tama si Ford, hindi ligtas kung mag-isa lang ako dahil nga mainit ang mata ng lahat sa akin. Who knows? Baka mamaya may kung sino mang nakaabang sa akin sa labas.

"Jollibee ka ba? Tara na nga." Mukhang naistorbo pa yata namin ang tulog niya. Hinawakan na niya ang pulso ko at tinanguan si Ford bago kami tuluyang umalis.

Tahimik lang kami ni Blake habang naglalakad sa mahabang hallway. It's a good thing rin pala na pumayag akong magpahatid. I almost forgot the hallways are just being lit up with the red lights that gives me so much anxiety. 

Infernio Academy 1: Touch of HellWhere stories live. Discover now